Daryl Batuigas : The Wild Bait - 7

1108 Words
MONICA Maaga akong papasok ng studio ngayon. Naalala ko nang hindii ko napansin si Daryl kanina. Sarado ang kwarto nito nang dumaan ako at hindi ko rin inabala ang sarili kong gisingin siya. Natuwa nga ako sa sarili ko't dumaan muna ako sa kusina bago pumasok na hindi ko naman ginagawa. Umaasa kasi akong baka may pagkaing hinanda si Daryl, pero iyon nga malakas ang kutob kong tulog pa ito ng umalis ako. Wala rin naman kasi akong narinig na kahit na ano'ng ingay sa loob ng silid niya. Magkikita rin naman kami mamaya nito, ang mabuti pa tulad ng naisipan ko habang nasa sasakyan ako ay magdadala ako ng pagkain pag-uwi ko para sa amin. Tama ba itong naiisip ko, agad kong tanong. Wala sa kahit na ano'ng kontratang pinirmahan ko ang plano ko ngayon, salungat ng diwa ko. Ang mabuti pa ay hindi na lang ako mag-abala katulad na lamang ng iniisip ko kanina. Kung pagkain lang din naman ang pag-uusapan ay marami naman akong biniling delata n'ong nakaraan. Kumakain din naman siguro si Darryl n'on. At bakit ko nga ba siya pinagkakaabalahang isipin? Malaki na siya kayang-kaya niya na ang sarili niya. Me? I have to focus my goal now, iyon ang makuha ang mana ko galing kay lola para matapos na ang malaking problemang dinala ng madrasta ko sa bahay ni papa. Para pagkatapos n'on ay tapos na rin ang trabahong mayroon kami ni Darryl sa isa't isa. Tatlong buwan ang nasa kontrata? Pero heto at nakakadalawang-araw pa lang yata kaming nagsasama sa isang bubong ay parang mahirap na para sa akin. Pinoproblema ko ang ilalaman niya sa tiyan niya. Napatingin ako sa kawalan— sa mga sasakyang nauna sa akin dahil kasalukuyan naka-green ang traffic lights. Maraming motorsiklong nasa unahan ko. Napangiti na lamang ako sa naisip, nang maalala ko ang madalas na gamitin ni papa kapag hinahatid niya ako sa eskwela n'on. May katagalan na rin pala ang huli kong sakay sa motor at halos hindi ko na rin alam kung marunong pa ba ako— since, ilang taon na rin ang lumipas nang payagan ako ni papa magmaneho pagkatapos nang ako'y matumba at ang malaking peklat sa tuhod ko ang naging resulta. 'I miss you, Pa. Sayang lang at maaga kang nawala. Wala na tuloy akong kakampi sa lahat ng bagay,' malungkot kong sabi sa sarili ko. Naalala ko na naman si papa, ang pagiging dependent ko sa kaniya. Alam kong kahit papano kung nasaan ang ama ko'y, masaya na ito para sa akin sa lahat ng nararating ko sa buhay sa pamamagitan ng sipag at tiyaga ko para maabot 'to. Malaki man ang responsibilidad na iniwan niya sa akin, bilang magsisilbing alalay ng madrasta kong hindi na tumino sa buhay ay wala akong magagawa. Minahal ni papa ang babaeng iyon, at kahit naman papano wala rin naman akong masabi rito; naging mabuti rin siya sa akin. Iyon nga lang, may mga desisyon lang siyang hindi ko kayang tanggapin kung minsan— pero kapalit n'on ang hindi ko rin kayang hayaan siya ng ganoon-ganoon na lamang. Aminin ko man kasi o hindi, napamahal na rin naman sa akin si Tita Cynthia— ayaw ko lang sabihin sa harap nito dahil baka mas lalong lumaki ang ulo niya't kung ano'ng gulo na lang ang papasukin niya. Hindi ko siya pweding pabayaan, binilin siya sa akin ni papa at sa abot ng makakaya ko kailangan ko siyang intindihin. At lahat ay gagawin ko para sa kapakanan niya— kahit pa nga ang sarili kong kaligayahan ay kaya ko munang isakripisyo para sa kaniya, iyon ang pagkakaroon ng pekeng kasal kay Darryl. 'What a unconditional love for your madrasta, Monica,' aniya ng sarili kong natatawa. •• DARRYL GUMISING akong walang kahit na ano'ng bakas ni Monica. Sa tingin ko umalis na ito, dahil kahit ang sasakyan nito ay hindi ko na rin nakita sa garahe. Umalis man lang itong hindi ako nakapagpaalam sa kaniya— nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil hindi ko alam kung bukal sa loob niya ang pag-iwan sa akin dito sa bahay niyang mag-isa. Kahit naman alam ko sa sarili kong wala akong gagawing hindi kaaya-aya ay pangit pa ring isipin nandito ako sa isang bahay ng babaeng hindi pa namin halos lubos na kilala ang isa't isa. Inisip ko na lamang ang kontrata namin at hinayaan ko ang sarili kong mag-isip ng positibong bagay, walang mangyayari kung magiging negative ako. Isa pa, may sinumpaan pala kaming kontratang dalawa at mukhang nakapalagay naman d'on na kailangan namin magsama sa isang bubong sa loob ng tatlong buwan. Iyon nga lang may trabaho si Monica, kaya wala akong magagawa kun 'di ang mag-isang manatili rito. Ang mabuti pa gumawa na lamang ako ng ilang bagay na makakapagpagaan ng loob nito sa pag-uwi niya. Ipagluto ko kaya ulit siya? Sa tingin ko naman ay dito rin siya maghahapunan— at pagkatapos n'on ay ipaglilinis ko rin siya ng bahay. Sigurado akong, gagaan kahit papano ang nararamdaman n'on ni Monica kahit naman 'di niya sabihin sa akin ay may problema itong dinadala. Hindi naman ito mapupunta sa sitwasyon kung saan kami ngayon, dahil tulad ko kailangan niya ng tulong. Ang mabuti pa ay simulan ko na lahat ng pwedi kong gawing pabor para dito. Hiling ko lang na kung hindi man niya maibigan ay 'di niya sana masamain ang pagmamagandang loob ko. 'Hindi naman siguro ganoon si Monica,' aniya ng isipan ko. Hindi ko pa ito kilala gaano kaya hindi pa ako makakasiguro, baka kasi ang iniisip kong kusang mga bagay na gusto kong gawin para sa kaniya ay magiging kabaliktaran sa paningin niya. Ayaw kong isipin niyang may iba akong motibo. 'Bakit mayroon ba?' tanong ng isip ko. 'Wala at kahit na magtapos ang usapan namin sa kontratang nakapaloob ay hindi ako magkakaroon ng kahit na ano'ng masamang motibo rito... sadya man o hindi. Mabait si Monica at iyon ang nakikita ko kahit na mailap ang ngiting binabahagi nito sa akin,' kontrang sabi ko naman sa sarili ko. Tumuloy na ako sa kusina para umpisahan ang plano ko para sa kaniya— magluluto ako ng adobong manok ngayon para sa pagsasaluhan namin pag-uwi niya. Natigilan ako sa naisip ko, hindi nga naman pala kami nagsabay ni Monica n'ong pinaghanda ko siya nagdaang gabi. 'Hindi na bali na. Kahit naman hindi niya magustuhan o nagustuhan ang ginagawa ko para sa kaniya, sapat na sa akin iyong makakain siya ng maayos at sa oras,' aniya ko. Wala sa usapan ang mag-alala ako para kay Monica, pero sa sandaling pagsasama namin sa bubong na 'to masaya akong napagsisilbihan siya kahit na walang kapalit pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD