MONICA
MASARAP ang niluto ni Daryl. Nakita ko sa mga mata nito kanina kung gaano ito humihingi ng pasensiya dahil sa pangingialam niya sa kusina. Actually, wala naman talagang problema. Nilaga ang niluto nito, masasabi kong marunong ito sa kusina. Gaya nga ng sinabi ko sa kaniya kanina, hindi na ako mag-aalangan kong sakaling magkaroon ako ng out-of-town sa loob ng tatlong buwan na magsasama kami rito sa bahay bilang pekeng mag-asawa.
Napasinghap ako sa mga naisip ko. Hindi ko pa pala nasabi sa madrasta ko na-solve na ang problema nito sa pinagkakautangan at ang ginawang collateral ay ang bahay namin na tanging naiwan ni Papa. Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang magagawa ko oras na bumalik na naman ito sa bisyo nito pagkatapos.
"K-kumain ka na pala," untag sa akin ni Daryl.
"Hi. Nagutom ako. Ikaw? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
Napansin kong kanina pa ito nawala kahit sa living room mula nang iwan ko siya kanina rito sa kusina.
"Uhm. N-naglinis ako ng kwartong sinasabi mo sa akin, Monica," tugon sa akin ni Daryl. Napansin ko ang puting damit na suot nito kanina, bakas ang alikabok dito at ang ilang butil ng pawis sa nuo at leeg nito.
Umiwas ako ng tingin, nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya.
"Ang mabuti pa, maghapunan ka na rin para naman makapagpahinga ka na. Hindi biro iyong nilinis mo alam ko dahil sa maraming alikabok talaga ang silid na iyon," ani ko.
Tumayo ako para iligpit ang pinagkainan ko.
"By the way, masarap iyong niluto mo. Salamat ha," ani ko sa kaniyang nakangiti. Tulad nga ng sabi ko kanina masarap naman talaga ito. Partida at kulang-kulang pa ang ilang sangkap sa ref ko.
"Turo sa akin ng nanay ko," nakangiti ring tugon nito sa akin.
"Siguro sa lahi niyo na," ani ko sa kaniya. Dinala ko sa lababo ang pinagkainan ko't hinugasan din ito.
"M-monica ako na maghuhugas."
"No, Daryl. Hindi kita katulong dito sa bahay. You can have your own life her, it's okay. Parte iyon ng pinirmahan natin sa kontrata. Sanay din ako sa mga gawing bahay. Wala kang dapat ipag-alala."
Maayos na nilagay ko ang mga pinggang pinagkainan ko. Napalingon ako sa gawi ni Daryl, hindi ko naiwasang magkasalubungan kami ng tingin nito.
"Kumain ka na ha. Aakyat lang ako sa room ko, may trabahong kailangan gawin. By the way, I have to ready your script too, baka kasi one of this days bumisita rito ang mga anak sa labas ng lola ko at mahalata pa tayo," ani ko sa kaniya.
Isa iyon sa mga bagay na kailangan kong iwasan. Hindi ko hawak ang utak ng Tita Pilar at Tito Richard ko kung kailan ito dadalaw sa bahay o sa bahay namin sa Bulacan para lang masiguradong nasunod ko nga ang nasa last will testament ni lola.
"Thanks for the food, Daryl."
"Walang anuman, Monica."
Pagkatapos kong marinig ito kay Daryl, naging mabilis ang pagkilos ko para umakyat na sa taas. Hayaan ko na lang siyang kumaing mag-isa at baka nahihiya pa siya sa akin. Magugutom siya kapag nagkaganoon, bulong ko sa isip ko. Kapag ganito naman na nakakain na ako, hindi na ako bumababa pa— nasa taas naman na lahat ng kailangan ko. Bago ako umakyat sinigurado ko muna ang lahat ng pinto pati ang gate namin sa labas sinirado ko ito para naman safe din kami rito.
'Wala naman siguro gagawing masama sa akin si Daryl,' ani ko sa isip ko. Kung nakaya nitong sundin ang recipe ng nanay niya, baka mabait ngang tao ito dahil mabuti siyang anak.
"Nandiyan ka pa pala..." gulat na wika sa kaniya ni Daryl. Kalalabas lang nito ng kusina at siya ay papasok naman sa loob dahil sinigurado niya munang naka-lock na ang lahat sa labas.
"Tiningnan ko lang mga pinto," aniya rito.
"Sana ako na pinagawa mo niyan. Okay lang naman. Wala naman problema sa akin kung ako titingin ng mga importanteng gawain mo."
"You don't have to worry. Okay naman na, naka-lock naman na lahat. I'll make sure lang dahil alam mo naman ang panahon ngayon."
"Naiintindihan ko. Matutulog ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Oo. Aakyat na talaga ako at baka hindi na ako makababa kaya huwag mo na akong alalahanin ha. Busog naman na ako dahil sa luto mo."
"Mainam naman kung ganoon, Monica. Masaya ako't nasiyahan ka naman."
"Walang anuman, Daryl. Sigi na. Feel at home ha. Mabuti na rin iyong masasanay ka, para walang tanong-tanong gaano."
"Makakaasa ka."
•••
DARYL
SINUNDAN ko ng tingin si Monica hanggang sa pag-akyat nito sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan nandoon ang silid nito, katabi ng pansamantala kong tutuluyan sa ilang buwan na nandito ako.
Masaya ako't nasiyahan ito sa ginawa ko kanina. Ang buong-akala ko pa naman ay magagalit ito dahil nangialam ako kaya pinili ko siyang iwan para umakyat sa taas. Kumain naman pala ito at hindi ko inaasahan 'yon.
Mabait si Monica, iyon ang una kong napansin sa kaniya. Kung ibang babae lang siguro ito ay hindi ganoon ang magiging reaksyon niya, sabagay tama rin naman ito kailangan namin iyon. Bahagi iyon ng mga pagpapanggap namin.
'Mabuti na lang at sa dinarami-rami na pwedi kong makatrabaho at mangailangan ng tulong ng isa't isa ay siya ang natagpuan ko,' ani ko pa sa aking sarili.
Narinig kong bumukas ang pinto sa ikalawang palapag at sinirado rin ito kaagad. Sabi nga niya kanina ay hindi na siya lalabas pa. Baka bukas na kami magkita nito, aniya ko sa isip ko. Na-excite tuloy akong ipagluto muli si Monica ng agahan niya, sigurado kasi akong maaga itong papasok bukas. Mabuti na iyong may nakahanda palagi para sa kaniya o kung hindi man ay posibleng pwedi rin naman nya itong baunin.
Malaking halaga ang matatanggap ko mula kay Monica, kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya sa abot ng aking makakaya. Hindi man iyon kasabay sa pinirmahan kong kontrata sa pag-uusap namin sa opisina ng blush dating agency, ay hindi naman iyon magiging kabawasan ng aking p*********i kapag ginawa ko ito para sa kaniya.
Isa pa mas magiging mainam naman siguro kung magiging magkaibigan kaming dalawa.
Walang imposible.