MONICA
NAGISING ako dala ng kalam ng aking sikmura. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Hindi pa nga ako nakapagpalit ng suot kong dress na puti kanina nang ikasal ako ng wala sa oras kay Daryl. Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang lahat ng pangyayaring iyon.
Speaking of Daryl, bigla ko na lamang siya naalala. Ano na kaya ang ginagawa nito sa baba? tanong ko sa isip. Well. Hindi ko siguro malalaman kung hindi ko aalamin. Baka nakatulog din ito at kawawa naman dahil wala man lang itong unan at kumot d'on.
Napasinghap na lamang ako Ang mabuti pa magbibihis muna ako para matingnan ko kung may kailangan siya. Baka hindi rin ito kumakain pa— at sana naman nilagyan niya ng laman ang sikmura niya. Ngayong nandito ito sa bahay, baka maging kargo-de-konsensiya ko pa kapag may nangyari masama rito. Tamad akong bumangon, para kumuha ng bihisan at tuwalya sa built in cabinet sa tabi ng higaan ko. Talagang pinasadya ko ito n'on bago mamatay si daddy.
Naalala ko na naman ang tatay ko, kung nandito lang sana siya hanggang ngayon hindi ako papasok sa sitwasyon nito. Pero wala— nalagay na sa alanganin ang madrasta ko at ayaw kong mapunta kay Mama Anna at Papa Sylvio ang kayamanan na iiwanan ni lola sa akin. Anak sa labas si Mama Anna at ang asawa nitong si Papa Sylvio ay hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang pagkatiwalaan.
Magkakaroon lang ng interes ang mga ito kapag hindi ko binigay ang kagustuhan ni lola. Ako na lang ang legal na tagapagmana at hindi ko bibiguin ang daddy ko, dahil kung nabubuhay pa ito alam kong ganito rin ang gusto niyang mangyari; ang mapasa-atin ang lahat ng pinaghirapan ng abwelo at abwela ko. Maliban lang ang ikasal ako sa taong hindi ko gusto.
Pagkatapos kong mag-ayos nagpasya na akong bumaba. Nakakahiya naman kay Daryl kapag may kailangan siya.
•••
NARINIG ko na may yabag na pababa. Alam kong si Monica na ito; wala naman kasi akong ibang kasama rito kun 'di ito lang. Maliban na lang kung may hindi siya nasasabi sa akin at may iba pa siyang kasama sa taas. Mabuti na lang at luto na rin ako, hindi ko na rin siya hinintay pa't nauna na akong kumain.
"Nandito ka pala..." bungad sa akin ni Monica. Sinasabi ko na nga ba na ito ang pababa kanina.
"Hi!" nahihiya kong bati sa kaniya. Nilingon ko ang niluto ko kanina.
"Uhm! Pasensiya ka na. Nakialam ako sa kusina mo, M-Monica. N-nagluto ako," nag-aalangan kong sabi sa kaniya. Iniisip kong baka magalit ito dahil sa ginawa kong pangingialam.
"Walang problema, Daryl. Nag-alangan nga ako kanina na baka nagugutom ka, hindi ko namalayan na nakatulog ako," tugon nito sa akin.
Ngumiti ako kay Monica— pero hindi man lang ito gumanti ng ngiti sa akin.
"Kumain ka na, Monica. Baka nagugutom ka na rin. Kanina ka pa hindi kumakain."
"Salamat. Pero busog pa ako. Tiningnan lang kita. Ayaw ko rin naman na magutom ka rito sa poder ko at baka magkasakit ka," tugon sa akin ni Monica. Hindi na ako hinintay nitong magsalita— mabilis itong tumalikod at tuloy-tuloy sa sala nito.
Gusto ko man siya ipaghanda hindi ko magawa. Ang sabi nito ay hindi pa ito nagugutom kaya hahayaan ko na lang siya, baka mamaya kumain rin ito kapag nagutom na. Masarap pa naman ang niluto ko para sa aming dalawa.
Hindi naman ako nagpapa-impress sa kaniya dahil wala naman dahilan. Ang gusto ko lang ay maging komportable kaming dalawa sa isa't isa, sabihin mang mabilis lang ang tatlong buwan sa aming usapan. Iba pa rin iyong maghiwalay kaming nasa maayos ang lahat na walang kahit na ano'ng maging aberya. Concern ko ngayon ang tagumpay ng dahilan ni Monica kaya pumunta siya sa ahensiya.
Naisip ko ngayon ay kung saan na muna ako maglalagi? Tingin ko na sala lang ito— ayaw ko naman maging abala sa ginagawa niya. Hindi ko man lang kasi inaalam ang magiging silid ko pansamantala habang nasa ganito kaming set-up na dalawa, nahihiya rin ako kay Monica.
"May kailangan ka?" tanong nito sa akin. Nakatayo na pala siya sa may pinto ng kusina.
"W-wala naman, Monica. Salamat."
"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa iyo ang magiging silid mo. Hindi ko pa kasi naaayos kaya, hindi ko kanina nabilin sa iyo. Pero okay lang ba na hindi pa siya gan'on kalinis?"
"Naku! Wala kang dapat ipag-alala, Monica. Wala kang magiging problema sa akin. Okay lang ako kahit na ano. Salamat talaga."
Hindi ko pa rin nakitaan ng kahit ano'ng ngiti ang babaeng nasa harapan ko ngayon, mailap pa rin siya sa akin o baka naman ganito talaga siya sa iba.
"Feel at home, Daryl. Hindi mo naman kailangan mahiya sa akin. Tulad na lamang ng ginawa mo ngayon, it's a good start. Nagluto ka para sa atin, dahil kung may dumating man na hindi inaasahang bisita hindi magkakaroon ng problema. Hindi tayo magkakapaan," bilin sa akin ni Monica.
"Tulad ng sabi ko nga sa iyo, Monica. Wala kang magiging problema. Kaya ko dalhin ang sarili ko hanggang sa kailangan mo ako. Ikaw ang inaalala ko."
"Huwag mo akong alalahanin, writer ako. Kaya ko naman sila paniwalain kung sakali nasa sitwasyon na tayo na kailangan nating humarap sa kanila na totoong mag-asawa talaga."
Oo nga pala— writer pala ito at hindi direktor gaya ng iniisip ko kanina.
"Bukas, ipapa-ayos ko na lang ang magiging silid mo. Wala lang kasi akong oras at kinapos ako sa mga kailangang gawin. Nagbakasyon din kasi ang katiwala ko rito sa bahay. Pasensiya ka na talaga kung maalikabok pa siya."
"Don't mind me, Monica. Okay lang ako. Promise."
Tumalikod na ito. Hindi na nagawang magpaalam sa akin, sinundan ko na lamang ng tingin si Monica— ngayong alam ko na ang magiging silid ko wala ng dahilan para mag-krus ang landas naming dalawa palagi sa bahay nito.
May trabaho rin pala ito, nabanggit niya sa akin n'ong nasa sasakyan kaming dalawa. Kapag wala siya palagi rito, mag-iisa na lang ba ako? Bahala na. Baka pwedi ko rin naman gawin kay Monica ang kadalasang ginagawa ng isang asawa— kahit na ang lahat sa amin ay peke lang talaga.