Daryl Batuigas - The Wild Bait - Chapter 4

1201 Words
MONICA _____ VILLA VERDE, TOWNHOMES QUEZON CITY. MATAMAN kong pinagmamasdan si Daryl— halos isang oras na rin kaming nandito sa town house ko pero wala pa rin siyang kibo. Nanatiling nakatikom ang bibig niya, ayaw ko rin naman magsimula ng pag-uusap at wala rin naman akong sasabihin sa kaniya. Ang mabuti pa'y hayaan ko na lamang muna siya; baka mamaya maisipan din nitong makipag-usap sa akin. "Aakyat lang ako sa silid ko. Kung nagugutom ka, pwedi kang kumain... kumpleto ang pagkain sa ref. Initin mo na lang," bilin ko sa kaniya. Nagtaas lang ito ng tingin sa akin habang walang galaw na nakaupo sa sofa sa sala ng aking buhay. "Feel at home, Daryl. Pag gising ko na lang aayusin magiging silid mo. If you don't mind. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko, I think migraine attack." "I'm fine, Ms. Monica. Huwag mo akong alalahanin. Magpahinga ka na," mabilis nitong tugon sa sinabi ko sa kaniya. Tumalikod na lamang ako at tuloy-tuloy na umakyat sa taas papunta sa aking silid. Hindi maganda ang magpapasok ng isang estranghero sa pamamahay ko. Hinawakan ko na lamang ang nangyaring pagpapakasal namin para maisalba ko ang problema ko at para na rin matulungan siya sa problema niyang pinansyal sa kapatid niya. Mukha naman siyang mabait. Hindi ko pa siya ganoon kakilala alam ko. Pagkakatiwalaan ko na lang siguro ang kontratang pinirmahan namin; may CCTV din naman ang loob at labas ng town homes ko kaya kapag may binabalak siyang hindi maganda mapapansin ko na agad para maitawag sa security na malapit lang sa kung saan ako nanunuluyan. Sa ngayon hayaan ko muna siyang magpahinga. Nagugutom na ito pihado dahil hindi naman kami kumain pagkatapos ng pekeng seremonya sa kasal naming dalawa. Sinirado ko ng mabuti ang pinto dito sa silid ko— hindi ko madalas na gawin ito kapag nag-iisa ako, pero mahirap na at may kasama na ako ngayon. Hindi ko pa kilala ng maigi si Daryl, tatlong buwan ang nakalagay sa kontrata na maaari kaming magsamang dalawa. Biglaan lang ang lahat ng pangyayari kaya hindi ko nagawang ayusin ang kanilang silid na ginagamit ko bilang office area ko. Nandoon pa ang dalawang units ng computer kong ginagamit ko sa trabaho. Kasalanan ko rin naman at hindi ko nagawang ipaayos kay Manang Gloria, n'ong bigyan ko siya ng bakasyon. Pihadong magugulat ito kapag bumalik na ito sa paglilinis sa bahay kapag nakita niya si Daryl, sana mapaniwala ko si manang para kung magtanong man si mama at papa ay walang magiging problema. Kailangan kong maging maingat, ayaw kong mabuko ng lola ko— lalong-lalo ng ayaw kong ipagpilitan nila ang gusto nilang mangyaring maikasal ako sa lalaking hindi ko gusto. 'Over my dead body! Never!' Malakas kong sigaw sa hangin, dala na rin siguro ng inis na mayroon ako ngayon. Kapag hindi ko napanindigan ang pekeng pag-aasawa na 'tong wala sa oras mamanupulahin lang ako ni lola at ayaw kong mangyari iyon. 'Mamamatay muna ako!' ulit ko pang sigaw. ~~~ NAPATINGIN ako sa taas sa alam kong silid ni Monica. Basta ko na lamang narinig ang malakas niyang sigaw— nakaramdam ako ng pag-alala dahil baka may mangyari ng masama rito. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasadyain ko ba siyang puntahan sa taas. Ano naman ang sasabihin ko? Na may narinig akong sigaw? Naisip ko na lang na baka may kausap si Monica— isa siyang direktor kaya hindi malayong may pagkakataon na mainit ang ulo nya. Kahit papano naman may napanuod na akong mga personalidad ng mga direktor. Madalas nga raw talaga mainit ang mga ulo ng mga ito, lalo na kapag may mga talent na hindi marunong makinig sa kanila. Baka ganoon lang ang nangyayari ngayon kay Monica, aniya ng isip ko. Balewalain ko na lang muna ito. Kapag may narinig pa siguro ako na hindi maganda ay pupuntahan ko na siya. Nandito lang ang takot sa puso ko ngayon, dahil baka isipin niyang may masama akong plano kapag hinayaan ko lang ang sarili kong tingnan kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ang mabuti pang ginawa ko ay tumayo para lagyan ng laman tiyan ang sikmura ko, ang bilin naman kanina ni Monica ay huwag akong mahihiya kung gusto kong kumain. Hindi ko rin masabi sa kaniya kanina na nagugutom ako habang binaybay namin ang daan pauwi sa town house nito— imagine, sa Taytay pa kami kunwaring kinasal na dalawa at hanggang dito sa Quezon hindi man lang ito nag-abalang kumain muna kami. Nagtanong naman siya kanina kung may kailangan ako, nand'on lang ang hiya ko na baka magkaroon siya ng bad impression sa akin kung sinabi ko agad sa kaniya ang gusto ko. Binuksan ko ang ref— tumambad sa akin ang isang box ng doughnut, isang box ng pizza at may maliit na square na chocolate cake na nasa ilalim. 'Mahilig yata sa order si Monica! Wala man lang akong nakitang lutong bahay dito.' Inikot ko ang mga mata ko sa paligid ng kusina niya, isang maliit na rice cooker ang napansin ko at ang malinis na electric gas stove sa tabi ng lababong walang bakas kung kumakain ba ito. 'Ipagluto ko kaya siya?' iyon ang tanong ko sa sarili ko. Pakiramdam ko naman maayos naman iyon kung gagawin ko ito para sa kaniya, may alam naman ako sa kusina lalo na kung lutong isda ang pag-uusapan. Magiging masaya ba siya kapag ginawa ko iyon? Naisip ko. Baka sabihin nitong pakialamero ako't sinasamantala ko ang sitwasyon na mayroon kami. Pero malaking pera din ang binayad sa akin ni Monica,. malaking tulong para maipagamot ko ang bunso kong kapatid. Bakit 'di ko gawin ang pabor na iyon para sa kaniya? Kung hindi niya magustuhan hindi ko na lang uulitin— pero kung magustuhan niya ipagpapasalamat ko. Sa gan'on may nagawa akong maganda sa sitwasyong mayroon kami ngayon. Payat si Monica; ayaw ko man isipin na pinababayaan nito ang sarili nito. Mukhang iyon ang nangyayari. Nakumpirma kasi ito mismo ng mga pagkaing nasa loob ng ref niya. Ni wala man lang sabaw at gulay. 'Hindi pwedi sa bahay 'to,' aniya ng isipan ko. Iba si mamang kahit ayaw mo sadyang pipilitin ka niyang kumain ng gulay. Madalas niyang katwiran wala naman namamatay sa pag kain ng gulay. Malaking bagay sa akin iyon, natuto ako masyado at nagustuhan ko naman ito kahit na ang bunso kong kapatid. Napangiti ako ng may makita akong maliit na hiwa ng kalabasa at ilang pirasong pechay sa vegetables area ng fridge nito. Kinuha ko ito at naghanap ng baboy sa freezer. Mayroon naman pala. Kumuha ako ng kapirasong nakasupot at nilagay ito sa lababo, para palambutin ang sinunod kong hinanap ay ang paminta at asin niya kabilang na ang kawali o kaserola na pwedi kong paglutuan. Mabuti na lang naka gas stove din si Daisy sa maliit nitong tinutuluyan na condominium sa Marinduque kaya kahit papano may alam naman ako. Ipagluluto ko ng ginisang gulay si Monica. Ang babaeng hindi ko inaakalang papakasalan ko ng wala sa oras dahil sa parehong pangangailangan naming dalawa. 'Sana hindi siya magsisi na ako ang pinili niya,' ani ko pa. Masayang sinimulan ko ang plano kong gawin para sa kaniya. Matutuwa si Monica, iyon ang tinatak ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD