CHAPTER THREE

1036 Words
CHAPTER THREE Monica Nagising ako ay bandang alas otso na ng umaga. Mabilis kong tinext ang driver ko na may lakad ako para alas onse. Alas diyes daw ay darating s'ya para kung sakaling matraffic ay hindi mahuli. Hindi ako nag-abala na magkape. Dumiretso na ako ng banyo at nagshower. Tinuyo ko ng towel ang buhok ko at saka kumuha ng bestida sa closet. Mamaya na lang ako maglalagay ng make up. Nagtungo ako sa kusina para gumawa ng kape. Hindi ko alam kung anong exact services ng Blush pero desperado na akong magkaroon ng solusyon sa problema ko. Sanay na akong hindi kumakain ng agahan dahil laging nagmamadali. Nang maubos ko ang kape ay nagblower ako ng buhok at saka hinayaang nakalugay. Nag-apply din ako ng light make up. Hindi nagtagal at dumating ang sundo ko. Alam n'ya ang pasikot sikot kaya bago mag alas onse ay nakarating ako sa meeting. Napansin ko lang, pink ang pinto? I like pink. Pero para sa pinto? Wow. Sinalubong ako ng isang babae. "Hi, I'm Nadine. Are you Monica Silvestre?" "Yes, I'm Monica." "What can I do for you? I don't think you need a job anytime soon." Ngumiti ako sa kanya. "May problema kasi ako at gusto kong malaman kung anong available services ng agency n'yo." Tumango ito at ngumiti. "Sa conference room na lang tayo." May isang tao pa sa front desk kaya kampante s'yang iwan ito. Nang makarating kami sa conference room ay naupo kami at nag offer s'ya ng maiinom. "Can I get you anything to drink? Tea, coffee, water?" "Just water please, thanks." Inabot n'ya sa akin ang tubig. "Now, if you are wondering about the services we offer. It's a dating agency. Anything about your love life — I believe we can help." Diretso ko ng sasabihin at wala ng ligoy pa. "I need a husband for three months." Hindi s'ya nagulat sa sinabi ko. "You're not the first one. Sa totoo lang ay marami kayo. We have a solution for that. Do you have any preferences? Looks like height, features that kind of thing." "I'll take anyone as long as he is decent and kind." "Okay, we will randomly select for you." "Wait, if uhm — if you have anyone named Daryl, I'll take that one." He was my friend when I was a kid. Sadly, hindi na kami nagkita uli. Mga bata pa kami noon. Napangiti ang babae. "Very well, that makes my job easier. Let me take a look now," binuksan n'ya ang laptop na nakakonekta sa malaking tv sa pader. She typed the name Daryl in their database at isa lang ang may pangalan na ganoon. "That's the only Daryl I can find in our database unless you want to wait." "I don't have a lot of time. How soon can we get married? Wait, how much is the contract?" "It's a million per month." Great. Aasa ako sa sweldo ko ngayon. Tatlong milyon para sa tatlong buwan. "Okay, I'll write a cheque now." "I will get the package for you so you can read them over. The wedding can be set as soon as tomorrow if you are free. Dito rin ang kasal sa agency. It's a civil wedding. Kami na ang bahala sa lahat. You just have to show up and we will make sure your groom is present." Nang bumalik s'ya ay dala na ang isang folder at ibinigay sa akin. "Thank you." "Take as much time as you need or if you want can read through it at home. I can send you the contract electronically so you can sign it before midnight. Ipapadala ko rin kay Daryl ang kontrata n'ya." "Good idea. Sa bahay ko na lang babasahin." "I just need you to fill this up to create your log in." Nag fill up ako ng information sa papel na binigay n'ya at saka nagpaalam. "Thanks again." "It's a pleasure doing business with you. See you tomorrow at two in the afternoon. I already booked your wedding." Tumango lang ako at lumabas na ng pink na pinto. Nang makasakay ako sa kotse ay nagpahatid na ako sa bahay. Doon ko nireview ang folder. Ang daming rules. Pero ang bottom line, walang s*x. That's good. Wait, pwede ang PDA? Yup, check. S'yempre, sino maniniwala na mag-asawa kami kung hindi kami sweet sa isa't isa? Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag ayos ng sarili ko. Wala pang alas onse ay nakagayak na ako. Alam kong limited time lang ang kasal pero kinakabahan pa rin ako. Nakita ko ang picture n'ya kahapon at may pagka-moreno. Sana madali s'yang kausap. Quarter to two ay nasa Blush na ako. There is a beautiful room just for the weddings taking place here? Wow. Lumapit sa akin ang isang lalake. "Hi, ikaw si Monica?" "Daryl." I recognized his face from the database yesterday.One word, simpatiko. Bagay sa kanya ang pangalan n'ya. The picture doesn't do him justice. Mas gwapo s'ya sa personal. "Nakita mo kahapon ang file ko kaya mo siguro ako nakilala agad. Nice to meet you, Monica." "Likewise, Daryl," ngumiti ako sa kanya. The hired minister asked for our attension and said, "Should we proceed to the wedding?" Pumunta kami sa harap n'ya at sinimulan n'ya ang seremonyas. It's going to be nice and quick, sabi ni Nadine sa akin. "I, Daryl Batuigas, take you, Monica Silvestre, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death us do part." Isinuot nya ang singsing sa kamay ko at ngumiti. "I,Monica Silvestre, take you, Daryl Batuigas, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death us do part." Isinuot ko rin ang singsing sa kanya. "By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife. You may kiss your bride." Bigla akong kinabahan. Halikan portion na. Ngumiti s'ya uli sa akin at sa halip na halikan ako sa labi ay hinalikan n'ya ako sa pisngi. A true gentleman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD