Chapter 95

1014 Words

Bigla na lamang sumulpot sa aming harapan ang isang napakalaking palaka na sa tingin ko ay nasa tatlong palapag ang taas. Ang mga mata nitong kulay berde at sa gitna ay ang pulang linya. May nakatali sa leeg nito na parang gawa sa tubig pero punong-puno ng enerhiya. “Ngayon pa lang ako nakakita ng ganiyang kalaking halimaw!” Biglang sigaw ni Lauriel. Ano ba ang pinagsasabi nito? Ilang beses na ba kaming nakakita ng halimaw na ganiyan kalaki? Isa pa, naalala ko na may kinalaban kami noon na mas malaki sa nilalang na ito. “Ang ibig mo bang sabihin ay ganiyang karaming enerhiya?” Tanong ni Treyni. Napatitig lamang ako sa nilalang na nasa aming harapan na ngayon ay hindi na gumagalaw at parang ang layo ng tingin. Napatigil din kami sa aming pwesto at kahit isa sa amin ay walang nagtangkan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD