bc

Dark Chest

book_age16+
64
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
badgirl
self-improved
twisted
bxg
mystery
moon goddness
magical world
supernatural
war
like
intro-logo
Blurb

[UNDER MAJOR REVISIONS] ||Dark Key Book 2||

Now, Kori is with her family, knowing that she is the long-lost daughter of the King and Queen of Fengari. She helped win the war and brought peace to the Kingdom with her powers blessed by the moon. Then there was peace in the Kingdom, or so they thought.

Kori then kept dreaming of an invasion of an army so big, and they were to attack the Kingdom of Fengari. She then ventured to find out the truth of her dream, where she also will find the origin of her power and the secret of her strength, and the war to come.

Will Kori be able to learn and control her power? Will she be prepared for the coming war? Will she save the Kingdom again or lead its doom and eternal fall?

chap-preview
Free preview
Parents
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Isang babaeng mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin ang nasa harapan ko. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko. Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin pa rin sa kaniya, ang mga luha ko ay hindi ko mapigilan na huwag tumulo dahil sa saya na aking nararamdaman. "Anak,"tawag nito ulit sa akin, "Ikaw nga 'yan." Halos matumba ako dahil bigla na lang ako nitong dinambahan ng yakap. Isang yakap na sobrang pamilyar at nagbibigay sigla sa akin. "Ikaw po ba ang aking ina?" Gulat na tanong ko. Hindi pa rin ako tumutugon sa yakap dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kung totoo man na siya ang aking ina ay labis-labis ang aking pasasalamat at sa wakas ay nakita ko na rin ang mga ito. "Ako nga anak, ako nga,"tugon niya at mas lalong hinigpitan ang yakap. Wala akong alam kung ano ang dapat kong reaksiyon o dapat kong sabihin sa kaniya. Akala ko noong una ay masasabi ko sa kaniya agad ang mga dapat kong sabihin. Akala ko ay matatanong ko sa kaniya agad kung bakit nila ako iniwan, iyon pala ay akala ko lamang ang lahat. Sa totoo niyan ay naging mahina ako sa harapan nila at parang gusto lamang silang kamustahin at makapiling. Hindi ako makaimik dahil dito. Hinayaan ko lamang na yakapin ako nito hanggang siya na mismo ang lumayo sa akin. "Ang laki-laki mo na,"sambit nito at tinignan ako mulo ulo hanggang paa, "Hindi ko inaasahan na lalaki ka na malakas at may alam sa iyong kapangyarihan. Sobrang saya ko na ngayon ay nakikita na kita sa personal at hindi lamang sa crystal." "Lagi po kayong nakamasid?" Gulat na tanong ko. Hindi ba at sabi nila ay walang kaalam-alam ang aking ina sa mga nangyayari sa akin? Bakit sinasabi na niya na ibang-iba ito sa isang crystal?  "Hindi alam ng mga nagbabantay sa iyo na mayroon akong crystal na tinatago. Ang Crystal na iyon ay konektado sa iyong kwintas na nagbibigay sa akin ng alam kung ano na ang nangyayari sa buhay mo. Kahit wala ako sa iyong tabi ay nandoon naman ako at nakamasid lamang. Mula pagkabata hanggang sa pagdiskubre mo ng iyong mga kapangyarihan,"paliwanag ng aking ina, "Mamaya na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Tapusin na muna natin itong mga kalaban natin bago tayo bumalik sa ating kaharian." Aming kaharian.  Ang sarap pakinggan pero nagdadalawang isip ako kung karapat-dapat ba talaga ako bilang prinsesa ng isang malakas na kaharian. Hindi ko nga kaya silang proktektahan ngayon. Teka... Si Ariane. Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa kung saan ito nakahiga kanina ngunit wala na siya. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ito at nakitang nakikipag-away sa halimaw na muntikan na siyang pinatay kanina. "Ang angas ng kapatid ko, ano? Isa 'yan sa mga magigiting na mandirigma sa buong kaharian. Kung ako ang may malakas na mahika, siya naman ang malakas sa pisikal na labanan." Paliwanag nito.  Seryoso ba siya sa kaniyang sinasabi? Kung totoo nga na malakas lamang ang si Ariane sa pisikal na labanan at hindi sa mahika. Paano na lang kaya itong mga magulang ko? Ang enerhiya pa nga ni Ariane ay sobrang bigat na kapag seryosong nakikipaglaban. Hindi ko tuloy maisip kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ang aking ina. Para bang ako 'yong kinakabahan sa pwedeng mangyari. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagpaalam sa aking ina. "Tutulungan ko po sila,"sambit ko. "Sige, anak. Mag-iingat ka. Ako na ang bahala sa isa pang halimaw na iyon,"sabi ng aking ina bago tumalon patungo sa itaas at lumipad patungo sa halimaw. Napa-nganga na lang ako dahil sa galing ng kaniyang ginawa. Hindi ko inaashan na pwede pala ang ganoong klaseng paglipad, magpapaturo ako kay Ina. Tumakbo na ako patungo sa lugar na kung saan naroroon sina Lauriel, Draco, Sam, Treyni at Nola. Pinapalibutan na ang mga ito ng mga halimaw na ngayon ko lang nakita. Isa itong kalabaw na may maraming sungay sa kanilang ulo. Sobrang talas pa nito at pulang-pula ang kanilang mga mata. May usok na itim na lumalabas mula sa kanilang mga sungay na para bang isang lason sa hangin. Masama 'to. "Takpan niyo ang inyong ilong,"sigaw ko rito at isang malakas na hangin ang itinapon ko patungo sa kanila, na naging dahilan nang paglipad ng mga halimaw palayo. Unti-unti akong lumapit sa aking mga kaibigan na ngayon ay nakahinga na ng maluwag. Hinawakan ko ang braso ni Treyni ng makita ko ang isang malalim na sugat dito na patuloy pa rin sa pagdugo. "Ano ang nangyari sa braso mo?" Gulat na sigaw ko, "Alam mo ba na hindi maganda magkaroon ng sugat habang pinapalibutan tayo ng mga halimaw? Maaring may mga lason ang laway nila at tumalsik dito." "Pasensiya ka na, Kori." Nag-aalala lamang ako para sa kapakanan nilang lahat. Ayaw na ayaw ko silang nasasaktan at nahihirapan. Gusto ko na sa oras na matapos ang pag-aaway na ito ay kompleto pa kaming lahat. Walang namatay, walang nawala.  Isang mainit na palad ang humaplos sa aking likuran na naging dahilan ng aking paglingon. Bumungad sa akin ang mukha ni Nola na nakangiti sa akin habang patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa. "Huwag ka na mag-alala masiyado. Masama sa iyo 'yan, sa ngayon ay tapusin na muna natin itong labanan para wala na tayong dapat ikabahala,"sabi niya at hinila ako upang yakapin, "Gusto sana kitang maka-usap pagkatapos ng labanan." Pagkatapos ay bigla na lang itong kumalas at nawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung nasaan na naman ulit iyon dahil ginamit na naman niya ang kaniyang kapangyarihan.  Isa pa 'yon, hindi man lang siya nag-abala na sabihin sa akin na isa pala siyang prinsipe. Bakit ba napakaraming sekretong tinatago itong mga 'to sa akin.  "Kori, kumalma ka lang." Nakangiting sabi ni Lauriel at hinawakan ang kamay ko, "Masamang d**o naman 'yang kaibigan mo kaya matagal pa 'yan mamamatay. Kahit ilang lason pa ang inumin niyan ay wala pa rin itong epekto sa kaniya. Kaya kumalma ka na at tulungan mo na lang kaming tapusin ito." Nagpatuloy na kami sa pakikipaglaban hanggang sa tuluyan na namin itong natapos. Bigla na lang lumabas ang liwanag ng araw mula sa makulimlim na ulap. Tila ba nagpapahiwatig ito na nagtagumpay kami sa aming misyon. Hindi ko naman mapigilang ang sarili ko na hindi mapangiti, sapagkat isa itong napakagandang araw para sa akin. Sa wakas ay tapos na rin ang aming paghihirap. Sa wakas ay wala na kaming dapat pa ipag-alala. Sa wakas ay ito na ang huling pagkakatapon na makikipaglaban kami sa mga ganitong klaseng halimaw. Bigla kong ibinaling ang aking paningin sa mga taong bigla na lang lumitaw sa aking harapan, ang aking ina at ama. Nakangiti ang mga ito habang papalapit ito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na tumakbo sa kanila at niyakap ito ng sobrang higpit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook