Pahinga

1012 Words
Pagkatapos ng matinding labanan at ilang araw na walang pahinga. Sa wakas ay nakahiga na rin ako sa isang malambot na kama rito sa isang magarang kwarto. Hindi naman sa sanay na sanay na ako sa mga ganitong klaseng higaan, sa katunayan nga niyan ay hindi ako mapakali. Alam kong pagkatapos nito, kailangan ko harapin ang katotohanan. Isa na akong prinsesa, hindi lamang sa isang simpleng kaharian ngunit sa isang kaharian na kinikilala bilang pinakamalakas. Ang Fengari. Kilala ang buong Fengari sa buong kontinente bilang pinakamalakas sa lahat. Sapagkat, ang taong namamahala sa lugar na ito ay walang iba kung hindi ang isa sa mga pinakamalakas na tao sa buong mundo. Isa rin sa rason kumg bakit naging malakas ang aming kaharian ay dahil pinoprotektahan kami ng buwan. Moon descendant.. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman. Kaya siguro sobrang komportable ko sa tuwing nakikita ko ang magandang buwan sa gabi, nagiging kalmado ako sa tuwing nakatingin ako rito o kaya ay mas lalong lumalakas ang aking kapangyarihan dahil sa kaniya.  Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga bago ako huminga ng malalim. Inilibot ko ang aking paningin nang makita ang isang larawan sa dingding.  Isang batang babae at ang aking mga magulang. Ako ba iyan noong bata pa ako? Maingat akong naglakad patungo roon habang hindi inaalis ang aking paningin. Nang makarating na ako sa harapan ng larawan ay agad ko itong hinaplos.  Hindi ko na pansin ang pagtulo ng aking mga luha. Naramdaman ko na lang ang mainit na likido na patuloy na dumadaloy sa aking pisngi. "Napakagandang pamilya,"mahinang sabi ko habang nakatitig rito. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ano kaya ako ngayon kung hindi nila ako iniwan sa simbahan? Ano kaya ang magiging hitsura ko kung nanatili lamang ako rito? Pero, isa lang talaga ang masasabi ko, kahit ganito ang posisyon ko sa isang kaharian. Kahit ganito ka engrande ang buhay ko, hindi ako nagsisisi na nakilala ko ang aking mga sisters at si father. Kahit na rin ang aking kaibigan na nasa bayan ng Sola ay hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano man. Sila ang nandiyaan noong mga panahon na nangangailangan ako ng tulong, sila rin ang nasa tabi ko noong mga panahon na mahina pa ako. Sila rin ang mga taong sumuporta sa akin noong walang-wala ako at gusto ko ng sumuko. Binigyan nila ako ng pag-asa at rason upang magpatuloy. Naramdaman ko rin ang pagmamahal na dapat sana ay maramdaman ko mula sa aking totoong pamilya. Hindi naman sa galit ako sa kanila, hindi rin naman ako nagtatampo. Naiintindihan ko ang naging sitwasyon namin dito sa aming kaharian. Alam ko rin naman na hindi nila ginusto ang ginawa nila. Gusto lamang nila akong protektahan sa mga bagay na sigurado akong ikapapahamak ko dahil sobrang hina ko pa. Ako ang kahinaan ng aking ina at ama, ako ang kahinaan ng buong kaharian. Sa oras na nasa kamay ako ng aming kalaban, sigurado akong ito na rin ang magiging wakas ng aming kaharian. Isang marahas na hangin ang aking ibinuga nang marinig ko ang mahihinang katok mula sa aking pintuan. Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi atsaka ipinikit ang aking mga mata. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago dahan-dahan na naglakad patungo sa aking higaan. "Sino iyan?" Sigaw ko at umayos ng upo habang nakatingin sa may pinto. "Ako ito, si Ariane!" Sigaw naman ng nasa kabila. "Pasok!" Sigaw ko pabalik.  Unti-unti naman na bumukas ang pintuan at pumasok si Ariane. May dala-dala itong bandeha na kung saan ay mayroong tasa sa ibabaw. Naaamoy ko na ang bango ng tsaa na nagmumula rito. "Ano ang ginagawa mo? Mukhang masiyado ka yatang abala ah?" Tanong nito sa akin at inilapag ang bandeha sa mesa na nandito sa silid. "Wala naman po, tiya,"pang-aasar ko. Mabilis itong umikot at tinignan ako ng masama. Alam kong ayaw na ayaw niyang makarinig ng ganoong klaseng pangalan. "Alam mo? Hindi ko alam kung saan mo na kuha iyang tawag na iyan pero, isa lang ang masasabi ko. Hinding-hindi ko ito magugustuhan, kaya kung pwede lang sana, huwag mo na akong tawagin sa ganiyan. Tatanda yata ako dahil sa iyo,"seryoso nitong paliwanag at lumapit sa akin. Agad naman akong umusog para magkaroon pa siya ng epasiyo. Hindi naman itong nagdalawang isip na tumabi sa akin.  "Kamusta ka na pala?" tanong nito sa akin, "Simula noong araw na iyon o noong araw ng labanan ay hindi ka na muling nagpakita sa amin o sa akin. Hindi ka na lumalabas sa silid mo o kahit kumain man lang na sabay sa amin ay hindi mo na ginawa." "Masiyado akong na pagod dahil sa labanan na iyon, na ubos ang aking kapangyarihan at enerhiya pagkatapos ng labanan kung kaya ay noong nagkaroon na ako ng pagkakataon na magpahinga, hindi agad ako umalis sa aking kama,"paliwanag ko, "Ngayon lamang ako tumayo at nagkaroon ng saktong lakas para maglakad-lakad. Bakit?" Huminga ng malalim si Ariane bago ito tumingin sa akin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking kamay habang nakatingin ng malalim sa mga mata ko. "Masaya ako na nandito ka na rin sa ating kaharian. Masaya ako na nakabalik ka na rin rito sa wakas, kung kaya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi makaramdam ng pagkasabik,"sabi nito, "Kahit ang iyong ama at ina ay hindi mapakali kung hanggang kailan ka rito sa iyong silid. Gustong-gusto ka na nila makasama at makausap." Oo nga pala, nandito na nga pala ang mga magulang ko at kasama ko sila. Hindi ko man lang na isip na naghihintay ang mga iyon sa kung kailan ako lalabas. Iniisip ko kasi ay maiintindihan nila ako. "Galit ba sila?" Tanong ko. Mabilis na tumayo si Ariane at tumawa ng malakas, "Bakit naman sila magagalit sa iyo? Dahil sa nagpahinga ka lang rito sa iyong silid?" Tanong nito, "Siyempre hindi pero, sana naman ay hindi ka mananatili lamang dito. Lumabas ka rin at kausapin sila." Nagsimula na itong maglakad patungo sa pinto at bigla na lang tumigil saka lumingon sa akin , "Hihintayin ka namin sa labas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD