Saan na ba ang taong iyon? Bakit bigla-bigla na lang siyang nawawala na parang isang bula. Kung sabagay ay kakaiba nga naman ang kaniyang kapangyarihan. Kaya nitong itago ang kaniyang sarili sa mga kalaban ngunit ramdam ko pa rin naman ang kaniyang presensiya rito sa kagubatan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Siguro ay naghahanap lang din ito ng tiyempo para atakihin ang nilalang na iyon. Ganito naman talaga ang plano nila palagi.ㅤㅤㅤ “Aba, aba!” Sigaw ni Lauriel habang nasa mga kamay na niya ang kaniyang mga sandata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mag-ingat kayo. Masiyadong malakas ang halimaw na ito!” Paalala ni Draco, “Lalong-lalo ka na, Mahal ko. Huwag na huwag kang basta na lang susugod.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sa ilang taon natin na nagsasama ngayon mo pa ba sasab

