Gulat akong napatingin sa aking ina na nakangiting nakatitig sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang pumasok sa aking isipan ang katotohanan na ang aking totoong mga magulang ay nasa aking harapan na at makakasama ko na ang mga ito palagi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis akong yumuko upang magbigay galang atsaka binati ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Magandang araw sa inyo, Mahal na Reyna at Mahal na Hari,"bati ko sa kanila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko pa tinataas ang aking ulo at hinihintay ang mga ito na pagsabihan ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Itaas mo na 'yang ulo mo, anak ko. Hindi mo kakailangang gawin iyan,"sabi ng aking ina. Laking gulat ko naman ng bigla na lamang may humawak sa aking baba at itinaas ito. Nang tignan ko kung sino ay ang aking nag-iisang ama lang pala

