Sa loob nang halos ilang buwan ko nang nanatili rito ay nasanay na rin ako. Ayon nga kay Elfrida, kapag tumaas na raw ang iyong antas at mapunta ka na sa matataas na baitang ay, lahat ng klase na iyong dadaluhan ay may labanan talagang magaganap. Katulad na lang ngayon. Gusto ko sana mag-ensayo ngunit mas nananaig sa akin ang mag-pahinga. Siguro ay pupunta na lang ako sa harap ng talon mamaya. Magpapaalam ako kay Athena na doon na lang ako mag-eensayo sapagkat, panigurado ay punong-puno ang ibang lugar ng mga estudyante. Umikot ako sa aking higaan at bumuntong hininga. Anong gagawin ko ngayon dito? Gusto ko lamang matulog pero parang ayaw naman pumikit ng katawan ko. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang mahihinang katok mula sa labas ng aking kwarto. Bumalik na ba si Elfrida? Bakit

