Bakit ba kailangan pa niya sumulpot na lang bigla sa harapan ko kung pwede naman maghintay na lamang siya sa aking higaan o kaya sa sofa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Treyni!” Sigaw ko sa kaniya atsaka ito hinampas. Kitang-kita ko naman ang pagbago ng kaniyang mukha na para bang ito ay nasasaktan dahil sa aking ginawa. Kasalanan niya rin naman kung bakit ko siya na hampas kaya hindi niya rin ako masisisi kung bakit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Aray naman!” Daing nito at tinignan ako ng masama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang nanggugulat? Pwede naman na maghintay ka na lang sa higaan ko,”sabi ko at inirapan ito. Tuluyan ko na siyang nilagpasan at naglakad na patungo sa aking silid. Doon ko lang din na pansin na tu

