Chapter 46

3000 Words

Pagka-pasok ko ng kwarto ko ay agad akong nagbihis at humiga sa kama. Hindi naman ako ganoon ka pagod pero gusto ko lang talaga muna magpahinga. Huminga ako ng malalim bago umikot sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa darating na pagsusulit. Gusto ko man kumalma ay parang ayaw naman yata ng puso ko. Pilit kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na tinulak ang mga bumabagabag sa aking isipin, ngunit, kahit anong gawin ko ay lalabas at lalabas talaga ito sa utak ko. "Kainis naman, Oo!" Sigaw ko at tumayo na sa pagkakahiga. Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng pwedeng gawin pero wala akong makita. Umalis na lang ako sa higaan ko at nagtungo sa isang mesa na kung saan naroroon ang mga libro na pwede kong kuhanan ng impormasyon sa na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD