“Hoy gumising ka na r’yan!” Agad akong napabalikwas ng bangon ng bigla kong naramdaman ang pagtama ng isang matigas na bagay sa aking noo. Inis kong tinignan kung sino ang lapastangan na umistorbo sa tulog ko at sinamaan ito ng tingin. “Ano ba ang trip mo sa buhay at kay aga-aga ay nang-iinis ka?” Tanong ko sa kaniya at padabog na muling humiga sa aking kama. Nakakainis! Alam naman nitong magdamag akong gising kagabi dahil sa bagong update ng binabasa kong manhwa. Wala rin naman akong gagawin buong araw kaya bakit kailangan ko pa gumising ng sobrang aga? “Are you stupid? Gusto mo ba ma-late?” Tanong nito at naramdaman ko na naman ang paghila niya sa aking kumot. Kay aga-aga ang lakas ng tama ng babaeng ‘to. Gusto ko lang naman matulog ng mahimbing bakit kailangan niya pa ako gisingin

