Agad itong napa-upo habang sapu-sapu ang kaniyang noo. Taas kilay ko naman itong tinignan at napa-iling, "Hindi ko rin alam. Tanging alam ko lang ay healing magic ay mayroon ako at wala ng iba." "Hindi kaya ay ang mga magulang mo ay makakapangyarihan?" Gulat na tanong nito. "Hindi ko alam,"sambit ko. "Tanunging mo!" Sigaw niya. "Wala akong magulang, hindi ba?" Tanong ko rito at umupo sa malaking ugat ng puno na nasa gilid namin, "Wala akong alam sa kasaysayan ng aming pamilya o kung saan man ako galing. Tanging itong kwentas lamang mayroon ako at wala ng iba." "Oo nga pala,"saad nito at tumabi sa akin. Nanatili lang kaming tahimik ni Elfrida ng ilang pang-sandali ng bigla na lang siyang nagsalita at ngumiti sa akin. "Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Ang importante ay mayroon

