Abala sa pag-uusap-usap ang aking mga magulang patungkol sa kung anong mga libro ang kukunin nila ngunit heto ako at tahimik lamang na nakamasid sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang pigilan gayong napakarami na rin namang libro silang ibinigay sa akin. Aabutin pa yata ako ng isang tao bago ko iyon matapos.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kori.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa bigla na lamang nagsalita sa aking isipan. Tinignan ko ang gawi ni Ariane ngunit nakatingin lamang ito sa malayo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit na isipan nitong kausapin ako sa isip kung pwede naman niyang ibulong? Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit?”

