Maaga pa lang ay na gising na ako. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng excitement lalong-lalo na at na isipan ng aking mahal na Prinsesa na isama ako papunta sa bayan na kung saan siya lumaki. Isa sa malaking pribilihiyo ang makapunta roon. Isa pa, dahil na rin sa makikita ko kung anong klaseng tao si Kori sa labas ng kaharian. Ayon sa aking na sagap na balita, isa raw ito sa malalakas na manlalakbay sa buong kontinente. Hindi na rin naman ito nakakagulat dahil siya lang naman ang nag-iisang prinsesa ng aming kaharian. Nakita ko na rin ilang beses kung paano makipaglaban si Prinsesa Kori, isa lang ang masasabi ko. Matakot na ang dapat matakot. Tumayo na ako sa pagkakahiga at naghanda na pagkatapos ay agad akong dumeritso sa kusina upang maghanda ng pang-umagahan. Bahala na nga. Ano ba

