"Difficult to give up your old life,huh?" tudyo ni Rio na ikinagulat ng babae. Tumingin lang ang babae sa kanya habang hinihithit ang hawak. Inalok pa siya nito kung gusto niya rin. "No, thanks. I don't smoke," tanggi ni Rio sa kaha ng sigarilyong na inaalok ng babae, "I find girls who smoke disgusting, alam mo ba iyon?" Ngumiti lang ito, "I find boys who don't smoke boring." Napailing si Rio. Ibang klaseng babae talaga ito. "Do you often smoke? Alam mo bang bawal 'yan sa isang nurse?" may patutyadang sabi niya. "Only when I'm tense," kaswal na sagot ni Rosalie pagkatapos ay pinatay na ang sigarilyo at itinapon iyon sa malapit na trash bin. "Besides, I'm not technically a nurse. And even nurses have the right to smoke after their duty. What's the big deal anyway?" "You're

