Masayang pinagmamasdan ni Rio ang mga paintings na naka-display sa lobby ng school nila. Iyon ang mga gawa ng mga aspiring artist ng Northwood University. Isa siya sa napiling kalahok kaya naman masayang-masaya siya. It wasn't his first time na sumali sa contest dahil madalas na siyang nananalo noon. Pero this time, special ang gawa niya. Napatigil siya nang mapadaan sa gawa ng isang kalahok at ganoon na lang ang kaba niya nang matitigan iyon. It was the same setting ng gawa niyang painting. Mas maganda ang pagkakaguhit noon at halatang gawa ng bihasang pintor. Pero hindi pwedeng itanggi na iisang lugar lang ang napili nilang subject. Kinakabahan niyang hinanap ang staff ng gallery. Imposibleng coincidence lang ang pangyayari. Dahil ang lugar na napili niya ay ang batong waiting shed n

