"Nagkaroon lang siya ng nervous breakdown." sabi ng nurse sa clinic habang nakahiga si Shaina sa kama. Nasa tabi naman nito ang dalawang kaibigan na bakas sa mukha ang pag-aalala habang nakabusangot namang naghihintay malapit sa pinto si Rosette. "Sige, maiwan ko na kayo. Pinatawag ko na ang magulang niya kaya may susundo na sa kanya." paalam ng school doctor at nagtungo na sa office nito. "Tara na, Sorell. Darating na naman pala ang sundo niya," naiinip nang aya ni Rosette. "Mauna ka na." tila walang pakialam na sabi naman ni Sorell. "I'm not leaving without you," sabi pa nito at walang pakialam na kumandong sa kanya. "Rosette, come on. Ang bigat-bigat mo e." reklamo ni Sorell kahit ang totoo ay magaan lang naman ang babae dahil payat ito. Naiinis lang siya dahil siya ang nahihiya sa

