Two

1493 Words
Gusto nang sumugod sa ulan ni Rio para makalayo sa babaeng may balak yatang maging bold star. Naiinis na kasi siya sa babaeng kanina pa patingin-tingin sa kanya. Hindi ba ito nahihiya o hindi lang ito aware na halata ang panloob nito. Hindi na lang kumibo si Rio at kunwari ay tumingin sa malayo pero maya-maya ay napatingin siya sa babae nang marinig itong magsalita. "Bago ka lang dito sa nayon?" Napilitang tumingin si Rio sa babae at nakita niyang nakatingin din ito. "Bakasyunista lang," tipid niyang sagot. Tumango lang ang babae at lalong lumawak ang pagkakangiti. "Ang ganda dito, ano? Kahit malayo sa kabihasnan." "Mas gusto ko sa maynila," tila walang pakialam na sabi ni Rio. "E, 'di bumalik ka sa pinanggalingan mo." Ano daw? Sino ba ang babaeng ito at feeling close? "Kung pwede nga lang. Ayoko talaga dito e. Walang manners 'yung ibang tao," Inis na pakli ni Rio. Wala siyang pakialam kung magalit sa kanya ang babae. Nakita niyang bahagyang napailing ang kasama. "Kayo talagang mga dayo, wala na kayong ginawa kung hindi laitin kaming taga-baryo." "Miss, hindi kita nilalait. Tinanong mo ako kaya sinagot kita nang maayos." "Pwede ka namang magsinungaling kahit kaunti." Bahagyang uminit ang ulo ni Rio. "Hindi ako sinungaling na tao." "Talaga?" bahagyang tumaas ang kilay ng babae. "Sige nga, anong pangalan mo?" Napangisi si Rio, "Style mo bulok. Sorry, I don't trust you enough to tell you my name." "Arte. 'Di naman kagwapuhan," narinig niyang bulong ng babae. "Ano?" salubong ang kilay na tnaong ni Rio. "Wala," tatawa-tawang sagot nito na lalong ikinainit ng ulo ni Rio. Nagulat siya nang makitang natitigilan ito habang nakatingin sa malayo. Kahit si Rio ay kinabahan nang matanaw ang limang lalaki na nakasuot ng itim na jacket. Lalo na nang lumapit ang mga ito sa kanila. "Boss, may problema ba?" nakangising tanong ng lalaking bagama't mukhang bata pa ay malaki ang pangangatawan. "Wala naman, Bullet. Kaya ko na itong isang ito. Sige na," pagtataboy ng babae sa kausap. Ano ito? Gangster? Gustong matawa ni Rio dahil hindi naman mukhang gangster ang kasamang babae. Mas mukha pa nga itong leader ng cheering squad. "'Di kami lalayo, boss," sabi pa nang isa. "Kailangan ka rin namin dahil pinapatawag ka ni Ranger." Tumango lang ang babae at maya-maya ay iniwan na sila ng mga ito. Naiwan silang dalawa at hindi maiwasang matawa ni Rio. "Gangster ka? O wannabe? Akala ko..." hindi na natapos ni Rio ang sasabihin dahil bigla na lang siyang tinira ng babae sa tyan. Grabe pala ang babaeng ito. Anong klaseng kamay ba meron ito? Kahit nag-tataekwondo siya ay hindi siya nasisipa nang ganitong kalakas. "Magpasalamat ka at 'yan lang ang ginawa ko," seryosong sabi nito. "Huwag ka nang pupunta dito. Teritoryo ito ng grupo." "Pero hacienda ito..." natigilan si Rio. He doesn't know her well. Mabuti pang ilihim niya ang tunay niyang pagkatao. "Ano?" "Nothing." "Umalis ka na," muling utos ng babae. "Sumugod ka na lang sa ulan. Dahil baka ikaw ang sugudin dito kapag 'di ka pa umalis." Napalingon si Rio sa mga lalaking kanina pa tila inip na inip. "You're with those guys?" "Ano bang paki mo?" galit na tanong nito, "Umalis ka na." Wala nang nagawa si Rio kung hindi iwan ang babae pero wala pang tatlong hakbang ay bumalik siya at hinubad sa harap nito ang suot na itim na t-shirt. "Ano 'yan?" inis na tanong ng babae. "Wear this," seryosong utos ni Rio. "Kung ako naging tatay mo, hihilahin kita pauwi." "Anong..." "Uso ba talaga pulang bra ngayon? Talaga yatang gusto mong ma-rape, ano?" iyon lang at iniwan na ni Rio ang babae at sumugod sa ulan. Doon lang napansin ng kausap ang ibig sabihin ni Rio at napapahiyang tinakpan ang sarili ng hawak na t-shirt. "Tama bang dalhin natin dito si Rio, Rodell. Alam mo namang dito nangyari ang trahedya..." nag-aalalang tanong ni Ruth sa asawa habang hinihintay nila ang apo. "Mas makakabuti kung nandito siya, Ruth," paliwanag ni Rodell. "Kay sa sa maynila na maaalala niya ang lahat ng masasayang ala-ala nila ni Alianna. Malayo naman ang bayan kung saan nangyari iyon." Napabuntong-hininga si Ruth at masuyo naman itong inakbayan ng asawa. "Hayaan mo na si Rio, alam mo namang hindi sasama iyon kapag dinala natin sa America." "Dadalhin niyo po ako sa America?" Napalingon ang dalawa nang magsalita siya. "Rio..." "Totoo ba, Papa Rod?" masama ang loob na tanong ni Rio. "No, sweetheart. Plano pa lang iyon ng parents mo..." si Ruth ang nagpaliwanag. "I'm not leaving. Babalik na lang po ako sa Maynila kung nakakaabala na ako sa inyo." "Rio," niyakap siya ng kanyang lola. "Hindi ka nakakaabala sa amin. Never. Pero nasasaktan kami kapag nakikita kang ganyan. Kaya gusto ka naming dalhin sa America baka sakaling makalimot ka." "No. I'm not going. At ayoko ring makalimot. Hinding-hindi ko kakalimutan si Alianna. Good night po." Iyon lang at tinalikuran niya na ang mga ito. Susundan sana siya ng lola niya pero agad itong pinigilan ng asawa. "Leave him, Ruth. Hayaan mo muna siyang mapag-isa," maya-maya ay inaya na nito ang asawang kumain. "Let's go and eat. Gusto ko nang matikman ang masarap mong luto." Madaling araw na pero gising pa rin si Rio. Nakatanaw siya sa bintana habang pinapanood ang malakas na buhos ng ulan. Anong klaseng summer ba ito? Hindi niya maintindihan ang mga magulang kung bakit gusto ng mga itong kalimutan niya si Alianna. Kahit masakit ayaw niyang kalimutan ang nakaraan nila dahil iyon na lang ang natitirang dahilan para mabuhay siya. Pero paano kung pilitin siya ng mga magulang na pumunta sa America? No! Hindi pwede. Tsaka hindi pa naman nahahanap ang bangkay ng babae. Kahit pa may posibilidad na kinain ito ng mga pating o nalunod na sa dagat. May posibilidad pa ring buhay pa ito. Tama, pupunta siya kung saan naganap ang trahedya at mag-iimbestiga. Siguradong pananagutin niya ang sindikato na humabol sa kanila. Pero papayagan ba siya ng lolo at lola? Baka magsumbong lang ang mga ito.  Buo na ang pasya ni Rio. Dala ang ilang damit at wallet, palihim siyang lumabas ng bahay. Mabuti na lang at may alam siyang short cut na maaaring daanan para hindi siya makita ng mga guwardya. Hindi alam ni Rio kung saan siya magsisimulang maghanap. Naglalakad siya sa madilim na daan at napapaligiran lamang ng mga bukirin. Hindi naman siya matatakutin pero hindi niya alam kung bakit tumataas ang mga balahibo niya nung mga oras na iyon. Bahagya siyang nagulat nang may isang tila anino na dumaan sa gilid niya. Hindi niya alam kung anino lang iyon pero gusto niya nang tumakbo pabalik sa kanila. "Alianna, please, gabayan mo sana ako..." taimtim na hiling ni Rio. "Hoy!" Napalingon si Rio sa tumawag at ganoon na lang ang kaba niya nang makita ang tatlong malalaking lalaki. Kahit natatakot ay pinilit gamitin ni Rio ang isip at alalahanin ang mga natutunang self-defense sa taekwondo school. Pero talagang nakakatakot ang itsura ng mga ito at walang panama ang pagiging black-belter niya. Nagsayang lang yata siya ng tuition sa pag-aaral ng taekwondo. "Mukhang naliligaw ka ha," nakangising bati ng lalaking malaki ang katawan at puro tattoo. "Marami bang pera sa bag mo?" tanong naman ng isa pa. "Anong kailangan nyo sa akin?" pormal na tanong ni Rio. Hindi siya magpapahalatang takot siya. "Alam mo naman iyon," isang lalaki ang lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang bag. Sinubukang bawiin ni Rio ang mga gamit pero tumatawa lang na inilayo ng mga ito ang bag mula sa kanya. "Mukhang mayaman ka ha. Turista ka ano?" "Ano bang pakialam mo?" galit na sigaw ni Rio. Isang malakas na suntok ang nagpatahimik sa binata. "Sumagot ka nang maayos kapag tinatanong ka. Baka hindi mo kilala kung sino ang kausap mo?" "Hindi ko naman kayo kilala mga walang hiya.." Isang suntok uli ang dumapo sa mukha ng binata. Dahil sa galit ay napilitang lumaban si Rio pero dahil tatlo ang mga ito ay pinagtulungan lang siya. Tatapakan pa sana ng isa ang mukha niya nang may biglang pumalo sa ulo ng isa sa mga lalaki kaya napalingon ang mga ito. Isang malakas na suntok ang gumulat sa isa pa at pinagsisipa ng bagong dating ang lalaking hindi pa nakakabawi sa malakas ng palo sa ulo. Gulat na gulat si Rio nang malaman kung sino ang bagong dati. Kahit nakaitim ito ngayon at ibang-iba sa babaeng nakausap niya sa waiting shed nang sumilong siya sa ulan, sigurado siyang ang babaeng iyon at ang babaeng kaharap ay iisa. "Ano pang tinutunganga mo dyan? Halika na," hinila siya nito sa kamay. Nagmamadali namang kinuha ni Rio ang bag at umangkas sa motorsiklo ng babae. "Kumapit kang mabuti," utos nito. Humawak si Rio nang mahigpit sa ilalim ng upuan. Narinig niya ang galit na sigaw ng mga lalaki. "Bumalik ka dito!" "May araw ka rin, Iris!" "Iris," bulong ni Rio sa isip. "Iris pala ang pangalan niya." Hindi na narinig pa ni Rio ang sinasabi ng mga lalaki dahil naging abala ang isip niya sa kasamang babae. Nakakabilib naman kasi ang galing nitong mag-motor. Ang totoo kasi nyan, hindi siya marunong sumakay sa motorsiklo. Hindi niya namalayan na nakarating na sila sa bayan. Nagpa-gasolina muna si Iris bago sila tumuloy sa isang liblib na lugar. Gustong kabahan ni Rio dahil hindi niya naisip sa tanang buhay niya na makakatapak sa ganoong klaseng lugar. Mayaman kasi ang mga magulang niya at umiikot lang ang mundo niya sa alta society. Saan kaya siya dadalhin nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD