Mahigit isang buwan na kaming mag-nobyo ni Stanley at hanggang ngayon ay binuburyo pa rin ako ni Jenny. Hindi yata alam ng babaeng 'yon ang salitang move-on. Imbes na sa condo ako magtungo ay naisipan kong dumaan na lang muna sa bar na malimit kong puntahan.
Nang makapasok sa exclusive bar ay agad akong nagtungo sa counter area. Hindi naman ako magpapakalasing, gusto ko lang magpaantok. Malapit na sana ako sa counter ng makaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya imbes na sa counter dumeretso ay binaybay ko ang daan patungong comfort room. Dahil exclusive naman ang bar ay hindi masyadong marami ang tao.
Natigilan ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Biglang hinanap ng mga mata ko 'yon.
"I want you." I heard it clearly. Dahan-dahan akong lumapit sa pintong hindi nakapinid. Sumilip ako roon at nanlaki ang mga matang nakita si Jenny, may kahalikan itong lalaki. At nang pakatitigan ko ang binata ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Oo, aaminin kong isa akong mang-aagaw pero hindi naman ako playgirl. Kinuyom ko ang mga palad ko at malakas na itinulak ang pinto. Parehong natigilan ang dalawa sa biglang pagbukas ng pinto. Nakita ko naman ang ngisi ni Jenny, habang si Stanley ay namumutlang nakatingin sa akin.
"What a nice surprise! But please, don't fück here, get a room." Malamig kong saad sa kanila. Akala siguro ni Jenny ay susugurin ko ito. Tsk! Pinamumukha ba niya na kaya rin niyang agawin pabalik si Stanley? Hah!
"H-hon, let me explain," nagsusumamo ang boses na pakiusap ni Stanley. Masama ko itong tinitigan.
"What kind of explanation? Baka mga lumang tugtugin na ang magiging paliwanag mo. Mukhang nagkabalikan kayo." Matapang kong wika. Napalunok naman ito. Shït! Kung kanina ay naiihi ako, ngayon ay parang natatae na ako sa pagmumukha nila.
"She initiates that kiss, I pushed her. Kaya lang masyado s'yang nakadikit kaya hindi agad ako bini-"
"Stop explaining! Hindi ko naman hinihingi 'di ba? And besides. . ." tinapunan ko muna ng tingin si Jenny na parang tuwang-tuwa sa nangyari sa amin. Dream on girl. I will not give you what you want.
". . . alam ko namang hindi mo magagawa sa aking mag-cheat. I trust you, sige na hintayin mo na lang ako rito sa labas at naiihi na ako," matapos ko 'yong sabihin ay matamis ko itong nginitian. Habang ang mukha ni Jenny ay parang isang dragon na magbubuga na ng apoy. Hah! Akala niya ba hihiwalayan ko si Stanley dahil sa halik na 'yon? She's right, hihiwalayan ko ang binata but not now na hinihintay ang pagkakataong iyon, hindi sa harapan niya. I will never give her a pleasure to insult me.
Pagpasok ko ay binangga ko ang kaliwang braso nito kaya naman ay napaatras ito.
"Huwag masyadong nakaharang sa daan." Mataray kong saad bago pumasok sa bakanteng cubicle. Narinig ko pa ang malakas nitong sigaw. Ang galing din ng lokong 'yon. Akala niya siguro pwede rin akong lokohin. In his nightmare! Magsama sila ng ex niyang linta.
Pagkalabas ko sa comfort room ay nakita ko kaagad si Stanley.
"Hon!" nakangiti kong tawag dito. Sa likod ng matamis kong ngiti ay nagtatago ang pagiging demonyita ko.
"Hon!" mabilis niya akong nilapitan at niyakap.
"Don't worry I'm not mad at you," masuyo ko pang hinaplos ang makinis nitong mukha. Nakita ko ang relief sa mukha ng binata.
"I'm glad to hear that. Let's go, uminom muna tayo," yaya nito sa akin.
"I'm sorry nawalan na ako ng ganang uminom eh. Naalala ko kasing may meeting ako tomorrow kaya dapat maaga akong matulog." Malambing kong tanggi rito.
"Okay, ihahatid na kita," presinta pa ng binata.
"How about my car? Hindi ko pwedeng iwan 'yon dito. I can manage naman eh. Just enjoy the night okay?" mas nilakapan ko pa ng lambing ang boses ko. Bumalatay sa gwapo nitong mukha ang pagkadismaya kaya naman ay ginawaran ko kaagad siya ng mabilis na halik sa kanyang labi.
Sumilay naman kaagad ang matamis nitong ngiti. Tsk! Pabebe lang.
Hinatid niya pa ako sa parking lot para masiguro niyang safe ako.
Mabilis kong kinuha ang wipes sa bag ko at pinunasan ang aking labi. Shït! Nakalimutan kong kahalikan niya pala ang linta niyang ex. Halos mamaga ang labi ko dahil sa diin ng pagkakapahid ko rito.
Habang patungo ako sa condo ko ay biglang tumawag si Mommy. Ayaw ko sana 'yong sagutin, pero sa bandang huli ay sinagot ko na rin.
"Yes Mom?" walang kabuhay-buhay kong sagot dito.
"Come home," wika nito. Muntik na akong mauntog sa manibela dahil sa bigla kong pag preno, mabuti na lang at wala masyadong sasakyan kaya hindi ako naaksidente. Kabigla-bigla naman talaga ang sinabi ni Mommy. Noon kapag nasa mansion ako at parati kong pinapasakit ang ulo nila ay palagi niya akong sinasabihang lumayas na lang ako sa mansion, nang mabawasan daw ang stressed niya sa akin. Kaya malaking himala talaga na pinapauwi niya ako ngayon. Iginilid ko muna ang sasakyan ko bago ko sinagot si Mommy.
"Mom? Naka-drugs ka ba?" walang preno ang bibig kong tanong sa aking ina.
"Beatrice Hazel Isabella Elise!" malakas nitong isinigaw ang buo kong pangalan. Langya lang talaga. Dahil sa taas ng pangalan ko halos matagalan ako sa pagsagot ng exams namin noon. Sila sumasagot na sa questioner habang ako nagsusulat pa ng pangalan ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng mga magulang ko at ang haba ng ibinigay nilang name ko. Tsk!
"Are you listening?!" napaigtad pa ako sa pagsigaw ni Mommy. Hay, magkatulad talaga sila ni Savannah parang may gyera kung makasigaw.
"Ano nga ulit 'yong sinasabi mo Mommy?" malambing kong tanong dito. Narinig ko ang buntonghininga nito.
"Umuwi ka ngayon sa mansion at dito tayo mag-uusap," walang emosyong saad ni Mommy. Wala akong nagawa kundi ang sundin ito. Baka sakalin pa ako ni Mom at utusan niyang ipa-freeze lahat ng account ko kay Dad. Hari ngang matatawag si Daddy pero under naman ito ni Mom. Tsk!
Mabilis kong iniliko ang sasakyan ko at binaybay ang daan papunta sa masion namin. Na-miss ko rin naman dito eh.
Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ko ay nakita ko kaagad si Madeleine. Isa ito sa kasambahay namin na ngayon ay pinapaaral ng mga magulang ko. Matanda lang ako ng tatlong taon dito kaya close kaming dalawa.
"Señorita Bhie!" masaya nitong bati sa akin.
"Naku bruha ka! Sabing Ate na lang ang itawag mo sa akin!" pagtatama ko rito.
Napahagikhik naman ang bruha. Agad niya akong hinawakan sa braso at sabay na kaming humakbang papasok sa loob ng mansion.
"Alam mo ba Ate, may crush ako sa school. Super hot nito." Kinikilig nitong kwento.
"Sige unahin mo ang landi mo Madeleine. Kapag ikaw nabuntis ipapasagasa kita sa tren!" mataray kong saad dito. Kebata-bata pa jowa na kaagad ang iniisip nito.
"Si Ate, crush ko pa lang tapos ikaw buntis na kaagad! Grabe ka sa akin!" nakasimangot nitong saad.
"Hmp! Akala mo naman 'di kita nakitang nanonood ng bold sa kwarto mo! Tapos may tinawag kang posisyon na ginawa nila. Ano nga 'yon. . . tsu-"
"Tsupa 'yon Ate Bhie! Tsupa!" malakas na sigaw nito matapos putulin ang sinasabi ko.
"Madeleine!" pareho kaming napalingon ni Made nang marinig ang malakas na sigaw ni Mommy. Pareho kaming namutla. Para lang kaming mga batang nahuli sa isang mabigat na krimen.
"M-mom!" bati ko rito. Hindi pa ata naka-move on si Made dahil tulala pa ito hanggang ngayon.
"Anong pinag-uusapan niyong tsupa-tsupa na 'yan?" nakataas ang kilay na tanong ni Mom. Bigla akong namula dahil alam ko kasi kung anong posisyon 'yon.
"Ha? Nagjo-joke lang po kami ni Made, Mommy," paliwanag ko. Napangiwi pa ako dahil masama niya akong tiningnan.
"Pagkukurutin ko kayong dalawa riyan! Ikaw Bhie sa library tayo mag-uusap." Seryoso niyang utos sa akin. Napalunok tuloy ako.
"Susunod na po," mahina kong sagot. Nang makaalis si Mommy ay kinurot ko ng malakas ang pisngi ni Made.
"Ate! Ang sakit naman ng kurot mo!" protesta nito.
"Natulala ka na riyan. Nakaalis na si Mommy. Ikaw kasi kahit anong pinapanood mo, nadadamay pa ako sa tsupa-tsupa na 'yan!" inis kong sermon dito.
"Mukhang masarap din naman kasing isubo ang-"
"Made!" na-e-eskandalo kong saway rito.
Natatawa naman niya akong tiningnan.
"Masarap naman talaga ang lollipop Ate! Ikaw talaga ang green minded mo!" natatawa pa rin ito habang naiiling na pumasok sa kusina.
Walanghiyang Made, at ako pa talaga ang naging green minded sa aming dalawa. Ang hilig-hilig kasing manood ng bold.
Pagkapasok ko sa loob ng library ay nakita ko kaagad ang mga magulang ko.
Seryoso atang usapin ito. I felt the tension inside the library. Umupo ako kaharap ni Mom.
"What is all about?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Nakita ko ang seryoso nilang tingin sa akin.
"Malaki ka na, and we want a grandchildren from you," si Dad ang nagsalita. Laglag ang panga kong tiningnan si Dad. Seriously? So, it means mag-aasawa na ako? Ganoon ba 'yon?
Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanila.
"Gusto niyo na akong mag-asawa? Tapos hihiling agad kayo ng mga apo? Oh my goodness! I can't believe this!" napasapo ako sa aking noo.
"Kung ayaw mong mag-asawa, bigyan mo na lang kami ng apo. Matatanda na kami para hintayin ka pa na tumino. Habang maaga pa bigyan mo na kami ng apo. And that's an order." Seryosong pahayag ni Daddy sa akin.
Hanggang sa pagtulog ay iniisip ko pa rin kung totoo ba ang mga narinig ko sa mga magulang ko. They want a grandchild. Anong akala nila sa akin? Paanakan?