bc

My Stolen Lover (Rated 18+)

book_age18+
3.2K
FOLLOW
20.5K
READ
possessive
badgirl
billionairess
comedy
twisted
sweet
bxg
secrets
affair
like
intro-logo
Blurb

Warning: Mature content, read at your own risk. If you're a minor 18 years old below, don't read.)

Mang-aagaw, malandi ay ilan lang sa ibinansag kay Beatrice Hazel Isabella Elise Inson. BHIE Inson for short. Her obsession on seducing and collecting her friends' boyfriends keeps the desire burning inside her.

Ngunit nagbago ang pananaw niya nang makilala niya ang long-time boyfriend ng kanyang best friend na si Ezra Quincy.

She fell in love with him. Pero anong gagawin niya kung pagmamay-ari na ito ng iba?

Gagawin niya ba sa matalik na kaibigan ang ginagawa niyang pang-aagaw sa boyfriend ng mga dating kaibigan nito?

***

While Savannah, Bhie’s best friend ay may madilim na nakaraan sa pinsan ni Bhie na si Pierre. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, mananaig ba ang pagmamahal ni Pierre kay Savannah? O mas mananaig ang kagustuhan ng dalagang makapaghiganti at makuha ang hustisyang pinagkait sa kanya?

Tunghayan ang dalawang story ng pagmamahal.

chap-preview
Free preview
Obsession, BHIE
"How dare you b***h!" malaka na hinila ni Jenny ang buhok ko. s**t! Ang sakit humila ng babaeng 'to. Umigik ako nang mas lalo niyang hilahin ang buhok ko. How dare she touch my hair. Dahil sa inis ay bigla kong hinila ang mga kamay nitong nakahawak sa buhok ko. Sa lakas ng pwersa ko ay mabilis 'yong natanggal. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Jenny. She was my friend, dahil hindi na ngayon. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Eskandalosa talaga ang babaeng ito. Kasalukuyan akong nag-la-lunch sa isang sikat na restaurant kasama ang new boyfriend ko na ex-boyfriend ni Jenny. Nagpaalam itong mag-c-cr muna. "How dare you touched my beautiful hair!" mataray kong saad sa kanya. Tumawa ito na akala mo ba may nakakatawa sa sinabi ko. "And how dare you na agawin ang boyfriend ko!" nakasigaw nitong saad. Natawa ako sa hitsura nitong hindi maipinta dahil sa inis. "It's not my fault. Siya ang lumapit sa akin. Kaya sisihin mo ang sarili mo at huwag ako!" matapang kong saad sa kanya. Nagulat ang gaga sa sinabi ko. Tsk! Hindi siya maghahanap ng iba kung kontento ang binata sa kanya. But poor her, dahil mas lamang ang ganda ko sa kanya. "Inakit mo siya!" dinuro pa ako ni Jenny kaya kumuyom ang kamao ko. Para kaming nasa isang shooting dahil halos lahat ng tao rito ay sa amin na nakatutok. "So what? Nagpaakit naman siya sa akin and beside I'm more beautiful than you." I stated the fact. Mas gigil niya akong tiningnan. Akmang susugurin niya ako nang dumating si Stanley, agad niyang hinarang ang katawan nito sa katawan ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Kaya mas lalong nainis si Jenny. "What the hell are you doing?" inis at galit na tanong ni Stanley. Agad namang naging maamo ang mukha ni Jenny. I smirked at her when she looks at me. "I. . . I just want to talk to you, Babe." Nakikiusap nitong saad. Para lang itong maamong tupa sa harap ng dating nobyo. "We've talked already. We're done, okay?" mariing saad ni Stanley. Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Jenny. "I still love you, alam kong pinaikot ka lang ng babaeng-" "Shut up! I don't want to hear you anymore. Tapos na tayo naiintindihan mo ba?" galit na pahayag ni Stanley. Namutla naman si Jenny sa pagsigaw ng binata. Ilang sandali itong hindi nakagalaw. Bago siya umalis ay matatalim na tingin ang iniwan nito sa akin. Mabuti na lang at hindi public place itong restaurant at kilala ko rin ang may-ari. Sigurado akong walang makakalabas sa mga nangyari ngayon. Hinarap ako ni Stanley at masuyong hinaplos ang pisngi ko. "Are you okay?" masuyo nitong tanong. Tumango ako at agad na yumakap sa kanya. Wow! Super bango niya talaga. Matapos ang lunch namin ni Stanley ay hinatid na niya ako sa condo ko. Ayaw ko munang umuwi sa mansion namin. "Thank you, Hon." Malambing kong pasasalamat dito. Matamis naman niya akong nginitian. "You're always welcome." At mabilis niya akong kinabig at binigyan ng isang nakakaliyong halik. "Sige na umalis ka na. Alam kong may gagawin ka pa," pagtataboy ko rito. "Okay, I will call you later. Take care!" bilin pa nito. Agad akong sumakay ng elevator papapunta sa condo ko. Hay! This is my life. Walang pinoproblema. Naalala ko na naman si Jenny kanina. Anim na buwan pa lang naming magkakilala. One of my friend introduced me to her, at dahil may similarities kami ay agad kaming nag-click na dalawa. Last month ay pinakilala niya sa akin ang boyfriend niya. I was attracted to Stanley immediately. At ang loko mukhang na-engkanto sa ganda ko. He secretly asked about my number, at dahil gusto ko rin ang lalaki ay mabilis pa sa kidlat kong ibinigay ang number ko rito. Hindi naman ako masisisi ni Jenny na hindi magustuhan ang kanyang nobyo dahil sobrang hot nito. Sigurado akong alaga sa gym ang six pack abs niya. I also love his tantalizing pair of eyes. Ang mapupulang labi nito na kay sarap halikan. We also secretly see each other at nang aminin nitong gusto niya ako ay sinabi ko kaagad na dapat muna siyang makipag-break kay Jenny. Wala pang isang linggo ng break up nila ay naging kami naman ni Stanley. Nalaman kaagad ng gaga na ipinagpalit ito ng binata sa akin kaya ayon parang amazonang nanugod sa akin. Napaigtad ako nang malakas na nag-ring ang cellphone ko. Nabalik ako sa kasalukuyan. Pangalan ng best friend ko ang tumawag sa akin. Agad ko 'yong sinagot. "Yes, hello?" sagot ko rito. Nailayo ko ang cellphone ko nang malakas akong sinigawan. s**t! Mabibingi ata ako sa babaeng 'to! Kung makasigaw akala mo may sunog. "What?" inis kong tanong dito. Ibinalik ko na sa tenga ko ang cellphone ko. "What did you do this time?" parang nanay nitong tanong sa akin. "Ano namang ginawa ko? Wala yata akong natatandaang may ginawa ako." Maang-maangan kong saad dito. "Beatrice Hazel Isabella Elise Inson!" hala! Bakit sinali nito ang buo kong pangalan? Tsk! Daig pa talaga niya ang nanay ko kung maka-sermon. She's my best friend, since birth. My Mom and her mom are best of friends, kaya noong sabay silang magbuntis ay pinangako nilang magiging matalik na magkaibigan din ang magiging anak nila. Dalawang buwan lang ang pagitan naming dalawa. Kahit na nga ba marami kaming pagkakaiba ay nagkakasundo naman kaming dalawa. Kung ako ay b***h, si Savannah naman ay angel. Kitams ang layo ng agwat 'di ba? "Bhie! I'm talking to you!" nayayamot na ang boses na sigaw ni Savannah sa akin. Lumilipad na naman kasi ang isipan ko. "Nakikinig ako." Balewala kong saad dito. "Really? Sige nga, ano 'yong sinasabi ko sa 'yo?" nanantyang tanong nito. Napangiti ako. Tsk! Ako pa ba? "I told you to stop playing around, lalo na ang pang-aagaw sa boyfriend ng may boyfriend. Hanggang kailan ka ba magtatanda?" ginaya ko ang boses niya sa tuwing nagsesermon ito sa akin. Mabuti na lang at memoryado ko na ang linyahan niya. "I told you nakikinig ako sa 'yo," natatawa kong saad dito. "Heh! If I know memoryado mo na ang linyahang 'yan! Pero I'm sorry dear dahil hindi 'yan ang sinasabi ko." Medyo seryoso na nitong saad. Natigilan ako. Seryoso na akong nakinig sa kanya habang inuulit ang sinabi nito kanina na hindi ko narinig o mas tamang sabihin na hindi ko pinakinggan. "What? That b***h! Naghahanap talaga ito ng away!" nangigigil kong saad. Tingnan lang natin kung saan ka pupulutin matapos ang gagawin ko. "Hep! May gagawin ka na naman ba? Don't worry dahil inayos na ng pinsan mong si Pierre ang videong 'yon. Natigilan ako. Bati na sila ni Kuya Pierre? The last time I checked, they are enemy. "Y-you and Kuy-" "Hep! Huwag judgemental!" putol nitong saad sa iniisip ko. Umirap pa ito bago nagpaliwanag sa akin. "We're not close okay? Tinawagan ko lang siya dahil sa 'yo. Wala na akong ibang maisip nang makita ko ang video mo together with Stanley. Kuha kasi 'yon n'ong sila pa ni Jenny kaya panigurado ang simpatya ng tao ay kay Jenny talaga." Mahaba nitong paliwanag. Napailing na lang ako. I know gusto siya ni Kuya Pierre pero hindi niya pinapansin ang pinsan ko. "Sagutin mo na kasi si Kuya Pierre! Ang tagal na n'yang naghihintay sa 'yo eh!" biro ko rito. "Nah! Maubos na ang lalaki h'wag lang siya. And besides sinabi ko na naman sa 'yo na may boyfriend na ako. Nasa Spain pa lang ito ngayon." Muli nitong saad. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya kay Kuya Pierre eh ang gwapo naman ng pinsan kong 'yon. Pero nagulat ako sa sinabi nitong may boyfriend na ito. Akala ko kasi n'ong sabihin niya sa akin 'yon ay joke niya lang. "Huwag mo akong i-prank!" balewala kong saad dito. Malakas itong tumawa. "Oo nga. Five years na kami no!" amin nito. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ngayon niya lang sinabi? May long-time boyfriend na pala ito. "Sana all five years!" umiikot kong saad dito. "Kaya ikaw, magtino ka na. Ayusin mo 'yang mga pinapasok mong relasyon. Okay?" sermon ulit nito. "Opo Mommy!" biro ko rito. Malakas itong natawa. Nakatitig lang ako sa puting kisame. Mabuti pa si Savannah at nahanap na niya ang tamang lalaki para sa kanya. Paano naman ako? Ang kaya ko lang gawin ay mang-agaw ng boyfriend ng mga kaibigan ko. Hindi naman lahat pero mas gusto ko talaga sa lalaki ay 'yong naaagaw ko. I'm so much obsessed with stealing my friends' boyfriend. Iba 'yong pakiramdam ko. Mas lalo akong ginaganahang mang-akit ng isang lalaki lalo pa at alam kong committed ito. Lalo na kapag alam kong boyfriend siya ng isa sa mga kaibigan ko. Kapag nakukuha ko sila ay para akong nanalo sa Miss Universe. They call me snatcher, b***h and whöre, but the hell I care. I'm Beatrice Hazel Isabella Elise Rambonanza Inson, the only daughter of Isabella and Eliseo Inson. Our family is one of the richest people around the world. Kaya malakas ang loob kong gawin ang lahat. "Anything I want, I always get." Nakangiti kong saad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook