bc

My Boyfriend Came From Papaya Tree

book_age16+
336
FOLLOW
1.0K
READ
drama
sweet
humorous
witty
special ability
like
intro-logo
Blurb

In an unknown faraway land, a 19 years old gay named, Lemonsquare is living a very dramatic yet happy life. One day his aunt commanded him to see if the Papaya Fruit in their backyard is ready to harvest. When he arrived there, he was surprised by the unique appearance of one particular Papaya Fruit, and while he is seeing it, suddenly, someone talks. He moves his head and eyes around the area to see who talked however, pinkish lips suddenly appeared to that unique papaya, as for the unexpected happening, he ran out of the place while screaming.

What that magical papaya has to offer? Will it change the life of Lemonsquare?

-Mag-enjoy ka here 'teh! Maraming chukchakan at kalokahan. Basahin mo na kaya!

chap-preview
Free preview
Square 1: Ang Mahiwagang Papaya
NOTE NG DIYOSANG OTOR Magandang araw! Narito ka dahil alam kong mahilig ka sa mga babasahing makapangarihan at masaya. BL reader ka, tama ba? Halina't saksihan ang paglalakbay ni Lemonsquare at Icer Hans patungo sa kaharian Leatel Wan Baebi Leatel tuh! Pero, bago niyo umpisahan sa pagbabasa ng kwento, gusto ko lang sabihin ang mga bagay na ito; UNA, ito po ay kwento na may halong katatawanan, expect some words added in the scenes. Also, hindi rin po siya fully edited and polished.  PANGALAWA, hindi po ako propesyonal na manunulat ngunit may karanasan at kaalaman sa pagsusulat. Malawak po ang sining ng pagsusulat at marami pa pong dapat matutuhan at i-improve. Ginagawa naman po at patuloy na nag-aaral. PANGATLO, kung ayaw mo sa ganitong uri ng kuwento, hindi kita pinipilit na basahin ito. Ang mga comments na super destructive and insensitive will be reported automatically. Marami ng nega sa mundo, huwag na kayong makisali.  PANG-APAT AT HULI, mag-enjoy kayo sa pagbabasa! Feel free to leave your comments in the comment section. Ang mga payo, magaganda at nakatutulong na kumento ay malugod na tatanggapin. Maraming salamat! Sige, magbasa ka na at tumawa!  ----------------------------- Sa malayong kaharian ng Leatel Wan Baebie Leatel Tuh matatagpuan ang mga taong nagtataglay ng mga kakaibang lakas at katangian na hindi mo makikita sa isang normal na nilalang. Dito na lugar na ito ang araw ay minsan lang sa isang siglo kung lumitaw. Dulot nito ang matinding puti at kislap ng balat ng mga mamamayan dito na nakilala sa tawag na, Pandateaias. "Malaki ang nagawa mong kasalanan sa akin at wala itong kapatawaran kaya bilang ganti ay tanggapin mo ang kaparusahan na igagawad ko sa 'yo!" matinding hinagpis ng isang Diyosa sa isang matipunong hari na kasalukuyang namumuno sa kahariang ito. Mabilis na nagdilim ang kapaligiran, at tila ang buong kaharian ay nawalan ng liwanag at sigla. Bakit tila galit na galit ang Diyosa sa Haring ito? At anong kaparusahan ang igagawad niya mula dito? Ating alamin ang lahat ng ito kasama na ang dahilan kung bakit minsan lang sa isang siglo kung lumitaw ang araw sa kaharian ng Leatel Wan Baebi Leatel Tuh. Makalipas ang Labinsiyam na Taon "Lemonsquare, tignan mo kung hinog na ang papaya sa likuran. Kapag hinog na ay pitasin mo na ito at isasahog ko dito sa Tinolang Manok," sigaw na utos ng tiyahan ni Lemonsquare sa kanya na kasalukuyang naglilinis ng manok sa kusina. Agad na sumunod si Lemonsquare at naglakad patungo sa taniman ng gulay. Hindi siya makatanggi sa mga utos ng tiyahin dahil kapag ginawa niya iyon ay mawawalan siya ng tirahan. Wala ng mga magulang si Lemonsquare at nakikitira lamang siya kanyang tiyahin na ubod ng kamalditahan, mukha namang impakta at siling pukinggan. Lemonsquare Hayst, nakakaloka naman talaga si Tita Viscit minsan e! Nagre-relax pa ako kanina sa salas , inutusan na kaagad ako. Kung may matitirhan lang talaga akong iba ay willing akong umalis sa bahay niya. Nakakakulo din kasi ng pawis minsan, alam niyo 'yon? Gosh, kailan kaya ako magkakajowa ng afam para makapag'abroad na ako at makalayas na sa bahay niya. Oh siya nga pala, kilala niyo ba kung sino ako? Naku, keme kayo diyaan. Puro kayo chika hindi niyo pa pala ako kilala. Oh sige, ako si Lemonsquare Fants. I am gay, PROUD and HAPPY to be ONE. Taga-dito ako sa gubat, oo ganon. Malayo kasi kami sa kapatagan kaya alam niyo na, medyo inosente sa mga ilang bagay dito sa mundo pero maganda ako nooo! By the way, foreigner kasi ang tatay ko kaya kung mapapansin niyo kakaiba ang surname ko pero tegi na silang dalawa ni Mujie. Ayon ang kuwento, pero hoping na sana ay hindi totoo. Growing up naman kasi, hindi ko man lang nakita ni isang picture ni Nanay at ni Tatay. Kahit yung super blur ganon, wala talaga. Kaya ito ang bakla, umaasa pa rin na baka mali ang kuwento sa akin tungkol sa tunay kong mga magulang. Masasabi ko na tunay talaga ang kasabihan na, litong lito ang buhay ng bakla. Charot! Ay wait! Second name ko nga lang pala ang Fants, eme lang iyon! Paglalahad ng Manunulat Maharot na tinahak ni Lemonsquare ang daan patungo sa kanilang likuran. Nang makarating siya roon ay agad niyang pinisil-pisil ang isang bunga ng Papayang lubos nakakaagaw ng kanyang pansin. Kakaiba ang hugis nito. Makinis at malaki kumpara sa ibang bunga ng papaya. Dahil dito ay napagdesisyunan niya na ito ang pitasin at ipangsahog sa lulutuin ng kanyang tiyahin. Tiyak niyang hinog na ito at matutuwa ng lubos ang kaniyang tita Viscit sa kanya kapag ito ang naiuwi niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ng akmang pipitasin na niya ito ay may biglang nagsalita sa tabi-tabi. Nagulat ang bakla at napaliti ito ng bongang bongga. Tili na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan. Haggang ang puso ay wala ng nararamdaman. Char! HAHAH! Nilibot niya ang kanyang paningin ngunit wala siyang nakita ni kahit anong bakas ng isang tao na nagpakawala ng boses. "Sino 'yan, ha?" medyo natatakot na tanong ni Lemonsquare. Sa ikalawang pagkakataon ay luminga-linga ulit siya sa paligid upang makita ang taong nagsalita ngunit muli ay nabigo ito. "You are so adorable!" bigkas ulit ng kung sinuman at doon ay napansin ni Lemonsquare kung saan nanggagaling ang boses na naririnig niya kanina pa. For the second time around, Lemonsquare shouted again when he saw that unique Papaya speaks. A rosy and tender lips sunddenly appears on the bottom of the elongated melon shaped fruit. As per schocked, Lemonsquare begun to run while shouting loudly and returned home without bringing any Papaya. "Ano bang sinisigawsigaw mo diyan!?" salubong ni Viscit sa kanyang pamangkin nang marinig nito ang malanding hiyaw at tiyak siya na galing ito kay Lemonsquare . "Ang ingay ingay, tanghaling tapat! At syaka na saan ang papayang pinapakuha ko sa 'yo!? Kanina ka pa doon. Inuod na ang manok sa kahihintay sa ‘yo!" mataray at asar na dagdag nito. Hindi alam ni Lemonsquare ang isasagot sa tiyahin niya na apura salita. Ang lahat ng laway na tumatalsik habang nagsasalita ang kanyang tiyahin ay malugod na sinalo ng kanyang mukha. Nag-isip muna siya sandali ng paliwang na kung sasabihin niya ba ang nakita niya o ililihim nalang ito. Gulong gulo ulit ang isip ng bakla ngayon. Tulungan niyo nga siya! "Ahhh...titaaa...ano kasi may malaki at matabang ahas po kasi akong nakita sa damuhan kaya bigla po akong napasigaw ng todo. Sorry po!" paliwanag nito. Mas gusto niya na ilihim na lamang ang nasaksihan at mas maganda kung siya lang ang makakaaalam. Baka kasi mamaya ay na malikmata lang pala siya at isipin pang siya ay nababaliw kahit totoong nasakisihan niya ang kakaibang bagay na iyon. "Bakla ka! Aanhin ka ba ng ahas? Dahil diyan 'wag kang kumain ngayon! Buwisit ka! Kanina pa ako hintay ng hintay dito, wala ka naman pa lang iuuwing papaya! Ipipirito ko nalang ang manok!" tuloy na tuloy sa galit na wika ni Viscit sa kaniyang pamangkin. Matapos ay tumalikod at naglakad pabalik ng kusina ngunit simigaw pa ito. "Manghuli ka nalang ng butiki at pirituhin mo tapos ayon nalang ang i-ulam mo. Letche!” Nalungkot ng kaunti ang ating bida ngunit sanay naman na siya sa ugali ng tiyahin. Umalis ito at pumunta sa puno ng bayabas upang mamitas ng bunga. Ayon na lamang ang kakainin niya para sa pananghalian. "Ay puki ng inahing manok!" gulat na sigaw ni Lemonsquare dahil may bagay na tumama sa kaniyang likuran. Hindi naman matigas ang bagay na iyon, pero nakakagulat pa din kahit papaano. Lumingon siya dito at nakita niya ang taong nagbatukal ng dalawang supot ng pandesal sa kanyang likuran. "Ayan nalang ang kainin mo, kaysa diyan sa bayabas. Titigas pa ang dumi mo niyan e. Ikaw din ang masasaktan kapag dumumi. Alam mo naman na ayaw kitang nasaksaktan ‘di ba?" mahabang wika ni Mobie kay Lemonsquare habang papalapit ito sa kinalalagyan ng bakla. Si Mobie ang lalaking may lihim na pagtingin sa ating bida. May kaya ito sa buhay ngunit hindi ata type ni Lemonsquare ang datingan ng lalaking ito. Guwapo si Mobie, matangkad at malaki ang pangangatawan.  Higit sa lahat ay malakas ang dating. Hindi ko din alam dito kay bakla, feeling maganda minsan. "Hoy, thank you dito haaa!" nakangiting pagpapasalamat na tugon ni Lemonsquare kay Mobie matapos makuha ang dalawang supot ng pandesal. Sanay na si Lemonsquare dito kay Mobie. Mabait talaga ito at madalas siyang binibigyan ng makakain. "Walang anuman. Alam ko naman na walang wala ka talaga," pambibiro ng lalaki at Naupo ito sa tabi ni Lemonsquare. “Grabe din e!” nginitian ni Lemonsquare ang lalaking ito at inumpisahan ng kainin ang pabuya ng Maykapal. "Oh siya nga pala, bakit napadaan ka ulit dito?". "Wala naman, na’miss ko lang iyang mabaho mong amoy. Hehe!" pang-aasar ng lalaki matapos ay bahagyang ngumisi. Lumitaw tuloy ang mga mapuputi at pantay nitong mga ngipin na nakakaakit sa mata ng mga kabaklaan at kababaihan. "Mabaho daw e, kanina ko pa nga naaamoy iyang putok mo sa kilikili. Gora ka na nga ulit sa inyo. Nakakasira 'yang amoy mo ng kalikasan!" nandidiring sagot ni Lemonsquare dito. Pero charing lamang iyon. Mabango si Mobie at makinis pa ang balat. "Sus, patay na patay ka nga sa amoy ko e," akmang aakbayan ng lalaki si Lemonsquare ngunit, "Cheee!" pinigilan ito ni Lemonsquare at bahagya inirapan. Pabebe si bakla oh. Charot! Ganiyan talaga mag-bonding ang dalawang ito at halos daigin pa ang aso at pusa sa pag-aasaran. Ngunit kagaya ng mga hayop na nabanggit gayundin ay mayroon silang pakialam sa isa't isa. Lemonsquare "Teka nga, sigurado akong pinagalitan ka na naman ng tita mo no?" saad sa akin ni Mobie. "Palagi namang ganon. Hindi ka na nasanay," matipid kong sagot. "Ikaw kasi e, ayaw mo pang umalis sa sainyo," ani niya. "Magtanan nalang kaya tayong dalawa? Ano? Tara na!" "Baliw! Nandoon si Matet sa kanila ayon ang itanan mo," pagtanggi ko.  Si Matet yung tindera doon sa labasan ng isda at ng kakanin. Sobrang kalog ng babae na 'yon. Try niyong makipagchikahan sa kanya at hindi kayo titigil ng kakahalakhak. Very sure akong mangangawit sa katatawa ang mga bulok niyong bagang. "Hu, ayoko doon sa babae na 'yon. Malansa!" angal nito ngunit nagbibiro lamang. "Grabe haaa! Hindi ka din naman mabango uy, kaya keri lang 'yon. Patas lang kayo, ayaw mo ba non?". "Nice! Mabaho daw!" mabilis niyang hinila ang kamay ko at agad akong napasubsob sa mga yummy niyang chests. Impernes ang mabango nito ha! Pero waley e. Hindi ko talaga siya feel kahit anong mangyari. "Bastos kaaa!" baling ko dito at kinurot siya sa tagiliran. "Sus, kunwari pa oh!" ani niya. Ayeke nemen telege!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

NINONG III

read
364.9K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

Payment of Debt

read
88.2K
bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook