Bumisita kami kinabukasan sa booth na itinayo nina Aliya at Samuel para sa laro nina Pizselior at Forest. Pareho kaming puyat ni Hyacinth nang dahil sa laro namin kagabi, pero para siyang walking bangkay. Mugto pa ang mga mata niya sa kakaiyak. "Oh my gods, Hya, what happened to you!" naibulalas ni Aliya nang makita ang hitsura ni Hyacinth. Kaagad namang yumakap sa kanya ang huli. "She was challenged by her bullies last night. As you can see, we lost a flag because she surrendered," natatawa kong sagot at naupo sa mga nakahilerang upuan sa booth na para sa mga manonood. "And you didn't help her?" inis na tanong sa akin ni Aliya habang hinahagod niya ang likod ni Hya. "How could I? It's her game," depensa ko ngunit inirapan niya lamang ako. Si Samuel naman ay nakatanaw lang sa dalawa, m

