Elijah Saktong alas dose ng madaling araw ay nakarinig kami ng putukan sa labas. Dali-dali akong bumangon mula sa mahimbing na pagkakatulog upang makiusyoso. Ang akala ko pa ay may mga nagsisimula na ng laro sa labas, ngunit nang lumabas ako upang sumilip, bumungad sa akin ang naglalakihang fireworks sa kalangitan. Mayroong iba't ibang kulay ang mga liwanag na pumuputok sa ibabaw. "What's the matter, Eli—wow!" Tumabi sa akin si Hyacinth na mukhang nagising din sa ingay. Sabay naming pinagmasdan ang makukulay na liwanag sa kalangitan. "Kung nandito lang sana si Lierre..." Napatiim-bagang ako nang marinig ang malungkot na saad ni Hyacinth. Kapag naaalala ko ang mga blankong tingin ni Lierre kaninang umaga sa assembly at ang sinabi ni Trevor na she already surrendered to the council, e hin

