Pabalik na kami sa Magi Academia pero tulala pa rin ako. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga pangyayari kanina. Unti-unti nang nagsi-sink in sa akin na ilusyon lamang ang lahat ng iyon at hulog na hulog naman ako sa patibong, ngunit hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang namatayan ako ng pamilya. "I'm sorry, Elijah. I know they're your friends, but if I didn't do what I did, something worse might have happened to you." Kanina pa humihingi ng tawad sa akin si Chantel kahit na wala naman siyang kasalanang ginawa. She only did what's the right thing to do in the situation. Sobra siyang nagi-guilty dahil ilang oras na akong wala sa sarili. "Don't mind me," mabilis na tugon ko sa kanya habang nakamasid sa labas ng karwahe at pinagmamasdan ang mga gusaling nadadaanan namin. Pati na ang

