Elijah "Why do we have to do this?" malakas na angal ni Hyacinth habang naka-squat sa tabi ko. Nandito kami sa Forest of Life and Death kung saan parating nagsasanay si Forest, at minsan si Lierre. Isa kasi ang squatting sa physical training na tinutukoy ni Forest kagabi upang paghahanda sa physical games na maaaring ipalaro sa amin sa darating na event. Si Vergel naman ay pumapasyal-pasyal sa amin at naghahatid ng impormasyon na nakakalat niya tungkol sa Capture the Flag with a twist, ngunit wala talaga siyang nakakalap sapagkat hindi talaga nagli-leak ang mga gawain sa loob ng bagong Supreme Student Council. "Endure the pain!" bulyaw ni Forest na mayroong hawak na mahabang stick. Hinahampas niya iyon sa amin kapag nawawala kami sa tamang posisyon. Gusto ko siyang upakan sa ginagawa ni

