Elijah Nagtungo kami ni Forest sa lagoon na tinutukoy ng babaeng may pangalang Hyacinth. Doon daw kasi madalas magpunta si Trevor o ang pinanghihinalaan naming si Zalchad. But unfortunately, hindi siya nagpunta roon ngayong maghapon. Wala rin daw nakakita sa kanya ngayon sa labas, kung kaya't sa plan B na kami ni Forest—that is to sneak in the Supreme House and look for the picture na nasa bedside table daw niya. O kung suswertehin, baka makita pa namin siya nang personal. "I have a bad feeling about this," bulong ni Forest at ilang beses na napabuntong-hininga. Saka siya lumingon sa akin. "What were you doing all this time, bro? You were always missing in action!" May pagtatampo pa niyang sabi. "I was going back and forth to Terra..." tugon ko habang malayo ang tingin. I hadn't achieve

