Hyacinth "Are you really okay?" tanong ni Vergel nang makitang nagsimula na namang lumuha ang mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilang maging emosyunal kapag naaalala ko ang lahat ng nangyari. Ang nag-iisang kaibigan ko na handang isakripisyo ang buhay niya upang protektahan ako.... how could I do such terrible thing to her? Pinag-isipan ko siya nang masama! Naiingit ako sa kanya at ginusto kong higitan siya. Napakasama kong kaibigan! "Wala pa rin bang balita kay Lierre?" pahikbi-hikbi kong tanong. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya! Magdamag akong umiiyak hindi dahil sa sinapit ko—bugbog, sabunot, sampal, lahat na. Lahat ng iyon deserve ko, although mali naman ang ikinagagalit nila sa akin. Walang nangyari sa amin ni Trevor. Lahat ay

