Hyacinth Natapos ang event sa Suicidal Square na wala akong naintindihan. Nagpaalam na rin sa akin si Lierre na uuwi na ng Krymmenos at bakas pa rin sa mukha niya na naiinis siya sa akin. Ngunit wala nang makakapigil pa sa akin ngayon. Nagtungo ako sa lagoon, nagbabakasakaling nandoon si Trevor. At hindi ako nagkamali. Nandoon nga siya sa kanyang paboritong spot. Inilabas ko ang vial mula sa maliit na backpack ko at huminga nang malalim bago lumapit sa kanya. "Pupunta ka ba sa event mamaya?" tanong ko sa kanya nang tuluyan akong makalapit. Ni hindi siya lumingon sa akin, tila ba isang dumi lang ako sa hangin na paikot-ikot sa kanya. Kung kaya't kinailangan kong kunin ang atensyon niya. "Ah, I found this vial pala..." Napangiti ako nang mabilis siyang lumingon sa akin at tiningnan ang h

