I woke up in an unfamiliar place. Ang tanging natatandaan ko ay ang pagtakas namin sa kuweba at hindi ako sigurado kung nagtagumpay nga ba kami. Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga nang maalala si Sethysus. Is he okay?
Pagkabangon ko mula sa isang malambot na puting higaan, naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko at ang pag-ikot ng mundo. Fudge, this is a drag!
"Hindi pa kayo dapat bumangon," isang tinig ang narinig ko na papalapit sa akin. Isang babae ang humawak sa magkabilang balikat ko at dahan-dahan akong itinulak pahiga. "Tatawagin ko ang doktor." Akmang tatakbo siya palabas ng purong puting silid nang hawakan ko ang kamay niya.
"Where am I?" I asked her with my roughly scorched voice. "Where is Sethysus?"
"Magus High, a small and remote school in Terra City. Sethysus brought you here," the girl in her black and white school uniform replied. Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Sethysus brought me here? Ang pagkakaalam ko ay sa Magi Island siya pupunta. And there is a school in Terra City? That's impossible!
Tiningnan ko nang diretso ang babae. "Ano'ng petsa ngayon?"
Nangunot ang noo niya, tila ba nagtataka sa bigla kong pagtatanong ng kung ano. "Ika-apat ng Hunyo."
Tumango ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Anong taon?"
Mukhang nawi-weirdo-han na siya sa akin, ngunit pinili niyang sumagot pa rin. "Nineteen-ninety seven."
Napakurap ako nang maraming beses kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Unti-unti ko ring nabitawan ang pagkakahawak sa kamay ng estudyanteng babae, dahilan upang magmadali na siyang umalis at lumabas ng silid.
Ang Terra City ang lugar kung saan ginagawa ni Shiro, kilala sa tawag na Lord of the Rebels, ang proyekto na mayroong kinalaman sa pagmamanipula ng oras. At nandito ako ngayon.... taong 1997, mahigit dalawang dekada ang layo mula sa kasalukuyan.
Isa lang ang makakapag-paliwanag nito, nandito ako ngayon sa nakaraan! Dali-dali akong napabangon mula sa pagkakahiga at sinubukang mag-isip. Ano ang dapat kong gawin?
Si Sethysus ang nagdala sa akin dito. Ibig sabihin ba nito ay tauhan siya ni Shiro? Kailangan ko siyang hanapin! Siya ang maglalabas sa akin dito dahil siya ang nagdala sa akin, in the first place. Kung hindi ko naman siya mahagilap, I think there must be a way para sapilitan akong makalabas dito. Kailangan kong malaman kung hanggang saan ang sakop ng proyektong ito.
Kahit umiikot ang aking paningin at masakit ang laman-laman ko na tila ba ilang beses nabalibag ang aking katawan bago ako nawalan ng malay, nagawa kong tumakbo palabas ng puting silid. Walang saplot ang aking mga paa ngunit hindi ko ininda ang kung anumang bato o anumang bagay sa madadaanan ko na naghihintay upang sugatan ako.
Paglabas ko ng silid, which I believe was the clinic, pinagmasdan ko ang paligid. Maraming mga gusali ang nakatayo rito malapit sa clinic, ngunit wala pa akong nakikitang mga tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad upang makakita ng bagay na makapagbibigay ng impormasyon sa kung nasaan ako. At doon ko nakita ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na naglalakad sa corridor na may suot na katulad na uniporme ng babae kanina sa clinic.
So nandito nga ako sa Magus High kung tawagin kanina nung babae sa clinic. Isang paaralan na hindi naman nag-exist noon. Isa pang napansin ko ay ang mga gusali at kagamitan sa loob ng paaralan, lahat ay tila moderno sa aking paningin at hindi naaayon sa kasalukuyang timeline ng lugar na ito. They must have distorted the past already! Delikado ang ginagawa ng mga taong ito at siguradong malaki ang magiging epekto nito sa hinaharap.
Ngunit mukhang wala namang ideya ang mga tao rito na nasa nakaraan sila at trick lamang ito ng kampo nina Shiro upang manipulahin ang oras at maisagawa ang maitim na plano.
Bago ko subukang pigilan ang plano na iyon at ang proyektong ito, kailangan ko munang makalabas. Bakit ba nila ako idinala rito? Sa timeline na ito, hindi pa ako ipinapanganak! Ano'ng gusto nilang patunayan?
"Miss, bumalik na tayo sa clinic." Napabalikwas ako nang may humawak sa braso ko. Nakabalik na pala ang babae kanina sa clinic kasama ang isang lalaki na mayroong suot na puting gown. "Pasensya na, Doc, wala kasi si Nurse Ven at walang nagbabantay kay Lierre." Alam niya ang pangalan ko!
"It's okay, Joy hija," tanging sambit ng doktor. Saka na ako hinila ni Joy pabalik sa clinic upang matingnan ang kalagayan ko.
Pinaupo ako ng dalawa sa kaninang higaan ko at pinagmasdan ako na tila ba ini-inspeksyon nila ang katawan ko. Maya-maya ay inilapat ng doktor ang palad sa aking ulunan at pumikit.
Makalipas ang ilang minuto, muli siyang nagmulat at nag-aalalang tumingin sa akin. "I can sense an immense power and energy within your small body. Mayroong itim na enerhiya na unti-unting kakalat at lalason sa 'yo. Kumusta ang pakiramdam mo, Lierre?"
Napakurap ako nang maraming beses, hindi pinansin ang kanyang mga sinabi. "I'm fine. Masakit lang ang katawan ko, but—" Pinutol ng doktor ang sasabihin ko.
"Delikado ang lagay mo. Maaaring hindi mo nararamdaman ito ngayon, but eventually—" This time, ako naman ang pumutol sa nonsense niya.
"Doc, I'm perfectly fine. I know my body better than anyone else," malumanay na sinabi ko at pilit na ngumiti. "Now if you'll excuse me..."
Akmang tatayo na muli ako at tatakbo palabas, ngunit nagulat ako nang biglang sumulpot si Joy sa harapan ko at pinigilan ako sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa aking mga braso. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Mukha lamang siyang mahina at inosente, ngunit ramdam ko sa mga tingin niya na mayroon siyang nalalaman sa akin.
"Alright, Lierre, we heard you. Calm down," madiin ngunit kalmado niyang sabi.
"Do you want me to cut off your arms?" banta ko sa kanya nang hindi ko magustuhan ang inasta niya. I get irritated so easily to people who think that they could hold my neck.
"We'll let you go after taking your medicine. Seriously, you're not fine," she replied, trying not to stutter. Mabilis niya ring inalis ang pagkakahawak sa mga braso ko.
I rolled my eyes inwardly. "Just give me the goddamn medicine, okay?"
Halos madapa-dapa pa si Joy sa kakamadaling kumuha ng gamot. Ang doktor naman ay hindi na umimik, tila ba naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit siya idinala rito ni Joy kung wala rin siyang balak gamutin ako, like, through his own power? Doesn't he have, like, a healing magic?
Pagbalik ni Joy, inabot niya sa akin ang isang platito na mayroong dalawang magkaibang tabletas at isang baso ng tubig. Dali-dali kong ininom ang mga gamot at tubig, saka na ako lumayas sa silid nang walang pasabi. Alright, saan na nga ba ako magsisimula?
Habang naglalakad at hinahanap ang daan palabas ng paaralan, may tatlong lalaking estudyante akong nakasalubong na iba kung makatitig sa akin. Noong una, akala ko ay inaalala lamang nila ang hitsura ko sapagkat hindi ako pamilyar. Ngunit nang mapansin na sa katawan ko nakatingin ang mga ito, kaagad akong napayuko at napamura nang makita ang gutay-gutay na kasuotan ko. Hindi siya totally punit-punit, ngunit may ilang malalaking butas na sumakto sa dibdib ko na siyang nakapukaw ng atensyon ng mga bastos na kalalakihan. Still, hindi dahilan iyon upang tingnan ako nang malagkit at pagnasahan! Wala naman din silang makikita.
Sinubukan kong huwag silang pansinin upang hindi na makagawa ng gulo at mapadali ang pag-alis ko sa lugar na ito, nang biglang lumapit sa akin ang isa sa kanila. Nagulat ako nang hilain nito ang kamay ko at biglang iniyapos ako sa kanyang katawan. Sa hindi malamang dahilan, hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at hindi ko rin magamit ang aking mahika.
"Let go," I warned, although he didn't take my words seriously because I couldn't even move an inch.
"Come with me, woman," bulong niya at kinaladkad niya ako paalis kasama ang iba pang kalalakihan na nagtatawanan. Nakayapos pa rin ako sa kanyang dibdib sapagkat hindi ko talaga magawang makapagpumiglas.
"Get off of me, you damn jerk!" singhal ko ngunit mas lalo lamang lumakas ang tawanan nila. f**k, why didn't my body respond? What the f**k happened to me?
Namilog ang mga mata ko nang maalala ang gamot na ipinainom sa akin ni Joy kanina. Ito ba ang epekto ng mga gamot? f**k!
Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay itinulak ako ng lalaki pasandal sa isang puno. Napansin kami na pinalilibutan kami ng mga puno—nasa kagubatan kami.
Inangat ko ang tingin ko sa mga kalalakihan. Nagtatawanan ang mga ito habang pinapanood ang lalaking kumaladkad sa akin na hubarin ang kanyang puting uniporme. Nakakasuka. Seriously, they mess with women in this broad daylight? What's worse was they did it within the school ground!
"I'll go first, aight?" the guy said as he unbuttoned his black jeans and started to rip my top, exposing my undergarment. I didn't react nor curse him since that wouldn't work anymore, seeing how f****d up these jerks were raised. I saw no guilt in their eyes as they feast on my small body. "Oh damn, honey! You look cute!" And I wasn't sure how I should take that statement—should I be offended by that remark? Cute? Anyway, I would kick this damned guy's balls when the meds wore off. No, I'll kill him actually!
Lumuhod ang lalaki sa harapan ko at aakmang hahalikan ako nang may biglang sumipa sa likuran niya dahilan upang mapasubsob siya sa punong sinasandalan ko. Rinig ko ang mahinang pagmumura niya. Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang mabibilis na yapak palayo ng mga kasamahan ng lalaking ito.
"Do you think this school is a joke?" singhal sa amin ng seksing boses ng isang lalaki. Inangat ko ang tingin ko sa kinatatayuan niya and fudge—isang matipunong lalaki na mayroong napaka-guwapong mukha. Isa na namang Primo Klausser, ngunit naiiba lamang ang klase ng kagwapuhan. Sigurado ba siyang isa siyang high school student?
Dali-daling umalis mula sa pagkakasubsob sa akin ang manyak na lalaki at sumalampak sa tabi ko habang tinatapunan ng masamang tingin ang guwapong lalaki. "What the f**k is your problem?"
"As the President of the Student Council, I swore to uphold my duty to create a good and harmonious place for all the students that I serve," he replied with a straight face before turning his back on us. "Follow me, both of you. I'll lead the way to the detention."
"Detention? Are you crazy?" Sa wakas ay nakapagsalita ako. I'm a fragile victim, but I have to go to the detention with the p*****t? What a sick Student Council President!
Biglang lumingon sa akin yung gwapong lalaki, nakataas ang mga kilay as if I said something to annoy him. "Shall I just let you off the hook when I clearly saw you making out with this notorious guy?"
"Making out?" naibulalas ko. Saka ko naalala ang sirang damit ko na halos iluwa ang kaluluwa ko! Dali-dali ko iyong natakpan nang walang kahirap-hirap. Wasn't I paralyzed or something? What just happened!
The President rolled his eyes as he took his black coat and threw it at me. "Wear that and follow me."
Present time
"Lierre? Lierre!"
Muli akong bumalik sa kasalukuyan nang marinig ang pagtawag sa akin ng kaparehong mukha at boses, ngunit ngayo'y maaliwalas nang mukha.
That's right! The Student Council President from Magus High and Primo Klausser, who totally forgot about our past, were both walking towards me. Sila ang makakasalubong ko... at isa sa kanila ang bibigyan ko ng love potion—but this is so wrong! Why would I give one of them my love potion? Dali-dali akong tumalikod sa kanila at halos tumakbo palayo na tila ba wala akong nakita. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit minabuti kong huwag lumingon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila ba tanging ang mga yabag ko lamang ang naririnig ko.
Kung naguguluhan kayo, ito ang pinaka-simpleng paliwanag sa nangyayari. Ang President ng Student Council ng Magus High na noo'y aksidente kong natuklasan while I was on a task, right before I came back in Magi Island, ay nagsimula na ring pumasok dito sa Magi Academia. Ako man ay naguguluhan kung paanong nangyari na ang high school student ng taong 1997 ay kasalukuyang nandito sa harapan ko, with the same face from decades ago!