Five

2073 Words
"Bakit para kang nalugi?" tanong ni Hyacinth sa akin nang makasalubong ako. Yakap-yakap niya ang ilang libro na hindi ko matukoy kung tungkol saan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa mga iyon, bigla siyang nangiti. "Ah, this? My everyday is filled with magic ever since I came here. That's why I want to study everything about magaés." Such a hard-working woman. She even thought about studying something that doesn't exist within her. Unbelievable. That's her charm, though. Tumango ako. "I'm glad you have already coped up with your life here. Do you have a class in this building?" Tumango siya nang hindi nawawala ang ngiti sa labi, ngunit biglang napalitan iyon ng pagkunot ng kanyang noo. "And why are you heading to the exit? Don't you have a class here?" tanong niya pabalik dahilan upang mabilis na itago ko sa likod ko ang vial na hawak ko. "What's that? A potion?" "What potion?" pagtanggi ko at umiwas ng tingin sa kanya, ngunit bigla siyang may kinalkal sa kanyang maliit na backpack at ipinakita sa akin ang isang vial na mayroong laman na pulang potion. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong kaparehong uri nito ang potion na hawak-hawak ko. "This one? Some random guy gave it to me earlier. Am planning to drink it later with him." Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa inosenteng babaeng ito. Talagang itatagay pa niya ang love potion kasama ang nagbigay sa kanya noon. I just hope na harmless ang lalaki at hindi siya mapahamak. Dahil doon, gumaan ang loob ko at nagawa kong kumalma sa usaping potion. Hindi naman ako kailangan ma-stress sa ganoong bagay sapagkat isa lamang iyong experiment na kailangan i-submit sa aming instructor. Nagpaalam na rin ako kay Hyacinth noong umagang iyon bago pa ako tuluyang mahuli sa klase. Pagdating ko sa assigned lecture hall para sa History class namin, wala pa rin ang instructor. Kung kaya't kanya-kanyang usisaan ang lahat kung kanino ibibigay ang potion. Mas lalo akong na-pressure sa mga naririnig ko! Maya-maya pa ay dumating na ang isang instructor na bago ang mukha. Hindi ko rin sigurado kung bakit kada taon ay pinag-aaralan namin ang History ng Magus. Isang kaantok-antok na klase para sa akin, lalo na at unti-unti na akong nawawalan ng interes sa mga bagay na iyon. Although malaking parte ng buhay ko ang nakaraan ng Magus. Habang nagtuturo ang lalaking instructor na sa tingin ko ay nasa late twenties lamang, napansin ko ang isang tato sa kanyang pulsuhan na sumisilip sa tuwing umaangat ang long sleeves niya. Maliit lamang iyon na mayroong disenyo ng isang mata na hindi ko alam ang ibig sabihin. But the tattoo made me uncomfortable the entire class, I couldn't even focus on the topic. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na it was nothing... "I'll give you an assignment and you're going to discuss them next week," nakangiting anunsyo ng instructor sa buong klase. Pati ang ngiti niya ay pakiramdam ko kakaiba. Malamang ay dahil iyon sa kakaibang enerhiya na nararamdaman ko mula sa kanya. "Research on your city, kingdom, or palace's interesting story that happened in the past. Much better if you can interview someone who were present on that happening. See you all next week!" Nang makaalis na ang instructor, nagsunud-sunod ang mga bulungan kung gaano ka-guwapo at ka-hot ang lalaking guro. Hindi nga naman nagkakalayo ang edad namin, base sa hitsura niya. But looks could be really deceiving! Dali-dali akong tumayo at lumabas na ng Lecture Hall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung kaya't hinayaan ko na lamang ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan. Hanggang sa nakita ko na lamang na nakarating ako sa Dining Hall. Nagugutom na siguro ako. Puro bagong mga mukha ang nakikita ko rito. Mula sa mga estudyante pati na sa mga trabahador sa kusina. Mas naging maaliwalas na rin ang loob ng Hall sapagkat mas dumami na ang mga estudyante na kailangan i-accomodate ngayon sa Magi Academia. Nang nakarating ako sa buffet table, nginitian ko ang mga nagsasandok ng pagkain. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakapunta rito. Nakakapanibago ang sobrang habang table na punong-puno ng pagkain. Parang gusto kong kumuha ng tatlong plato na pupunuin. Hindi kasi ako nasanay na pumupunta rito noon dahil sa kondisyon sa mga estudyanteng nakatira sa Krymmenos, ang mag-ani ng makakain sa farm at magluto ng sariling pagkain. I felt a sudden pang on my chest when a surge of flashbacks of my good memories of Magi came to me. I missed the idiot, Eli. And Frician... that poor thing. "Present your ID before taking some food, please," ani ng isang lalaki na mayroong puti at malinis na kasuotan. Unti-unting nawala ang kanyang ngiti nang ibaba ang tingin sa suot kong ID. "We don't cater Precariat House residents in this Hall, unless it's Monday." To refresh my mind regarding these houses, let me reintroduce them all to myself. Effective pa rin ang laws ng houses na ito hanggang ngayon, nagbago man ang mga namumuno ngayon sa Academia. It had already become a tradition. If I remember it right, we have five houses in total. The Supreme House, where all the student council members reside. Sunod ay ang Mortal House na tinitirhan ng Mortal Seven. Ang parehong houses na iyon ay mga high class subdivisions kung saan nandoon na lahat, hindi na rin nila kailangang magpunta rito sa Dining Hall dahil pupwedeng i-door to door ang kanilang pagkain. Pangatlo ay ang Elite Subdivision kung saan pinapatuloy ang mga Rank 100 sa initial exam o final exam na isinasagawa para sa houses. Ang mga nalaglag sa ranks ngunit nakapasa naman ay mapupunta sa Common House, which is not a bad thing din naman. Ang huli ay ang Precariat House o mas kilala sa tawag na Krymmenos. Dito naman napupunta ang lahat ng mga bumagsak. They scorn and discriminate us, believe me! Tulad ngayon, kakain lang ako pero pinipigilan ako. Anak naman ng baka 'tong mga 'to, oh! "Use my ID for her food," rinig kong sabi ng lalaking kasunod ko sa linya. Ipinakita niya ang makintab na ID niya na mayroong nakalagay na Supreme House. Kung minamalas ka nga naman! It was him! It was none other than the President of the Supreme Student Council—Kemuel Zantillion. "Actually, I'm good. I suddenly feel full," I smilingly replied and was about to leave when Kemuel's swift hands gripped my pulse. "I won't say a thing. Just eat," he said and turned to the person who was in charge of scooping foods. "Please give us plates full of vegetables and meat. We'll be eating on that table." Itinuro niya ang isang mahabang lamesa na hindi kalayuan dito sa kinatatayuan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako at pilit inalis ang pagkakahawak niya sa pulso ko, ngunit bigla niya akong hinila patungo sa itinuro niyang mesa. Pinaupo niya ako sa upuan bago umupo sa tapat ko. "Why are you avoiding me?" he asked in a serious tone. We had known each other for only a few days but he was acting like we had been close. "I can barely recognize you, Mr. President," matabang kong tugon at umiwas ng tingin. "It's not like I knew you for years." Hindi siya nagsalita nang sabihin iyon. Sakto naman ang sunud-sunod na pagdating ng mga pagkain sa mesa namin. Nakakaasar lang kung gaano kayayabang ang mga nasa council at ultimo pagkuha ng pagkain ay iniuutos pa sa iba. Dahil sa awkward na katahimikan, halos hindi ko rin masubo ang kinakain ko. Nakaka-ilang din ang mga titig ni Kemuel sa bawat mga galaw ko. Parang gago ang tangang 'to. Sino bang matinong tao ang gustong tinititigan habang kumakain? Nakaka-conscious, pati pagnguya ko parang gusto kong kalmahan. "You really didn't recognize me?" bigla niyang sinabi nang iinom na ako ng tubig. Halos mabuga ko ang iniinom ko nang bigla siyang nagsalita. Talagang tinaon pa na iinom ako para mabilaukan sa pamemressure niya. "I am more curious as to why you are here," tugon ko nang ibaba ang baso ng tubig. Kumuha ako ng tisyu na nakalapag lang sa mesa at ipinunas sa bibig ko. "You are not supposed to be here. What the hell are you planning now?" Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko, tila ba wala siyang pakialam sa kung anuman ang nalalaman ko. His eyes were fixed on mine as if he was trying to dig some truth in my eyes. "You do not have any idea what's going on, do you?" Dahan-dahang nilapit ni Kemuel ang mukha niya sa akin. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya ngayon. "We have already invaded Magi Academia. It's just a matter of time until we finally crush Magus..." Hindi ako makagalaw nang marinig iyon. Nakatingin lang din ako sa kanyang mga mata, pinipigilan ang sarili na suntukin siya sa mukha. "So what I'm saying is..." Naramdaman ko ang daliri niya na dumausdos sa pisngi ko, marahan iyong hinahaplos. "I'm giving you a chance to switch sides now. Hindi na maliligtas ang Magus-" Bago niya tuluyang matapos ang sasabihin niya, mabilis na lumanding ang mga palad ko sa pisngi niya. At that very moment, napansin ko ang pagbabago ng kalmado niyang mukha. Ganoon din ang kaninang payapang atmosphere sa Dining Hall, ngayon ay nagbubulungan at nagtitinginan na sa amin. "I don't care what garbage you all are up to, Kemuel. I had sworn to die fighting for this damned world, so reign as much as you want today. I would definitely bring the crown back on its right place." I calmly said before pulling my ass up and left him stunned on my sudden outburst. Habang pa-martsa palabas ng hall, nakasalubong ko si Primo Klausser na nakatulala lang sa akin. Masyadong umaapaw ang matinding galit at emosyon ko ngayon upang iwasan pa ang mga nagtatanong na mata niya. Forgive me, Primo... These are all my fault. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nilagpasan siya nang walang pag-aalinlangan. Kumukulo ang dugo ko sa mga narinig ko mula kay Kemuel. Marami rin akong mga katanunangan at pagdududa. Nagbago ba talaga ako? Ito na ba yun? "Stop," narinig kong bulong ni Primo na tama lang upang marinig ko, ngunit hindi ko iyon pinansin. "I said stop!" I was stunned when he suddenly yelled, my feet automatically halted. And bruh, I didn't know what was with me, but his voice made my knees felt like melting. It felt like a jelly dancing on a sunny afternoon towards a kid's stomach. His tone may sound rude, but I felt like he was comforting me. That was when hot tears begun gliding down my cheeks. My mouth almost blurted a moan but I suppressed it with my both hands. My sobbing was soft, but not when I felt Primo's warm arms around my shoulders. It was the same warmth of Primo's embrace before... Para akong bata na gustong magsumbong sa kanya kasabay ng mahinang paghagulgol. Simula noong bumalik ako rito sa Magi Academia, pakiramdam ko ay mag-isa lang ako at walang kakampi. Bago lahat ng mukha para sa akin at halos wala na akong kakilala sa loob. Ang kaisa-isahang tao na matagal ko nang gustong makita ay nawalan pa ng memorya sa akin. Ang isang tao pa na dapat ay kasama ko sa laban na ito, si Eli, ay mayroong sama ng loob sa akin. At wala akong masisi sa lahat ng pangyayaring iyon kung hindi ang sarili ko. Nangyari ang lahat ng iyon dahil mahina ako at wala akong ibang maisip na paraan upang protektahan silang lahat. That was why I am here today. Upang tapusin ang propesiya, ngunit sa magandang kahihinatnan. Kaya gano'n na lamang ang sama ng loob ko sa mga sinabi ni Kemuel. Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang sakripisyo at pagkamatay ni Master Acius at Frician. Mas lalong hindi ko hahayaan na masayang ang oras na ginugol ko sa training sa labas ng Magus. Sisiguraduhin ko na hindi matutuloy ang kung anong plano ng kadiliman sa Magus. Hindi pa ako nagsisimula. Sa bawat paghagulgol ko, mas lalong humihigpit ang yakap ni Primo Klausser. Tila ba bumalik na siya sa sarili niya. Ngunit nagulat ako nang biglang mayroong pabalang na humila sa braso ko. Sabay kami na napalingon ni Primo kay Kemuel na diretso lamang na nakatingin sa akin, as if wala si Primo sa background. "You shouldn't touch what isn't yours, Primo Klausser..." puno ng babala na sinabi ni Kemuel at nilingon si Primo. Nangunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagbigat ng atmosphere sa Dining Hall. "What are you talking-" Pinutol niya ang sasabihin ko at muli akong tinitigan sa mata. "Lierre Kingsley is mine. Got that?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD