Kabanata 2

1170 Words
Expectations KINAKABAHAN ako ngayon dito sa sasakyan ni Mommy. Ngayon na kasi ang araw na lilipat na kami ng bahay at makilala ko na ang magiging kapatid ko, ang magiging kuya ko. "Mommy kinakabahan po ako." nahihiyang saad ko dito. Tumawa naman ito at binalingan lang ako saglit dahil nagmamaneho ito. "Bakit ka naman kinakabahan?" natatawang tanong ni Mommy. "E kasi...baka hindi kami magkakasundo ng anak ni Tito Fernand." sagot ko. "Mabait naman siguro si Ton-ton, Kreisha. Tsaka isang araw na bumisita ako sa bahay nila, tanggap niya naman ako. Kaya alam kong magiging mabait na kuya siya sayo." nakangiting saad ni Mommy. Nabuhayan naman ako ng dugo sa narinig. Sa pananalita pa lang ni Mommy, alam kong sobrang bait nito, dahil naiintindihan niya ang tatay niya kagaya ng pag iintindi ko kay Mommy. Mas lalo tuloy akong excited na makita siya. Tumigil bigla si Mommy sa isang napakalaking gate. "Dito na po ba Mommy?" tanong ko. "Yes Kreisha." Biglang bumukas ang napakalaking gate kasabay ng paglaglag ng panga ko. "Kreisha itikom mo nga yang bibig mo, baka mapasukan yan ng langaw, sige ka!" natatawang saway sa akin ni Mommy. Alam ko namang mayaman si Tito Fernand, pero hindi parin ako makapaniwalang ganito kalaki ang bahay niya, I mean ang mansyon niya. At titira kami dito? "Bumaba kana." saad ni Mommy. Luminga linga ako at natagpuan ng mga mata ko ang napakaganda nilang fountain. "Mamaya na iyan Kreisha, naghihintay na sila oh!" Napatingin naman ako sa dalawang tao na papunta sa direksiyon namin. Nakangiting kinawayan ako ni Tito kaya kinawayan ko rin ito pabalik. Napabaling naman ako ng tingin sa katabi niya. Naka suit ang isang lalake na mala adonis ang katawan, nakita ko din ang dalawang dimple nito dahil nakangiti ito sa akin. Napangiti ako ng makitang sa hitsura palang niya brother material na ito sa akin. "Hi honey!" Nagkayakapan ang dalawa at hinalikan pa sa pisngi ni Tito si Mommy. "I really really miss you." nakangiting saad ni Tito. "Sus, kakakita lang natin kahapon!" natatawang saad ni Mommy. "Ayaw mo nun? Araw-araw kitang nami-miss?" pambobola ni Tito. "Sus!" Binalingan naman ako ni Tito at nginitian. "At syempre namiss ko rin ang Kreisha ko!" nilapitan ako ni Tito at niyakap ng mahigpit. "Namiss din kita Tito!" masayang wika ko. Bumitiw ito sa pagkakayap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Iha mula ngayon tawagin mo na akong Daddy!" saad nito. Lumambot naman ang puso ko sa narinig kaya makailang ulit akong tumango, tumawa naman ito. "Sige po...Daddy." "Ayan!....sige halina kayo at may hinanda akong munting salo-salo, hayaan niyo muna ang mga gamit niyo't may kukuha at magdadala niyan." saad ni Tito at nilapitan si Mommy. Napakunot naman ang noo ko. Binalingan ko ang lalakeng kasama niya kanina, ng makita niyang nakatingin ako sakanya ay nginitian niya ako. "Ahhm Tit--! I mean Daddy....hindi niyo po ba ako ipapakilala sa anak niyo?" nahihiyang tanong ko kay Daddy. "Kreisha-iha may inaasikaso lang kasi si Ton-ton, kaya baka mamaya na iyon darating. Pagpasensyahan mo na." "E sino po siya? Akala ko po siya ang anak mo." napakamot ako sa ulo sa kahihiyan. Tumawa naman si Daddy pati ang lalakeng napagkamalan kong anak nito. "Siya ang butler ni Ton-ton, iha. Ito si Cali Mortezo." pagpapakilala nito. "Hi!" nahihiyang bati ko. Tumango lang ito at nginitian ako. Nakangusong sumunod naman ako kila Mommy dahil nadi-disappoint ako ngayon, akala ko kasi makikita ko na ang magiging kuya ko. Teka lang? Papayagan niya kaya akong tawagin siyang kuya? I hope so. "May I know your name Mam?" Napatingin naman ako sa gilid ko at ngumiti ng makita ko si Cali. "Ahm I'm Kreisha Sanchez." huminto ako at naglahad ng kamay sakanya. Tinanggap niya naman ang kamay ko. "And I'm Cali Mortezo Mam." magalang na saad nito. Napailing naman ako dito. "Naku! Huwag mo na akong tawaging Mam nakakahiya!" umiiling na saad ko. "But as a butler I should." saad nito. "No. Hindi naman kasi ako ang amo mo, kaya drop the formalities, atsaka pareho lang naman siguro tayo ng edad." nakangiting saad ko. "No. I'm one year older than you." "Paano mo nalaman?" nalilitong tanong ko. "Guess?" nakangiting sagot niya. "Wehh sige nga ano ang edad ko?" panghahamon ko. "18" Napamangha ako sakanya, dahil tama ang naging sagot niya. "So it's means 19 kana?" "Yes." nakangiting sagot nito. May itatanong pa sana ako ng tinawag na ako nila Mommy. Pagkarating ko sa napakataas na hapag kainan ay umupo na ako sa tabi ni Mommy. "Cali-iho join us." tawag ni Daddy sakanya. Napangiti naman ako ng umupo si Cali sa harap ko. Nagsimula na kaming kumain, dahil kanina pa ako gutom na gutom sa sasakyan ni Mommy, marami rami ang nakain ko. Pero hindi pa kami nangangalahati sa pagkain ay biglang may tinawag si Daddy. "Triton ang aga mo ata? Hala sige kumain ka muna." Nagsimulang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pangalan niya. Hindi naman sana. Biglang huminto ang paligid ko ng dahan dahan akong lumingon sa b****a ng kusina. At nakita ko ang lalakeng hindi ko inaasahang makikita dito. This can't be! Domuble ang kaba ko ng magkatagpo ang aming mga mata, kagaya kahapon hindi ko mawari kung anong klaseng titig ang binibigay niya sa akin. Para akong nawawala sa mga itim niyang mata. At nabilaukan ako ng biglang tumaas ang sulok ng labi niya. "Kreisha uminom ka ng tubig." nag aalalang saad sa akin ni Mommy. Kukunin ko na sana ang tubig sa gilid ko ng may nagbigay sa akin ng tubig sa harapan...si Triton. Dali dali ko itong kinuha at hindi sinadyang nahawakan ko ang kamay niya. Biglang may dumaloy na kung anong kuryente sa katawan ko mula sa kamay niya kaya nabitawan ko ang baso. s**t! "Sorry po!" paumanhin ko. "It's okay iha...Manang! Pakilinis naman dito!" saad ni Daddy. Napaangat naman ako ng tingin sa lalakeng mariing nakatingin sa akin ngayon. Umiwas naman ako ng tingin, nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo ito sa tabi ni Cali, kaharap ni Mommy. "Hi Tita!" bati ni Triton kay Mommy. "Hi din iho, pwede mo naman akong tawaging Mommy o nanay." suggest ni Mommy. Ngumiti ito. "No. I prefer calling you Tita." Napangiti naman ng mapait si Mommy, na parang bang nahihiya sa sinabi ni Triton, bigla ding naging awkward ang mood kaya binasag ito ni Daddy. "Ahm..by the way Triton, this is Kreisha Sanchez, you're future sister." pagpapakilala sa akin ni Daddy. Nagkatinginan naman kami at tumaas lamang ang sulok ng labi nito, hindi kagaya kanina na ngumiti ito kay Mommy. I felt disappointed but slight. "Hello Kreisha." ako lang ba? Pero parang kakaiba ang pagbigkas niya ng pangalan ko. "H-hello...." kuya. But I know better, umasa akong magkakaroon na ako ng kuya, meron nga, pero gumuho ito ng malamang ito ay si Triton Rivera. Ang lalakeng marami ng pinapaiyak at sinasaktan, paano siya magiging mabait na kuya sa akin kung nananakit ito? I should not hope so much next time, because in the end you'll get the less.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD