Kabanata 3

1203 Words
Dislike PAGKATAPOS naming kumain ng desserts ay pinakita na sa akin ni Daddy ang magiging kwarto ko. Sila Mommy at Daddy kasi iisa lang ang kwarto, tutal ikakasal na naman sila at malalaki na kaya wala na akong pakialam sa ganyang bagay. Mature na sila, kaya alam na nila ang tama at mali. Tumigil kaming tatlo ni Mommy sa isang pintuan, binuksan ito ni Daddy, pero hindi ako dito nakatingin kundi sa kakapasok lang na si Triton sa katabi kong kwarto. Napatulala naman ako saglit, dahil hanggang ngayon hindi parin matanggap ng sistema ko na magiging kapatid ko na talaga ang isang Triton Rivera. Bakit hindi ko naisip na mag ama ang dalawa dahil Rivera si Daddy Fernand? Napailing naman ako. "Ang tanga mo kasi Kreisha e!" naiinis na saad ko sa sarili. "Kreisha-iha hindi mo ba nagustuhan ang kwarto mo? Nakita ko kasing parang naiinis ka, pwede naman nating palitan ang pintur--!" Dali dali naman akong napailing sa sinabi nito. "Naku Daddy, may iniisip lang po kasi ako!" nahihiyang saad ko sabay kamot sa ulo. Bakit kasi hindi ko mapigilang ilabas ang sinasabi ng isip ko! Akala tuloy ng iba na baliw ako. Lalo na si James, parati niya akong nahuhuling nagsasalitang mag isa. He even said that I'm weird but cute. Ewan ko sakanya! Pumasok naman ako sa loob. At lahat ng iniisip ko kanina ay nabura nalang bigla ng makita ang napakagandang kwarto ko. Lahat ng kagamitan dito ay pinaghalong puti at violet na nagkataong paborito kong kulay. Ang higaan ko din ay Queen-sized bed, samantalang may sarili din akong walk in closet. Wow! Isa lang ang masasabi ko... "Prinsesa ba ako?" hindi mapigilang bulalas ko. Narinig ko namang tumawa si Daddy. "Yes, you are a princess here Kreisha." Napalingon ako kay Daddy at nakita ko itong nakangiting yumakap kay Mommy mula sa likuran. Lumapit ako dito at niyakap ng mahigpit ang dalawa. Nagtawanan naman kaming tatlo. For once I feel completed again. Pagkatapos ng munting kadramahan namin kanina ay hinayaan nila akong mapag isa sa bago kong kwarto. Nag enjoy naman akong punuin ang bago kong closet ng mga damit at syempre nilagay ko na sa tamang lalagyan ang mga gamit ko mula sa maleta. Naalala ko tuloy bigla ang kwarto ko sa bahay namin ni Mommy noon. Simple lang naman ang kwarto ko, hindi masyadong malaki hindi din naman masyadong maliit. Simple lang din ang aming buhay noong buhay pa si Daddy, he is a lawyer. Natataguyod niya kaming dalawa ni Mommy at lahat ng gusto ko binibigay niya talaga sa akin. Hindi nga niya hinahayaang pagtrabahuin si Mommy kahit nakagraduate naman ito. Napabuntong hininga ako ng matapos ko ang ginagawa kong pag aayos ng gamit. Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Jusko!" gulat na komento ko. Kinuha ko naman sa sling bag ko ang cellphone at napangiti ng makita ang caller ID. [James calling....] "Hello James!" masiglang bati ko sa kabilang linya. "Oh Kreisha, nandiyan na ba kayo sa bago niyong lilipatan? Ano mabait ba ang bago mong kapatid? Pinayagan ka ba niyang tawagin siyang kuya?" bungad ni James sa akin. Napakagat naman ako ng labi. Sasabihin ko ba sakanya? Si James kasi ay isang taong may galit sa mga kagaya ni Triton. Sabi niya ang babae ay dapat alagaan at mahalin, hindi pinapaiyak at papaasahin. Kaya ngayon nag dadalawang isip akong sabihin sakanya na ang magiging kuya ko ay ang kinaiinisan niya sa lahat. Paano nalang? "Ahm Oo nandito naman kami.." sana malimutan niya ang ibang tanong niya kanina. "So how's your brother?" tanong nito. "O-okay naman siya?" nag aalinlangan kong sagot. "Oh bakit nag aalinlangan ka? Hindi mo ba nagustuhan ang kapatid mo?" may bahid na pag aalalang tanong nito. "Hindi naman! E kasi James..." "Ano?" "Si Triton Rivera." nakapikit na saad ko. "Oh bakit nasali sa usapan natin yan?" Napabuga ako ng hangin. Kainis! Hindi ko alam kung bakit ganito kahirap ang pag amin ko kay James na kapatid ko na si Triton. "Siya, siya ang kapatid ko." Biglang tumahimik ang kabilang linya. "Hello James nandiyan ka pa?" "James?" "Don't joke around Kreisha, it's not funny!" seryosong saad ni James sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko. "James ganyan na ba kalaki ang galit mo sakanya at hindi mo matanggap na siya na ang magiging kapatid ko?" hindi ko na mapigilang mainis sakanya. "Hindi naman yan ang ibig kong sabihin Kreisha, ang akin lang ay yung pangarap mong magkaroon ng kuya." Napabuga ako ng hangin. "Mukhang ngayon hindi na yan importante, as long as masaya si Mommy susuportahan ko siya." Narinig kong nagbuntong hininga ito sa kabilang linya. "Basta Kreisha pag may ginawang hindi maganda ang lalaking iyon, sabihin mo lang sa akin a. Para maturuan ko ng leksyon!" Nawala ang inis ko bigla at napatawa sa sinabi niya. "Huwag na oy, baka hindi ka pa nakakasuntok sakanya ay nakabulagta ka na!" natatawang saad ko. "Ayan! Minamaliit mo ba ako?" "Hindi ba halata?" Nagtawanan naman kaming dalawa at nagkwentuhan pa saglit bago ko binaba ang linya. Napailing ako sa kabaliwan ni James. Kahit kailan hindi nauubusan ng kwento. "You seems fond of him." Napasigaw ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib habang dahan dahang lumingon. "T-triton." Nakasandal ito sa b****a ng pintuan at mariin na namang nakatingin sa akin. Nakaitim na sando ito at naka boxer shorts lang kaya napaiwas ako ng tingin. Feeling ko namumula ang mukha ko ngayon. Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalakeng less conservative ang suot. "Is that your boyfriend?" he mockingly asked. Napaangat naman ako ng tingin sakanya at dali daling umiling. "No. Kaibigan ko lang yun." sagot ko. Tumango tango naman ito at tumitingin tingin sa kwarto ko. Hindi ko matagalan ang tingin ko sakanya, lalo na't nakakailang ang suot niya ngayon. "May kailangan ka?" tanong ko. Binalingan naman ako ng mga itim niyang mata. Para akong nahipnotismo sa mga titig nito, ang ganda at napakaperpekto ng mga mata niya. Parang talagang pinag isipan masyado ang pagkaka-ukit nito. "Ang ganda ng mga mata mo.." wala sa sariling bulong ko sa sarili. Bumaba naman ang tingin ko sakanyang labi ng makitang tumaas ang sulok nito. s**t! Napahawak ako sa bibig ko ng maalala ang nakakahiyang sinabi kanina. "Anong sinabi mo?" pang aasar nito. "Ahh....w-wala wala, guni guni mo lang siguro yun!" palusot ko. "Baka nga." tumatango tangong sagot nito, may bakas ding ngiti sa mukha nito kaya alam kong narinig niya talaga ang sinabi ko kanina. "Ahm may k-kailangan ka?" binalik ko ang tanong ko kanina dahil hindi niya pa ito nasasagot. At syempre din, para mawala ang nakakahiyang sinabi ko kanina sa isip niya. Kahit konti manlang mabaling sa iba ang isip niya. "Nothing. I'm just checking my sister here, and by the way.." sumeryoso ang mukha nito. "Don't you ever plan call me kuya, I don't like it." Hindi na niya hinintay pa ang reaksiyon ko at umalis na. Pagkatapos niyang magsalita ay iniwan niya akong tulala, hindi niya ba ako gusto bilang kapatid? May sinabi ba ako kanina na hindi niya nagustuhan? Bakit ganoon nalang siya magsalita na parang bang ayaw na ayaw niya talaga akong maging kapatid. Did he dislike me that much?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD