RAMA POV
"ano ba h'wag ka ngang madikit dyan" reklamo ko kay rhen dahil sa panay ang hawak nito sa braso at panay din ang akbay nito sa akin
"Eh gusto ko lagi kitang katabi" nagpupumilit na wika ni rhen
"Wala ka sa katinuan mo" giit na sabi ko
Ngunit binalewala nya lang ang sinabi ko bagkos ay mas umakbay pa ito sa akin
"Chunli, wala ka bang magagawa para sa kondisyon nito" sukong pahayag ko kay chunli
"kaya ko lang ay kontrolin ang pagiisip nya para hindi ka nya ganyanin pero once na tanggalin ko ang pagkontrol sa kanya babalik parin ang paggaganyan nya sayo hindi ko naman pwede na kontrolin na lang sya habang buhay kaya hayaan mo na lang sya gagaling din iyan"
"Ang clingy nya, kinikilabutan ako sa ginagawa nya"
"Alam mo naman na wala sya sa katinuan nya, at hindi sya iyan"
"Bakit kasi hindi sya nagiingat"
"Wala tayong magagawa, sa ngayon wala naman syang balak na bitawan ka kaya sa bahay mo nalang sya muna"
"Do i have a choice nu?"
Wala na nga akong nagawa
"Isipin mo na lang na may kapatid kang panay ang pagpapacute sayo dahil may kailangan ito"
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko para mawala ang inis sa akin
"Tara na sa loob rhen, anong gusto mo?"
"Hug from you"
Tatlong salita lang iyon pero kinabahan na ako ng todo
Ako kasi yong tipo ng tao na hindi basta basta malalapitan, mahahawakan, ilag ako sa ibang tao kaya mahirap para sa akin kung ano ang nangyayari sa ngayon, alam kong wala nga sa katinuan si rhen pero para sa akin si rhen parin ito at hindi nga sila close nito at kung iisipin nya na kapatid nya itong si rhen mahihirapan din ako dahil lumaki ako na walang kapatid at maski magulang wala akong kinikilala
Pero wala akong magagawa, kung nasa katinuan naman si rhen ay hindi nya ito gagawin sa akin
Hinila hila ko ito paloob ng bahay, ang hirap naman nitong may nakakabit sayo
Itinulak ko ito sa isang silya, at napa-upo ito, at ganon na din ang pagsisisi ko dahil sa nasaktan ito
Ay hindi dapat ako magsisi deserve nya iyon naging pabaya sya eh
"Dyan ka lang may kukuhanin lang ako, makinig ka sana"
Pumasok ako sa healing room ko at lumapit sa isang wall shelves, kinuha ko ang isang gamot para sa pain, sugat at injury
Lumabas ako sa room at binalikan si rhen
Ngumiti ito nang makita nya ako na papalapit sa kanya
Kinilabutan ako bigla
" Inumin mo ito" iniabot ko sa kanya ang maliit na botelya
Kinuha nya ito at binuksan agad tiyaka ininom
Habang kasi nakadikit sya sa akin kanina ay nakikita ko at nafefeel ko ang sakit na iniinda nya dahil sa natamo nyang sugat at may mga pasa din ito
At bilang healer nakikita ko ang bawat sakit ng isang nilalang basta mahawakan ko siya
At sa mga gamot ko, bawat mahawakan kong halaman nalalaman ko kung para saan sya nagagamit at naigagamot
Kailangan ko muna sya painomin ng painkiller dahil kung aalisin ko na agad ang sugat nya na hindi pa sya umiinom ng painkiller makakaranas parin sya ng sakit kahit wala na ang sugat nya pero kung pasa lang iyon okey lang kahit hindi na uminom ng painkiller
"Ubos na"
Nang makainom na si rhen lumapit ako dito at hinaplos ko ang mga sugat nya at pati na din ang mga pasa nya
"Nakakarelax ang bawat haplos mo" nakapikit sya ng sabihin nya ang mga iyon
Hindi na ako sumagot dahil baka humaba pa ang usapan namin
...
"Kumain na muna tayo"
"ikaw ba ang nagluto?"
"Hindi"
"Hindi maganda na lagi kang bumibili"
"Hindi naman basta-basta lang ang binibili ko"
"Kung ako ang magluluto lalong hindi kaaya-aya na kainin ito"
Nang matapos na kaming kumain
"magpahinga ka na don pagkatapos mo" kinuha ko ang tubig atsaka ako uminom
"Kiss mo muna ako" at ngumuso pa sya
Bigla ko tuloy naibuga ang iniinom kong tubig at naglanding ito sa muka ng kaharap ko na si rhen
"Tamang tama gusto kong maligo"
"Sorry, ikaw kasi kung ano-ano pinagsasabi mo"
Agad itong umalis sa inuupuan nya at dumaretso sa banyo
Samantalang ako nilinis ko na ang kalat
Binabantayan ko ang dahon ng halaman na ngayon ay kumukulo na, sadyang pinapatagal ko ang pagkulo dito para mas maluto ito at lumabas lahat ng katas nito
Kaya ayaw ko din na gumamit ng portal dahil kumukuha ako ng mga dahon kapag nasa gubat
Napaidtad ako ng maramdaman kong may mga brasong yumakap sa beywang ko
"Bakit ang bango mo rama?" Kinilabutan ako sa manyak na ito
Oh panginoon pagalingin nyo na po ang taong ito, nawa siya'y bumalik na sa kanyang katinuan
"Bakit ba bigla-bigla ka na lang yumayakap?"
"Hindi ka din naman papayag kahit magpaalam pa ako sayo"
"Bakit kasi sa dami ng pwede mong yakapin,bakit ako pa? Pwede naman si chunli, alam mo payag na payag yon"
"Ikaw gusto ko eh"
"Sorry, hindi tayo pareho"
"Ang kailangan ko lamang ay ang mayakap ka at mahagkan"
Patulogin ko na kaya habang buhay tong isang ito, tatanggapin ko na ang kahit na anong kaparusahan ng konseho kung sakali man na mapatay ko ito
"Pwede ba bumitaw ka muna may ginagawa ako"
Niluwagan nya ang pagkakayakap, parang tatanggalin na nya ito, mabuti naman, yun pala akala ko lang dahil hinigpitan pa nya ang pagyakap sa akin, may lahi ba itong ahas kong makalingkis sa akin wagas
"Ayaw ko nga, pwede mo naman gawin yan kahit nakayakap ako nu"
"You know what, hindi ako komportableng may nakayakap sa akin"
"Masasanay ka din"
"Hay naku"
Pinatay ko na ang apoy, marahas kong inalis ang kamay ni rhen at naglakad palabas ng silid
Sumunod lang sya sa akin hanggang sa sala
"Pwede ba akong sa tabi mo matulog, promise wala akong gagawing masama"
"Okey, siguraduhin mo lang ha, patay ka sakin" pagbabanta ko sa kanya
Tumango lang ito sa akin
Pumasok na ako sa kwarto ko, at inayos ang higaan, kumuha ako ng ilang mga unan at inilagay ang iba dito sa pagitan namin
"Bakit may pagitan dyan?" Nagtatakang tanong ni rhen mula sa aking may gilid
"Bawal ba? Kwarto ko ito kaya gagawin ko ang gusto ko"
"Hmm last request ko, pwede ba i-goodnight kiss mo ako?" Mas lamang yong command kesa sa request
"Bakit ba puro nalang kamanyakan ang gusto mo?"
"Please kiss mo na ako sa pisnge"
Nagpacute pa sya sa akin, sorry pero wala yang epekto sa akin
"No!"
"Last na talaga"
"Okey fine"
Agad naman syang lumapit sa akin, napaka-excited naman nya, hindi halata ah
Inilapit nya sa akin ang kanyang pisnge at ini-aro pa ito
No choice na talaga ako, grabe na din ang aking kaba dahil first time kong hahalik
Dahan-dahan kong inilapit ang muka ko sa kanya, hindi na normal ang aking paghinga kailangan kong kalmahan ang aking sarili
Inisip ko na dapat hindi ako makakitaan ng kahinaan
Nang malapit na malapit na ang labi ko sa pisnge nito ay
Hindi ko ina-asahan ang ginawa ni rhen, bigla nyang iniharap ang muka sa akin kaya ang ending sa labi nya dumampi ang labi ko
"Good night rama" at mabilis pa sa alas cuatro na humiga sya sa higaan at nagtago sa kumot
Siningkitan ko ito ng mata at kinamot ko ang ulo ko at ginulo dahil sa sobrang galit, inisahan nya ako, wala syang isang salita
"I hate you so much Rhen" may galit ang bawat salita na binigkas ko
Lumapit ako dito at inalis ang pagkakatabon ng kumot
Ngunit tulog na agad ito, baka niloloko lang ako nito, niyugyog ko ito at kinurot-kurot pa pero wala na ngang mga epekto, ang bilis naman nya matulog
Bweset ka rhen kinuha mo first kiss ko
Humanda ka sa akin kapag gumaling kana
Good bye my first kiss
Hindi pwede kailangan kung sumunod sa tradisyon bwesit ka talaga rhen
*****