Madaling araw pa lamang ng kami ay gumising, nag handa ng mga gagamitin namin pati ang pagsuot ng mga proteksyon sa katawan namin
"Suotin mo ito para hindi ka ma-apektuhan mamaya" ibinigay sa aking ni chun liang ang isang mask
Para siguro hindi kami makasama sa makocontrol nya mamaya kung sakali man nyang gamitin ang powers nya.
"Sige, salamat"
Isinuot ko ang mask na bigay ni chun liang
Kinuha ko na din ang espada na gagamitin ko sa ibabaw ng lamesa
"Tara na"
Nauna na maglakad si De kaa, hindi ko na sya tinatawag na master kasi ayaw nya na tinatawag syang ganon, baka gulpihin pa ako kapag pinilit ko
Naglakad na din ako kasunod ni de kaa, syempre kung mauuna ako hindi ko naman alam ang daan, kung mahuhuli ako baka may biglang umataki sa likod ko eh hindi pa naman ako sanay sa mga ganon, duwag pa ako nu
Ito na nga wala ng atrasan to, mararanasan ko na din ang maging character sa isang game na dati ko lang nilalaro, ngayon sino kaya ang hudas na gumagamit sa akin bilang character nila, sinasabi ko matatalo sila, bwuahahaha
"Oy, mind on colonus lumilipad na ang utak mo, Oh" may inabot si rama sa akin na isang botelya, at saka sya lumampas ng lakad sa akin
"Para saan ito?" habol ko dito
"Ipangligo mo" mataray nyang sagot
"Naman eh"
"Pinainom kita nyan kahapon tapos nakalimutan mo na agad kung para saan"
"Sorry hindi ko kasi alam kung anong kulay ng tubig" iba kasi ang kulay ng bote kaya magiiba ang kulay ng nasa loob
"Alam mo na naman na pampawala yan ng sakit ng katawan"
"Oo, salamat dito" sumabay lang ako ng lakad sa kanya
Ilang oras ang ginugol namin para maglakad, nasa parting madami at ibat ibang mga puno na ang nakikita ko
"Maghanda na kayo may nasesense ako na malapit dito" wika sa amin ni de kaa
Hinigpitan ko na ang hawak sa hawakan ng espada na dala ko
Sa pagpasok namin sa isang masukal na damuhan doon ko nakita ang apat na nilalang, muka nila ay parang baboy ngunit ang katawan nito at parang sa kuneho mas malaki nga lang sa isang normal na kuneho, ang kulay naman nito ay brown at ang napansin ko dito ay nagbubuga ito ng itim na usok
"Iwasan mo ang itim na usok nila na dumampi sa kahit anong parte ng katawan mo dahil may mangyayari sa katawan mo" sabi ni chun liang na nakapwesto sa tabi ko
I know dahil nga nasa nilalaro ko din ang nilalang na ito
Nang mapansin na kami ng mga pegny naghiwalay hiwalay sila
Hindi sila pwede lapitan ng mas malapit dahil nga nagbubuga sila ng usok
Isa isa kaming nilapitan ng mga pegny, itinutok ko ang espada ko sa peppa pig na ito, tumigil ito sa harap ko at yung paa nya ay kinakaykay nya muna sa lupa nang
Sumugod na sya sa akin kaya ang espada ko ay naihampas ko sa kanya ngunit tumalbog lang ito paitaas
At naalarma ako ng sa akin lalanding ang peppa pig na umaataki sa akin
Pagpatak nya sa may paa ko ay agad din itong umusok, s**t paano na ito patay ako
Dahil sa taranta ko naitusok ko sa ulo ng pegny ang aking espada at wala pang 5 seconds ng nawala na ito at may naiwan na lang na silver coin sa may paa ko, nilimot ko ito at ibinigay kay de kaa
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni de kaa sa akin
"Nabugahan ako ng usok nila" mahina kong wika
"What!" Gulat naman na react ni rama ng marinig nya ako
"Sorry!"
"Mag-ingat ka kasi" may galit na tuno sa boses nito
"Sorry!" Napatungo na lang ako
"Kahit si rama hindi magagamot ang mangyayari sayo, sa pagkakaalam ko walang lunas doon para hindi na umepekto pero hindi naman iyon magtagagal ng 2 araw kung may gusto kang gawin na magagawa mo agad" paliwanag ni chun liang
"Sorry! Naging problema pa ako"
"Okey lang iyon, ang gawin natin bilisan na natin habang hindi pa umeepekto ang virus sa katawan ni rhen, Matagal pa naman bago umepekto ang virus kaya maaaring maghanap pa tayo ng monster"
Kinuha ko ang botelya na ibinigay sa akin ni rama, ininom ko ang laman nito kahit sinabi pa na wala itong bisa uminom pa din ako, nagbabakasakali lang naman
"Okey tara na"
Nagulat ako sa ginawa ni de kaa, sobrang bilis nya na pinuntahan ang ibat ibang area kaya pati yong mga halaman sa paligid ay mga humahawi na sa bilis ni de kaa
"Yon ba ang powers ni de kaa" tanong ko kay chun liang
"May kakayahan syang kumilos ng napakabilis kaya mas bagay sa powers nya ang marunong sa martial arts, at may kakayahan din syang makaramdam sa paligid"
"Wow" ang cool ng powers nya
"Sa banda doon may mga monster" nasa harap na namin agad si de kaa
"Mas malaki ba?" Tanong ni rama kay de kaa
"The biggest one"
Napatango naman si rama sa sinabi ni de kaa at bumaling ito ng tingin sa akin
"Doblehin mo na ang pagiingat mo mas pinakamahirap ang monster na ito, wag ka naman sanang magpabigat sa amin"
"Hey, ang harsh mo sa kanya rama" saway ni chun liang
"Its okey, alam ko naman kung ano ang pinopoint nya"
Tinakbo na namin kung nasaan ang location nung monster
Nang marating na namin ang location ng monster na iha-hunting namin,
Isa itong dambuhalang octopus, hindi na ako magtataka kung bakit nabubuhay ito sa gitna ng kagubatan sa halip na dapat nasa dagat ito
Malikot ang mga galamay nito at ang bawat butas sa mga galamay nito ay mayroong mga mata
"Naka encounter na ba kayo ng ganito dati?"
"Oo, para madali syang mapatay dapat sa batok na bahagi dahil kung ang mga galamay ang puputulin mo tutubo pa din ito, ngunit hindi iyon madali dahil ang bawat galaw mo ay makikita nya"
"So, dapat mas maliksi ka sa mga galaw mo?" napapansin ko din kasi na malikot nga ang mga galamay nito pero hindi ganoong mabilis ang galaw nito.
"Parang ganon na nga"
Inumpisahan na naming atakihin si octos, pangalan ng higanteng octopus.
Siguraduhin mo lang na huwag kang mahuli ng mga galamay nito dahil maaari kang mamatay kapag nalingkis ka nito
Agad na nagpakawala ng pana si rama ngunit sa galamay lang ito tumama
Patuloy lang kami sa pag ataki, napapagod na din ako dahil sa hanggang sa mga galamay lang ang abot ko, mataas kasi ang batok nito
Habang kami ay busy sa pag atake ay napatakip na lang ako sa aking tainga, napatingin ako sa mga kasamahan ko at ganon don sila
Isang malakas na tinis ang aking naririnig, nakakasakit ito sa tainga
May apat na tao na dumating sa area namin dalawang babae at dalawa ding lalaki
Isa sa kanila ang dahilan ng matinis na hiyaw, habang kami ay nasa ganong state ay inaatake din ng iba pang tao ang octopus, hindi maaari sa amin si octos
Mayamaya pa ay nawala na ang matinis na ingay at ang umaatake kay octos kundi nasa tabi na ito habang itinatali ang kanilang sarili
At si chun liang pala ang may gawa non, hwag kasi nilang gagalitin ito, natikman tuloy nila ang powers ng aming mind controller
"Hay naku, Lithea sana hindi ka nalang nag-ingay, nakakainis ang pangit ng boses mo" natalim pa ang tingin na ibinibigay ni chun liang sa apat
"Rama pwede bang panahin mo na sila"
Nagulat naman ako sa sinabi ni chun liang
"Huwag na, itong si octos nalang patayin natin sayang ang oras" pagtutol ni rama sa gusto ipagawa ni chun liang
Tumingin sa akin si chun liang kaya umiling ako sa kanya na ang ibig sabihin ay hwag ng ituloy
At bumuntong hininga na lang ito
"Mabuti nalang mabait itong kaibigan namin, ang swerte nyo"
Umatake na ulit kami kay octos, mabilis kong pinuputol parin ang mga galamay nito hanggang sa lumusot ako sa ilalim nito, napansin ko ang malaking mata nito sa ilalim, ano kaya ang mangyayari kung tutusukin ko ito at hindi na ako nagdalawang isip na tinusok ko ng espada ang ilalim nito pagkatapos ay mabilis na lumabas, naglabasan ang itim nitong tinta, pilit kong iniwasan ang mga tinta nito baka kasi may mangyari sa akin kapag nadikitan ako nito
Bumagsak ang octopus pero hindi pa ito patay, dahil mababa na ito mas mapapadali ang pagpaslang namin dito
Kami ni chun liang ang bahalang pumutol ng mga galamay at sina de kaa at rama naman ang bahala sa batok ng octopus
Habang hindi pa muli tumutubo ang galamay ng octopus
"Rama, de kaa ngayon na" sigaw ni chun liang
At sabay na tinusok at pinana nina rama at de kaa ang batok nito
Napaupo na din ako nang makita kong unti-unting bumabagsak ang octopus at naguumpisa na din itong malusaw
Isang malaki at madaming diamond ang naiwan dito, kinuha ni de kaa ang ito at lumapit sya sa akin
"Para sa iyo dahil sa katapangan at galing na ipinamalas mo" nagulat ako sa ginawa nya
"Bakit? Tamang taga support lang ako"
"Sino ang buwis buhay na lumusot sa ilalim ng octopus na iyon, hindi ba't ikaw"
"Salamat" kinuha ko ito, dahil apat na piraso ito, isa-isa kong pinagbibigay sa kanila ang tigiisang diamond
"Hindi lang ako ang nagbubuwis buhay dito pati na din kayo, tulong-tulong tayo kaya hindi dapat sa akin lang ang premyo"
"Isa ka talagang mabuting nilalang" wika ni de kaa
"Kaya hindi kami nagkamali ni de kaa na ikaw ay aming pinili, hindi ba Rama? Tama kami?"
Tumingin ako kay chun liang tapos kay rama, bakit kailangan pang ikonpirma kay rama
"Salamat sa inyo" nakangiti ako ng sinabi ang mga katagang iyon
Aray
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko
"Rhen, ayos ka lang ba?" Tanong ni Rama
"Kumikirot ang ulo ko" napahawak na din ako sa ulo ko
"Nagsisimula nang umepekto ang virus kay rhen"
Ito na ba yong epekto ng itim na usok ng pegny
"Umuwi na agad tayo" wika ni rama
Gamit ang arrow ng pana nya gumuhit sya ng isang linya, mayamaya pa ay naliwanag ang linya na ginuhit nito at lumitaw sa kabila ang bahay namin
Wow ibig sabihin hindi lang sya healer kundi kaya nya din gumawa ng portal para madali kaming makapunta sa isang lugar
"Dalian na natin"
Lumiban sa kabila si rama, sumunod na din kami nang makaliban na kami sa linya ay nawala nalang bigla ang liwanag napatakip pa ako ng mata dahil sa nakakasilaw ito
Sa pagmulat ko nasa harapan na kami ng bahay namin
Bakit ngayon nya lang ginawa iyon dapat ginawa na nya iyon dati pa para hindi na kami maglakad ng malayo
"Naglakad pa tayo kanina at yong dati pa, eh mayroon ka palang ganyang powers, pinahirapan mo pa kami"
"May limit lang ang paggamit ko non, isang beses lang sa isang araw iyon nagiging active"
"Ganon ba, pero pwede ka bang makapunta sa ibang mundo?"
"Hindi ko magagawa iyon, tanging ang isang dimensional traveller lang ang may kakayahan ngunit sa kasamaan patay na ito"
"Ah" napaupo ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko
Biglang na blangko ang isip ko
Sa pagmulat ko
Bakit sobrang ganda ng babaeng kaharap ko ngayon, parang gusto ko syang hawakan, yakapin at hagkan parang mababaliw ako kapag hindi ko ginawa