"Aa" hindi ko nasangga ang espada ni chun liang kaya sa akin braso ito tumama, mabilis na umagos ang dugo ko sa braso kong natamaan, nararamdaman ko na din ang kirot nito
Agad na binitawan ni chun liang ang hawak nyang espada at lumapit sa akin
"Oh my gosh, im so sorry!" Lubos ang pag aalala sa akin ni chun liang
"Okey lang ako, malayo ito sa bituka" kahit na masakit ay hindi ko pinakita kay chun liang para hindi ito magalala
"Hindi ko ini-expect na hindi mo masasangga, magaling kana eh"
"Hindi pa naman"
"Tara kay rama, siya ang may gamot dyan"
Sumama ako kay chun liang baka din kasi ma-infection ito kung hindi gagamutin
Habang kami ay naglalakad bilang nagsalita si chun liang
"Totoo nga ang sinabi ni de kaa na mabilis kang matuto"
"Hindi ba't kailangan ko matuto agad" ewan ko ba kung bakit nga ganon ang nangyayari, mahirap sya aralin pero ang bilis kong natutunan, hindi naman ako into sports tanging cellphone, computer, at camera lang ang buhay ko
"Oo nga pero hindi ko expected na ganon kabilis"
Pumasok na si chun liang sa bahay ni rama pero ako ay nagpaiwan sa labas
Nang maramdaman ni chun liang ang pagtigil ko, tumigil ito at lumingon sa akin
"Bakit ka tumigil?, tara na"
"Basta-basta na lang ba tayo papasok sa bahay ni rama ng walang pahintulot niya?" Trespassing itong gagawin namin eh
"Hindi na kailangan, sa ngayon alam na nya na may bisita na sya, kahit sino sa amin automatic na mararamdaman namin na may pumasok sa mga bahay namin"
"Pero kahit na dapat may permisyon pa din"
"Okey sige"
Humarap sya muli sa loob
"RAMA PAPASOK NA KAMI HUH" sumigaw sya at yong boses nya ay nag echo sa buong silid
"Ano ang kailangan nyo?" Narinig ko ang boses na iyon na nagmumula sa may gilid ni chun liang
Napatingin ako dito
"Nasugatan si Rhen sa may braso nya, natamaan sya ng espada ko, at malaki ang pagkakahiwa dito"
Pagkasabi non ni chun liang ay tumingin sa dumudugo kong sugat si Rama
"Pumasok kayo dito"
Lumakad ito, kaya sumunod kami sa kanya
Pumasok sya sa isang silid kaya pumasok din kami
"Umupo ka dyan" tumingin ako kay rama baka kasi hindi ako ang sinasabihan nito pero busy na ito sa pagkutingting ng mga gamit nya
"Tatayo ka lang ba dyan?" Mataray nitong saad
Tumalima na agad ako sa pagupo sa nakita kong upuan
Sungit naman nito, Ganda sana masungit lang, naalala ko din bigla yong na unang babae na nakita ko dito sa colonus
Bakit yong mga nakikita kong maganda masusungit
Maganda din naman ako ah, pero hindi ako masungit
"Inomin mo ito para mawala ang p*******t ng sugat mo" nakalapit na pala sa akin si rama dala ang isang basong may laman na kulay ihi ng tao, hindi ko agad kinuha ang baso
"Ako pa ba ang magpapainom sa iyo? Kuhanin mo na nangangalay na ako"
"Wait lang, alam kong gamot yan pero bakit parang ihi ng tao yan?"
"Whahaha" hindi na pigilan ni chun liang ang pagtawa nya
"Sinong may sabi na ihi ito ng tao?" Nakakunot na nakatingin sa akin si Rama
"Para lang kasi" kinuha ko ang hawak nyang baso, nahawakan ko pa nga yung daliri nya, medyo maliit din kasi ang baso
Dahan-dahan kong ininom ang laman nito walang lasa sa una pero may after taste ito na mapait
Pagkatapos kong mainom ay binalik ko sa kanya ang baso, kinuha nya rin ang baso at tumalikod na pero humarap muli sa akin
"Hindi sya ihi ng tao pero ihi ito ng kalabaw" tumalikod muli sya at naglakad sa isang lamesa
Napalaki ang mata ko sa sinabi at parang anytime masusuka ako dahil sa sinabi nya
Seryuso pa naman ang mukha nya
"Whahaha" malakas na tawa na naman ang pinakawalan ni chun liang, ang saya mo girl "Nakakatawa itsura mo Rhen, kung nakikita mo lang muka mo matatawa ka din"
"Seryuso ba yon? kadiri naman" mas gugustuhin ko pang sumakit ang braso ko kesa sa uminom ng ihi, very yucky, masusuka na talaga ako
Bumalik si Rama papunta sa akin
"Akin na ang braso mo"
Inilahad ko naman sa kanya ang braso ko
"Mula sa pinakulong ugat ng halaman ang ininom mo kanina, kung ano-ano kasing inisip mo pasabi sabi kapang ihi ng tao dyan, sa susunod manahimik ka na lang "
"Hay buti na lang akala ko talaga"
Hinawakan nya ang braso ko at nakaramdam ako na parang nagrelax ang katawan ko
Napatingin ako sa muka nya, grabe mas gumanda sya sa malapitan, kung ngingiti lang ito may mas igaganda pa ito
Naramdaman ko din ang mga palad nya sa sugat ko kaya dito ko ibinaling ang aking tingin
Pinakiramdaman ko ang braso kong may sugat, para itong humihigpit
Mayamaya pa ay inalis na nya ang palad nya sa braso ko at may kinuha syang basang towel sa tabi ko, teka saan galing yong towel parang hindi ko napansin na may dala sya kanina
Ipinunas nya sa braso kong may sugat ang basang towel, pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya
Nagulat ako sa nakikita ko, what the heck
"Wow, ang galing" napangiti ako habang nakatingin sa braso ko na ngayon ay hilom na kahit peklat walang marka dito
"Thank you" nakangiti pa din ako na tumingin kay rama
"Okey, tama na yang pagkatuwa mo"
"Healer ang power mo?"
Hindi nya sinagot ang tanong ko bagkos ay umalis ito sa harapan ko, sinundan ko ng tingin ito hanggang sa makalabas ito ng silid
At kay chun liang naman ako napatingin
"Tama ka isa syang healer, bukod pa don hindi din sya agad-agad nasusugatan"
"Para na rin pala syang immortal non"
"Hindi pa din, masusugatan at masusugatan pa din sya"
"Napahanga ako sa kakayahan nya"
"Kaya nga ang swerte ko at siya ang nakasama ko"
"Alam mo ikinuwento mo powers ni Rama pero yong sa iyo hindi mo nai-share"
"Wala ka bang napapansin?"
"Bukod sa mahalimuyak mong pabango at sa paggamit mo ng espada, wala na eh"
"Yon na nga ang powers ko"
"Anong nagagawa nito?"
"My power is, once na maamoy mo ang halimuyak ko, i can control you, at kahit anong gusto ko ipagawa sayo gagawin mo kahit na ayaw mo"
At ito na nga ang kinatatakutan ko dahil sa naamoy ko ang amoy nya
Bigla nalang akong tumayo at lumakad sa harap ni chun liang, lumapit pa ako sa kanya at yumuko sa kanya dahil nakaupo pa din ito, nakatingala sya sa akin at nakayuko ako sa kanya
Dahil malapit ang muka ko sa kanya ay madali nya lang napisil ang aking pisnge
Ouch, my gosh my beautiful face
Pagkatapos nyang pisilin ang pisnge ko, tumayo ako ng tuwid at paurong ang naging paghakbang ko
At kahit walang tugtug ay sumayaw ako, dumipa ako parang alon na ginalaw ko ito, pagkatapos ang katawan ko ginalaw ko pinag alon-alon ko din ito pataas at pababa
Nakakainis lang kailan pa ako sumayaw ng walang tugtug, at hindi ako ang may gawa ng lahat ng pinaggagawa ko,
Nasa ilalim ako ng powers ni chun liang, gaga pala ito kung mang-trip
"Hahaha"
Tawa sya ng tawa matapos nya akong pagtripan, ngayon ay wala na ako sa powers nya
"Pangit mo maging kaibigan, baka kapag nagalit ka sa kaibigan mo bigla mo nalang icontrol ito tapos ang ipapagawa mo sa kanya ay kitilin ang sarili nyang buhay"
"Hindi mangyayari yon, alam ng konseho ang bawat galaw namin, kaya delikado din ako"
"Eh pwede mo naman gawin sa hunting area"
"Kahit pa"
"Okey safe ka din pala kahit paano"
"Tara na, magpahinga ka na din dahil bukas kasama ka na sa paghuhunt namin" bakit parang bigla akong natakot, isasama nila ako sa paghuhunting nila
May part sa akin na naeexcite ako dahil gusto ko maexperience ang paghuhunting pero may part din sa akin na natatakot ako