PART 4

1624 Words
Kanina pa kami naglalakad pauwi ng kanilang tinitirahan, nasa unahan si archer girl, sumunod dito si cutie girl at magkasabay kami ni kuya Sumama na nga ako sa kanila, wala naman akong nafefeel na may gagawin silang masama sa akin, at kung papatayin nila ako tatanggapin ko na lang na dito ako namatay at nabigo akong bumalik sa real world Gaano ba kalayo ang tinitirahan nila "Hey! Anong pangalan mo?" Agaw pansin sakin ni kuya "Rhenziel pero pwede nyo rin itawag sa ay rhen" "Ganda naman ng name mo" "Thanks to my parents" "Ako pala si De Kaa" "Unique naman ng name sound DI KA crush ng crush mo" At tiningnan nya lang ako ng parang 'Seryoso Ka' "At yan si chun liang" turo ni De Kaa kay cutie girl "Hi" lumingon sa akin si chun liang at kumaway ito, at sa kanya ko naaamoy ang mabangong halimuyak, ano kayang gamit nitong cologne "At siya naman si Rama" at turo nya kay archer girl, patuloy lang siya sa paglalakad "Kakaiba talaga mga pangalan nyo" "Bawat pangalan may kahulugan at kung ano ang pangalan namin ay sya naming pagkatao" Sana all may kahulugan ang name sa akin kasi maganda lang sa pandinig, pero kahit na walang meaning ang name ko masaya na ako sa binigay nina mama "Pagdating natin sa bahayan ay ipapaalam ko sa iyo ang mga dapat mong malaman para naman aware ka" "Matagal na ba kayo dito?" Nacurious lang ako "Dito na kami isinilang" nagulat ako sa nalaman ko, akala ko katulad ko din sila na napadpad dito gawa sa panaginip —— "Nandito na tayo" Pinagmasdan ko ang paligid ko, at nakita ko na para itong village, at napansin ko sa bawat isang malawak na bakuran ay may 4 na bahay na nakatayo sa loob nito, na gawa sa pinagpatong-patong na bricks. Malalayo ang agwat ng isang bakuran sa isa pang bakuran. Parang galit galit ang tao dito. Pumasok kami sa gate ng isa sa mga bakuran na nandito. Marahil ay ito na ang kanilang pag-aaring bahay. Sementunado na ang nilalakaran namin. May mga batong nakabaon sa semento sinadya ito para maging design. Sa paligid ay may mga puno ng fine tree at may nakatanim din na puno ng niyog pero hindi yong niyog, mukang niyog kasi. Kapansin-pansin din ang upuan at table na gawa sa semento. "Maupo ka" pinaupo ako ni de kaa sa upuang bato. Umalis muna si de kaa sa harap namin ni chun liang at pumasok sa isa sa mga bahay. Hinubad ko muna ang mga dala kong bag at inilagay sa kanan kong tabi Umupo naman si chun liang sa tabi ko at naaamoy ko nanaman ang pabango nya, ang sarap nya siguro kasama feeling ko nasa gitna ako ng mga bulaklak May hinanap ang tingin ko, ngunit wala ito sa paligid siguro ay pumasok na sya sa isa sa mga bahay "Dito ang tirahan namin, yun ang bahay ni de kaa" turo nya sa unang bahay "Sa akin naman yong sunod at kay rama naman ang pangatlo, at ikaw pwede ka muna tumira sa pang-apat na bahay" nagulat pa ako sa panghuli nyang sinabi "Napag-usapan na namin ito dati na pwede namin ipagamit sa aming bagong makasama" "Bakit ang bilis nyo naman akong pagkatiwalaan, hindi ba kayo natatakot?" "Masama kabang nilalang?" "Hindi" "Yon naman pala eh, hindi ka naman mukang nakakatakot, tiyaka may tiwala kami sa sarili namin na kaya namin ipagtanggol ang sarili namin" "Pinili ka namin dahil nararamdaman namin na special ka at ikaw ang bubuo sa team namin" natuwa ako sa sinabi nya "Mag meryenda muna kayo" ipinatong ni de kaa ang isang supot na may lamang tinapay, tapos ipinatong nya na din sa table ang dala nyang tubig "Salamat" Kumuha ako ng tubig at uminom, kumuha na din ako ng tinapay Pakapalan na ng muka pero gutom na ako "Hindi ka mula sa mundo namin at muka kang nalilito sa mga nangyayari sayo, Pwede ko bang malaman kung saan ka nagmula at ano yung napansin mo nung una mong punta dito" "Sa Earth at bansang pilipinas ako nagmula, unfamiliar Creepy creatures, at yung apat na tao na una kong nakita dito, muka silang may powers, yung isa kasi ay may kakayahang mag teleport" "Colonus ang tawag sa lugar na ito" familiar ako sa lugar na sinabi nya, lugar iyon sa isa kung nilalaro na Clash of Colonian "Yong apat na tao ba na tinutukoy mo ay 3 lalaki at 1 babae" "Oo" "Marahil ay ang black squad ang tinutukoy mo dahil isang tao lang ang kilala kong may kakayahang mag teleport at kasapi ito ng black squad?" "So totoo na may powers ang mga nandito?" "Oo" nasagot na ang isang tanong na gusto kong masagot "Wow, anong powers nyo?" Excited akong malaman ang mga powers nila "Malalaman mo yan sa mga susunod na mga araw, sa ngayon ay yung mas kailangan mong malaman kung paano mamuhay dito" ano ba yan gusto ko pa naman malaman, pasuspense pa sya "Okey, kung yun ang kailangan" "Para mabuhay kailangan naming pumatay -" pinutol ko ang sasabihin nya, nagulat ako sa sinabi nya "ANO!, Masama yon!" Ayukong pumatay no, hindi ko gusto yon "Sadali nga lang, mali ang nasa isip mo, hunters kami dito, mga monster ang pinapatay namin tulad nong nakita mo sa gubat kapag nakapatay ka ng monster magiging isang silver, gold or diamond depende sa lakas na mapapatay mo, at yung makukuha namin sa paghuhunt ang ginagamit namin para sa pambili ng mga gusto namin" isang bagay lang ngayon ang tumatakbo sa isip ko "Yung bang pinakamalakas na monster ay hindi nyo kayang patayin na magisa lang?" "Tama" "At pwede nyong agawin ang monster na pinapatay palang ng ibang hunter para mapasainyo ang premyo at pwede nyo ding patayin ang ibang hunters, tama ba?" "Tama, pwede mo patayin kung nasa hunters area lang kayo, pero kung susuko agad kayo at ipapaubaya na sa ibang hunter ang monster hindi na kayo papatayin, mahigpit na utos iyon ng konseho dito, kapag nilabag mo iyon kamatayan ang kaparusahan mo, bakit parang alam mo ang bagay na yon?" "s**t" paano nangyari yon, bakit halos same sa nilalaro kong Clash of Colonian, don't tell me, nasa laro ako ngayon at hindi ito isang panaginip, napahilamos nalang ako sa muka ng marealized ko Tiningnan ko muli ang paligid ko at ngayon ko lang din narealize na pareho ang mga bahayan dito at sa laro ngunit dito natitirahan ang mga bahay pero sa laro ay hindi dahil kasama lang iyon sa design ng laro "Kapag ba pinatay kayo, nabubuhay ba muli kayo?" Muli kong tanong "Hindi na, hindi kami immortal" "Nakapasok ako sa game" " anong ibig mong sabihin?" "Nasa game tayo! Yung way nyo ng pamumuhay dito, yung pagpatay nyo ng monster tapos may makukuha kayo! Pareho sa laro na nilalaro ko sa mobile phone" "Nalilito ka lang sa mga nangyayari, impossible yang sinasabi mo" "Totoo yon" "Ihahatid na kita sa magiging bahay mo para maayos mo na din ang mga gamit mo" "Maniwala kayo nasa game tayo!" "Okey, nasa game man tayo o wala, kailangan mo pa din matuto maghunting, ipagtanggol ang sarili mo o kahit ang taong mahalaga sayo dahil nandito ka sa mundo namin, kailangan mo makasurvive para makauwi ka na din sa sarili mong mundo" Sabagay wala naman akong magagawa hindi ko alam kung paano makakalabas dito o makakalabas pa ba kaya ako? Kung nasa laro ako sige lalaruin ko ito at sisiguraduhin kong mananalo ako "Sige, turuan nyo ako, tulungan nyo ako ng matulungan ko din kayo" "Tutulungan ka talaga namin, sige na tara na magpahinga ka na muna" Tumayo na kami tapos kinuha ko na din ang mga bag ko at isinakbit sa katawan ko Sinamahan ako nina chun liang at de kaa sa titirahan ko Wala lang stock na pagkain dito pero almost kumpleto na ang mga gamit dito May nakatira daw dati dito kasama din nila ngunit napatay na ito nung naghunting sila Malinis ang bahay na ito dahil sa nililinis nila, pinapanatili nilang malinis ito, at dahil daw nandito na ako, nirequest nila na ako na daw ang maglinis at magasikaso dito +++ 3rd Person POV Magkakaharap na nakaupo ang tatlong tao dahil sa may kailangan silang pagusapan "Hindi ko maintindihan kung ano ang nakita nyo sa kanya kung bakit desidedo kayo na sya ang isinali sa grupo" "Nararamdaman ko na malaki syang tulong sa atin" "Hindi lahat ng nararamdaman ay tama" masungit nitong wika sa kausap "special sya" "Anong special don?" Mapataas ang isa nyang kilay sa sinabi naman ng isa pa nya kausap "May special power" "Paano sya magkakaroon ng powers kung hindi nga sya nagmula dito?" May kasungitan pa din sa pagsasalita nya "Paano sya makakapunta dito kung wala syang powers, kung wala syang kakayahan, she is special!" Hindi sya nakapagsalita sa sinabi ng kausap "Tuturuan ko sya sa abot ng aking makakaya kaya pumayag kana" seryosong turan ng isa pa nyang kausap "Siguraduhin nyo lang na hanggang sa huli sa atin sya sasama pero hindi ibig sabihin na gusto ko sya sa grupo pumayag lang ako dahil gusto nyo sya, dahil iba parin ang kutob ko" sumuko na sya sa pangungumbinsi nang dalawa nyang kausap "Makakaasa ka, sayang kung papakawalan pa sya, sobrang ganda pa naman" "Gusto mo, paalisin ko na sya ngayon palang?" "Biro lang, hindi ako mahilig sa maganda" Tumayo ito at pumunta sa nasa malapit na table, kinuha nito ang sibat na nasa ibabaw ng table at sinuri ang talim nito, pinagmasdan nya ito, para sa kanya ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay nya, simula palang bata ito ay ito na ang kasama nya "Pwede na kayong umalis" sabi nya sa dalawa nyang kasama hindi man lang nya sinulyapan ang dalawa +++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD