Nagising ako sa nakakasilaw na sinag mula sa aking bintana, isama pa ang ingay na nagmumula sa labas
Sinuot ko muna ang panloob na tsinelas bago lumabas ng kwarto ko, pinakiramdaman ko muna ang loob bahay kung nandito si mama ngunit parang nakaalis na ito papasok
Pumunta ako ng kusina para mag kape, kumuha ako ng tasa, nagsalin na din ako ng mainit na tubig, nung kukuha na ako sa lagayan ng mga 3 in 1 na kape ay bigla akong nanlumo ubos na, wala na pala kaming stock, napahikab nalang ako
Agad na ako bumalik sa kwarto ko para kumuha ng pera, sa malapit na lang na convenient store ako bibili.
Pagkalabas ko ng bahay tela hindi agad ako nakakilos, gulat at pagtataka ang nangyari sa akin
Bakit tumatakbo yung mga tao at mayroon pa na iba na sumisigaw, tela may mga humahabol sa kanila, mga takot ang expression ng mga mukha nila,
Hindi naman siguro ito fun run dahil yung iba may bitbit pa na bata
At ngayon ko lang din narealize na yung ingay pala na nagpagising sa akin kanina ay ito ang dahilan
Kahit na may takot pa din ako na nafefeel ay lumabas pa din ako ng gate, bibili pa din ako ng kape, mga tatlong bahay lang naman pagitan ng bahay namin at nang convenient store
Habang lumalakad ako mas nadadagdagan ang takot ko, pati na rin yung barangay tanod namin dito nakita ko na ding tumatakbo, para silang hinahabol ng zombie, pero wala naman akong nakikitang zombie
Dahil sa nacu-curious na ako sa nangyayari ay hinarangan ko muna si ate na kasalubong ko na tumatakbo
"Wait lang ate, anong meron bakit kayo tumatakbo?"
"May mga alien sa paligid!, Takbo ka na din baka mahuli ka nila!" Pagkasabi ni ate, dali-dali na uli itong tumakbo
Alien?
Si kokey ba yun?
Nasa tapat na pala ako ng store, lumakad na ako papasok
Cashier lang ang tao dito naka upo sya, nakayuko ito at may sinusulat, buti pa sya hindi nagpapanic sa mga nangyayari sa labas.
Nag start na ako maghanap kung saan nakalagay ang kape
Agad akong kumuha ng ilang pack nung nakita ko na kung saan nakalagay.
Binilisan ko na din ang pagpunta sa cashier
Aware naman siguro sya sa presensya ko nung lumapit ako, inilagay ko sa harap nya ang kape na kinuha ko
Tumayo sya, dahil nakayuko ito plus pa na nakasumbrero hindi ko nakikita ang mukha nito.
Kinuha nya ang kape at ini-scan ito
"138 pesos" ang lalim ng boses nito
Kumuha na ako ng cash sa wallet ko at iniabot ko lang sa kamay nya without looking at his face
Kinuha nya ang pera ko at mayamaya pa ay iniabot na nya sa akin ang binili ko
Nang kukunin ko na saka lang ako napatingin sa mukha nito
Hindi ko na nagawa pang abutin ang binibigay nya dahil sa napa atras na ako
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, nakakatakot ang itsura nya
Naalala ko ang sinabi ni ateng kanina
Alien
Katawan syang tao ngunit ang itsura ng mukha nya ay parang tutubi
Oh my gosh
Mabilis akong tumalikod para tumakbo papunta sa pinto
At may makakasalubong pa ako nung palabas na ako ng pintuan, napatigil ako baka kasi alien ulit ito
Naramdaman ko na lang ang pagtayo ng mga balahibo ko sa braso ko nang makilala ko kung sino ang nasa may pintuan,
"Kasalanan mo kung bakit ito nangyayari sayo!, Pagbayaran mo ang ginawa mo! makasarili ka!" Nagsimula na siyang maglakad paloob
"Kasalanan mo kung bakit ito nangyayari sayo!, Pagbayaran mo ang ginawa mo! makasarili ka!"
"Kasalanan mo kung bakit ito nangyayari sayo!, Pagbayaran mo ang ginawa mo! makasarili ka!"
Ang mga sinabi nya ay nag eecho sa buong store habang pahakbang ng pahakbang papalapit sa akin
Hindi ako nagkakamali sya ang ale na mukang albolaryo
"Kailan mong maturuan ng leksyon"
Napapaatras na ako at sobra na ang takot ko
Sa bawat hakbang nung ale ay sya namang atras ko
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbunggo ng likod ko sa isang bagay
Paglingon ko sa bagay na nasa likod ko, feeling ko namanhid na ang buong katawan ko
Nakasandal lang naman ako sa cashier dito sa store, nakita ko na naman ang mukha nyang tutubi
Kahit pa namanhid na ako ay pinilit ko pa din na ibaling ang ulo ko paharap
Sa pagharap ko, nasa harapan ko na ang ale, may ikakatakot pa ba ako? May hawak na syang tungkod at may balak ata itong ihampas sa akin
Hindi nga ako nagkamali dahil sinimulan na nyang i-bwelo ang kamay nya na may hawak na baston at ipapalo na nga niya sa akin
Katapusan ko na ata
Napapikit nalang ako
"Ahhhhhh"
Napamulat ako at una kong nakita ang kulay peach na kisame at napagtanto ko na nasa loob ako ng aking kwarto at wala sa convenient store,
ang bilis pa ng t***k ng puso ko para akong tumakbo ng sobrang layo.
'Ha' napabuga ako ng malakas na hangin
Grabe akala ko totoo, katapusan ko na sana buti na lang panaginip lang yon
Patuloy ko pa din pinapakalma ang sarili ko
Bumangon na nga ako at lumingon ako sa pinaglagyan ko ng cellphone ngunit wala ito doon, hinanap ko ito sa buong study table at cabinet, wala talaga, nasaan yon?
Naisipan kong tingnan sa kama
"Andyan ka lang pala" wika ko ng mahanap ko ang phone ko
Nakita ko ito sa may ilalim ng unan, akala ko nailagay ko ito sa may study table
Pagka open ko ng phone ko, nagtaka ako kasi wala itong laman as in kahit anong apps wala, ni-reboot ko ito.
Mayamaya nagopen ito ngunit ganon pa din
Naisip ko na baka naipit ko ito kaya ganon na lang ang nangyari sa phone
Inilagay ko muna ito sa may cabinet
Napatingin pa ako sa mirror sa ibabaw ng cabinet, nakita ko na naman ang mukha kong maganda, salamat sa magulang ko na masyado nilang ginalingan ang paghulma ng itsura ko.
Hindi na kailangan ng make up dahil mas maganda pa ako kapag natural lang.
Lumakad ako papunta sa pinto, sa paglabas ko ng kwarto
Napanganga ako hindi dahil sa pagkamangha kundi sa magulo naming sala hanggang kusina, sira ang ibang parte ng wall namin
Lumindol ba? Pero bakit wala damage sa kwarto ko
Wait! Si Mama!
Agad akong pumasok sa kwarto nya buti na lang hindi ito nakalock, kung natuwa ako na hindi ito nakalock ganon naman ang takot ko dahil wala dito si mama
Nakarinig ako ng ingay galing sa kusina
Agad akong lumabas ng kwarto ni mama at tumungo ako pa kusina
Palaisipan pa sa akin ang nangyayari, panaginip ba ito? Kung panaginip ito sana magising na ako, para malaman ko kung panaginip o hindi kinurot ko ang braso ko
"Ouch" napalakas ang kurot ko sa sarili ko, buti nalang hindi pagsampal sa sarili ko ang ginawa ko kung kawawa ang pretty face ko nito
Pagkadating ko sa kusina may tatlong tao akong naabutan mga nakatalikod ito, para silang mga naguusap pero walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig nila
"Sino kayo? Anong ginagawa nyo dito?" Matagumpay kong nasabi ang mga salitang iyon kahit natatakot ako sa mga mangyayari pa
Humarap sa aking yung tatlong tao
At nagsisisi ako sa ginawa ko dahil dumoble ang takot ko nung humarap sila at nakatingin na sa akin
Una kong napansin ang dalawang lalaki na magkamukha pa ito grabe sa mga gym na ata nakatira tong dalawang ito dahil sa mga muscle nila sa katawan, feeling ko isang suntok lang nila sa akin Knock out na agad ako
Sunod akong napatingin sa isang babae nilang kasama, maganda ito ngunit nakakamatay ang mga tingin nito, idagdag pa ang naka-design sa may gilid ng mata nito,
may galit ata ito sa mundo, ang fierce ng aura
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino kami, malaking pagsisisi na makilala mo pa kami"
Nakakapagtaka lang na naririnig ko ang mga sinasabi nya pero hindi bumubuka ang bibig nito
"Hwag ka nang umangal pa, wala ka din naman magagawa dahil mas mahina ka pa sa uod" ede sya na malakas
"Hahahaha" nagtawanan pa ang dalawang lalaki
"S-sinira nyo po ang bahay namin"
Lumakad papalapit yung isang lalaki sa aming lamesa at nagulat ako sa ginawa binuhat nya ito at ibinato
"Ahh" hiyaw ko at napatakip ang mga braso ko sa aking mukha at parang umilag pa ako
Tumama iyon sa pader malapit sa akin, natakot ako don, ang bad naman nila, tumingin ako sa kanila
"Wag kang mangialam kung ayaw mong mapahamak"
"Asnee, mas madami tayong makukuha kung sa kabila tayo" nagulat ako dahil sa bigla na lang may isa pang lalaki na sumulpot sa tabi nung babae,
Paano nangyari yun? Bakit parang may mga powers tong mga ito,
"Sige kumapit na kayo sa akin" salita ulit nung bagong dating na lalaki
Nagsilapitan ang mga ito sa lalaki at kumapit
Wala pang isang segundo ay maglaho ang mga ito
What?
Pinukpok ko ng kamay ang aking ulo saka pumikit saglit baka kasi magising ako mula sa pagkakatulog, part 2 ata ito ng panaginip ko kanina lang.
Pagmulat ko ng mata nanglumo ako dahil nandito padin ako sa sirasira naming bahay.
Kung panaginip nga ito, ede go with the flow nalang ang gagawin ko, siguro naman magigising din agad ako
Kumilos agad ako baka kung ano at sino na naman ang maencounter ko
Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap ako na pwede ko magamit, naghanap muna ako nang pwede ko kung magamit na bag pack para may paglalagyan ako, nang makahanap na ako ng bag, nilagay ko sa bag ko ang bawat bagay na maaari kong magamit sa susunod pang mga araw, naglagay din ako ng extra clothes ko
Nagsuot ako ng shoes para in case na may humabol madali lang akong makakatakbo
Lumabas na ako ng kwarto dala ang bag pack nakasabit sa likod ko at sa kwarto naman ni mama ako pumasok
I wish na kahit nasa panaginip ako nandito pa din ang gamit na kailangan ko ngayon
Binuksan ko ang nasa ibabang parte ng drawer
At natuwa ako sa nakita ko
Sorry mama at papa kung papakialaman ko muna ngayon ito, kahit hindi ako marunong gumamit nito atleast may pwede ako magamit pag nakataon
Kinuha ko ang isang uri ng b***l ni papa hindi ko lang alam kung anong tawag dito basta b***l ito nakalagay pa ito sa lalagyan nitong bag, isinuot ko ito sa katawan ko at isinakbit sa balikat ko, nilagay ko naman sa bag pack ko ang mga bala nito.
Naghanap ako ng medicine kit dito sa kwarto ni mama, siya lang kasi may ganon, ngunit bigo ako na makakita
Lumabas na ako ng kwarto ni mama, sa kitchen naman ako tumungo kahit na basag at sira-sira ang mga gamit dito ay nagbabakasakali na may makuha akong pagkain na mababaon ko
Binuksan ko na ang lahat ng drawer pero wala ni isa akong makita
Kung siguro nasa real world ako baka may mga laman lahat ng drawer dito, nasa dream world ako eh.
Lumabas na ako ng bahay at naawa ako sa nakita ko dahil ang buong paligid ay washout parang nagkaroon ng gera dito
Pagkalabas na pagkalabas ko bigla na lang lumindol, nawalan agad ako ng balance kaya napatumba nalang ako
Mayamaya pa ay tumigil na din ang paglindol, thanks God
Narinig ko sa likodan ko ang tunog ng pagguho, napalingon ako dito at nasaksihan ko ang unti-unting pagguho ng bahay namin
Oh my gosh
Ang sakit sa pakiramdam na nakikita mong bumabagsak ang tahanan nyo, napapikit ako at naramdaman ko ang mga butil na luha na tumulo galing sa mata ko
Hindi ko na kaya kung magtatagal pa ako dito habang napapanood ko ang bahay namin
Tumayo na ako at naglakad paalis without looking at my back
Patuloy lang ako sa paglakad at hindi ko alam kung saan ako dadalahin ng mga paa ko
Ilang oras na ako naglalakad ngunit hindi pa din ako nakakaramdam ng pagod
Hindi na ako familiar sa paligid ko, puro kakahuyan na ang nakikita ko, wala na ang mga sira-sirang gusali
Nang may bigla akong narinig na kaluskos na nanggagaling mula sa isang masukal na gubat
Nakaramdam na naman ako ng takot, ano naman kaya yon?
Dahan dahan akong lumapit, ewan ko ba kung bakit lalapitan ko pa ang pinanggagalingan ng tunog na yon dapat tumakbo na ako ngayon
Sinilip-silip ko pa habang lumalapit ako, tumigil ako nung wala na akong naririnig na kaluskos, umayos na ako ng tindig siguro ay kung anong hayop lang yon
Napalaki ang mata ko ng may biglang lumabas sa gubat, para itong dwende at may mahahabang ilong ng gaya kay Pinocchio at kasing taas lang ng hanggang tuhod ko
Ngunit hindi lang isa kundi mga apat sila.
"Whahaa" napasigaw na lang ako nang bigla silang nagkikilos palapit sa akin, hindi sila naglalakad kundi patalon-talon sila, maliliit na talon ang ginagawa nila.
Napapa atras ako kada lalapit sila
"Hwag kayong lalapit, dyan lang kayo"
Ngunit mas lalo pa nilang binilisan ang pagtatalon-talon nila
Hanggang sa bigla na lang nagtumbahan ang mga maliliit na nilalang na yon, may pumana sa kanila dahil sa may mga sibat ito sa katawan
Nakaramdam ako ng mga yabag mula sa likod ko, at may naaamoy pa ako na mabangong halimuyak
Unti-unti akong lumingon, at nagdadasal na sana hindi sila bad guy.
Nakita ko ang tatlong tao yung nagiisang lalaki na nakasuot ng parang sa nagkakarati, all black ito, pogi sya ha, yung isang babae naman ay may kacutetan na taglay, may bangs ito, naka pink dress para syang Chinese sa isang fantasy movie, at yung isa pang babae napansin ko agad sa kanya ang hawak nyang pana, naka pang archery attire ito na color red and white at naka palda sya na labas ang tuhod siguro mga 4 inches ang layo mula sa tuhod nya, nakatali ang buhok nito na bumagay sa maganda at maliit nyang muka, at parang familiar ang mukha nya hindi ko lang alam kung saan o kailan ko nakita
"Ayos ka lang ba? Mukang baguhan ka lang dito" wika nung lalaki
"Ayos lang ako, ngayon lang ako napunta dito" sagot ko naman sa kanila
"Muka ngang clueless ka pa" salita naman ni cutie girl
"Marunong kabang makipaglaban?" Tanong ulit si kuya
"Hindi!"
"Paano ka napunta dito?"
"I dont know nagising na lang ako nandito na ako"
"Pano yan kailangan marunong kang makipaglaban para mabuhay dito, at sa kaso mo mukang kailangan mo pang matuto"
"Sumama ka sa amin delikado magisa sa lugar na ito" sabi ni cutie girl
"Pero!" Biglang sabat ni archer girl kay cutie girl, nakakunot pa ang kilay nito
"Hindi na, kung itong mga dwende lang ang papatayin kayang kaya ko ito" sinabi ko lang baka kasi sabihan na naman akong mahina
Humarap ako sa mga dwende kanina at nagtaka ako nung tiningnan ko yung mga puwesto nila wala na yung mga dwende sa kinalalagyan nila kanina ang nandon na lang ay yung arrow ni archer girl
"Nasan na sila kala ko ba patay na mga yon?"
"Shes clueless nga" wika ni kuya
Lumapit si kuya sa puwesto kanina nong mga duwende at may nilimot ito
Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at may pinakita
"Ito na sila"
"Huh?" mga bilog lang ito na kulay silver
"Sumama ka sa amin ng malaman mo ang pamumuhay dito"