PART 2

1218 Words
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa passenger seat, sinama ako ni mama may pupuntahan lang daw sya, mabobored daw sya kapag sya lang magbabyahe "Sino ba pupuntahan mo don?" "May client ako na imemeet don" "Lalaki?" "Hindi, isang ginang si Mrs. Laxman" Hindi ko man kilala ang tinutukoy ni mama, tumango tango nalang ako Binaling ko sa labas ang aking tingin, napagmasdan ko ang tao sa labas, may mga naglalakad, may mga ginang na nakatayo sa harap ng tindahan at tila mga naguusap, may mga kabataan na nagsasayaw sa harap ng kanilang mga cellphone na tila enjoy na enjoy sa kanilang ginagawa Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang pagtigil ng sasakyan, pinatay na ni mama ang makina "Tara na sa labas, mainit dito sa loob kung mag- iistay ka dito" Sinuot ko muna ang aking sumbrero tiyaka ako lumabas Naglakad pa kami bago tumigil sa harap ng isang mataas na gate Nag door bell si mama, mayamaya pa ay bumukas ang gate at lumabas ang isang guard "Ano pong kailangan nila maam?" "May appointment ako kay Mrs. Laxman" "Kunin ko lang po muna mga ID nyo bago po kayo pumasok" Hala ka cellphone ko lang dala ko, naiwan ko sa bahay Nang maibigay ni mama ID nya sa guard, lumingon naman sya sa akin, ganon din si manong guard, nag iintay na may ibigay ako sa kanya "ID mo?" Tanong ni mama "Iniwan ko sa bahay" "Ay tinamaan ka ng lintik bakit mo iniwan" "I Didn't know na required pala ang ID dito, tiyaka sinamahan lang kita Ma" Humarap muli si mama sa guard "Anak ko naman sya, baka pwede na isama ko na din sya sa loob" "Pasensya na po talaga maam, sumusunod lang po kami sa utos ng boss namin" "Okey lang Ma, intayin nalang kita dito sa labas" "Sige, mabilis lang ito" Pumasok na nga sila sa loob at ako ito naiwan ditong nakatayo Umalis ako sa harap ng gate dahil sa masakit sa balat ang init dito, naghanap ako ng pwede kong silungan Sa di kalayuan natanaw ko ang isang bench sa ilalim ng puno, lumakad ako papunta don Pagkaupo ko, pinaypayan ko muna ang sarili ko gamit ang aking kamay, ang init eh Pinagmasdan ko ang paligid dito, ang aliwalas naman dito, madalang ang tao na makikita dito, mga nagjo-jogging at mga nag bibike ang makikita mo dito, Kinuha ko ang phone ko at nagtake ng ilang selfie, Nagopen ako ng IG at tiyaka ko ipinost ang mga pili ko lang na selfie ko. Nag explore na lang muna ako sa newsfeed ko, pinusuan ko ang bagong post ng friend, ganon din ang mga pina-follow ko na mga celebrity. Mukang matatagalan pa si mama, kaya nag laro muna ako pampatanggal ng pagkainip ko, nilalaro ko yung nilalaro namin ng mga kaibigan ko noong nakaraan ang Clash of Colonian, habang busy ako sa paglalaro bigla na lang nagring ang phone, pagtingin ko sa caller si mama "San kana?" "Dito lang ako sa malapit, tapos ka na ba?" "Oo, dalian mong bumalik dito, uuwi na tayo" "Okey" Binaba ko na agad ang tawag ni mama Pagtingin ko sa nilalaro ko ang daming mga monsters na, habang naglalakad ako pabalik kay mama ay busy kong pinapatay ang mga monster, di ko pwede palampasin ito, tumitingin naman ako sa dinadaanan ko. Baka kasi may matapakan akong di kaaya-aya. Nang may naramdaman nalang akong bumangga sa akin, napa upo na lang ako sa may sementonadong daan, may bumangga sa aking nakabike, nakita ko ang isang ale na sa kanyang pormahan para itong albolaryo pero hindi ko sure kung ano ba talaga sya, naka upo na ito at namimilipit sa sakit ng katawan, nagkalat din ang mga tuyong dahon ng halaman at may mga kwentas pa na may malalaking bilog na bagay na naka pendant dito, at puno ng mga beads. Nilimot ko ang cellphone ko, at dahan dahan tumayo, dahil sa gulat at takot tila may sariling utak ang mga paa ko, hindi ko macontrol na lumakad ako papaalis hindi ko man lang nagawang tulungan yung ale "Nawalan ako ng preno, Hindi mo narinig ang paghiyaw ko upang tumabi ka dahil ang buong atensyon mo ay nasa isang bagay na hawak mo, titiyakin kong magkakaroon ka ng leksyon dahil sa nangyaring ito" Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang pagsasalita ng ale, ilang minuto akong hindi makakilos Nang feeling ko medyo okey na ako ay lumingon ako sa ale ngunit wala na ito doon parang ang bilis naman nya mawala, kinalibutan ako sa nangyari ngayon Mabilis na akong pumunta kay mama "San ka ba nagpupunta?" "Uwi na tayo Ma" Buong byahe sa labas lang ako nakatingin, iniisip ko pa din ang nangyari, bakit ganon kinakabahan ako ng sobra Hay "Ang lalim non, ayos ka lang ba?" "Opo" Nang makadating na kami sa bahay sa kwarto ko agad ako dumaretso, nahiga agad ako sa kama "Ouch" Napatingin ako sa binti ko, may sugat pala ako hindi ko namalayan kanina, tumayo ako at pumunta sa may cabinet ko, kumuha ako ng medicine kit, nilinis ko ang sugat ko saka ko nilagyan ng band aid Lumabas ako ng kwarto, tumawag na si mama para daw kumain "Mukang masarap ang luto mo Ma" "Masarap talaga yan ako nagluto eh" "Yan ang mama ko, mabait na, maganda pa, tapos masarap magluto" "May kailangan kaba?" "Wala ah, feel ko lang purihin ka" "May nagawa kang kalokohan?" "Ma talaga, wala, di ba pwedeng sabihin yun sayo" "Parang hindi ikaw" "Hahaha salamat Ma" "Sige na, kumain na tayo" Kumain na nga kami, pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin Nagshower muna ako, ginagawa ko ito bago ako matulog, para kahit pagtulog fresh ako. Malimit kasi tuwing gabi ako nagli-live so dapat maayos ang itsura ko Pero pass muna ako sa pag take ng video, maglalaro lang ako, Kinuha ko ang phone ko at nag open ako ng game Nagtagal ng mga kalahating oras ang laro ko, ngunit talo kami Nagstart uli ako ng laro, gigil na gigil akong manalo Nagtagal naman ngayon ng 24 minutes ang laro and nanalo kami, Nakakaramdam ako ng pagsakit sa kaliwa kong utak marahil ay antok na siguro ako Okey isang laro nalang at tutulog na ako Nagstart na ulit ang game ginamit ko na ang pinakamalakas kong character limited lang itong character ko, malaking points ang kailangan bukod pa don paunahan pa ang pagbili kasi nga limited lang sya, suwerte ng mga nakakuha nito at kasama na ako don One time na ginamit ko ito nong naglive ako ang dami kong natanggap na views non Habang naglalaro ako bigla tumunog ang malakas na kulog nagtaka pa ako dahil hindi naman umuulan at nakakakilabot pa na parang nag echo sa utak ko ang boses ng ale kanina, isinawalang bahala ko nalang ito kahit nakakaapekto sa laro ko, matagumpay ko pa ding natapos ang laro sa kabila ng nararamdaman ko. Pinatay ko na muna ang phone ko, lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni mama, hindi naglolock ng pinto si mama kaya pumasok na ako sa loob, naabutan ko syang mahimbing na natutulog "I love you Ma, Good Night" sabi ko nalang kahit malabong marinig nya ako Lumabas na din ako at pumasok na sa kwarto ko, ako naman ay natulog na din
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD