"MAAAAA NAWALA ANG INTERNETTTTT" dali dali akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kinaroroonan ng mama ko
"Kakapaload palang natin Ma ah, bakit wala na agad, tingnan mo oh connecting lang ng connecting, irereklamo ko sila"
"Mabuti nga para matigil ka muna kakacellphone mo"
"Ano ba yan kung kelan ako nag kaclash saka naman sumabay yang internet oh"
Mga 10 minutes nang nawawala ang internet ko, hindi na ako mapakali kaya pinuntahan ko kung saan naroroon ang wifi
"MA kaya pala wala, Eh naka unplug pala sa outlet eh, ikaw nagtanggal nito no"
"Effective pala talaga, tamo lumabas ka din sa lungga mo, maghapon kana puro ganyan rhen, ano bang ginagawa mo dyan"
"Nagli-live streaming ako Ma, sa sunod wala nang mag u-unplug ha baka magalit ang mga subscribers ko"
"So inaabuso mo naman sarili mo, pinapabayaan mo na lagi ka nang kulang sa tulog eh"
"Im perfectly healthy Ma" tapos pinakita ko pa muscle ko sa braso ko
Pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko
Naka live ako ngayon, actually kanina pa nawalan lang ng internet
"Hi guys, sorry sa bigla kong pagkawala na wala lang kasi yung wifi namin, hinanap ko pa"
Natawa naman ako sa mga comments nila puro mga kalokohan
Paano nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon na puro cellphone at laro na lang ang buhay ko,
Sa pagkakatanda ko tanging plant vs. zombie lang nilalaro ko dati. Hanggang sa aksidente kong nakita na naglalaro ang classmate ko ng isang online games, pinanood ko kung paano niya ito nilalaro, nagkaroon ako ng interest kaya dinownload ko ito, hindi madali lalo na at hindi ako bihasa, meron kapag di ko alam kung paano pinapanood ko pa sa YouTube. Di naglaon natutuhan ko din itong laro at doon nga ako naadik sa online games, dumating pa na halos ibat ibang online games na ang laman ng cellphone ko, at pati mga kaibigan ko na-inpluwensyahan ko, pero kahit naman ganon hindi ko naman napapabayaaan ang pag-aaral ko
Nung magco-college na ako nakita ko kung paano si mama nahihirapan magtrabaho dahil mas lumalaki na ang gastos dahil sa pag aaral ko kaya naisip kong gumawa ng account, yung mga videos ko sa pag lalaro ay aking pinopost, di nagtagal nag boom ang account ko dumami ang mga nagviews at nag subscribes at dahil sa may nakakakilala na sa akin nag start na din akong mag live at maging streamer
Kumikita na ako sa mga ginagawa ko, at ito na din ang pinagkukuhanan ko nang panggastos ko sa pag aaral
Nagtaka pa si mama noong una dahil saan daw ba galing ang pera ko, sinabi ko sa kanya ang totoo, sabi nya lang support sya sa akin as long as na hindi ko napapabayaan ang studies ko,at yun nga ang ginagawa ko, minsan pa nga nakasama ko sya sa video ko na sya yong mag rereact sa game ko, nakakatuwa nga dahil sya pa nagsasabi ng bb yong kakampi ko, minsan lang sya nakasama pahirapan pa ang pagpilit ko sa kanya, busy kasi syang tao gawa sa may work sya. Madalas pa na wala sya dahil sa trabaho
Pero sa ngayon nagagalit na si mama dahil sa lagi na daw di maayos ang tulog ko, maaga akong nagigising para pumasok tapos kung may quiz ako kinabukasan mag rereview muna ako at tiyaka naman ako maglalaro nakaka-ilan pa ako ng laro kasama pa don ang pag istream ko bago matulog, na kalimitan inaabot ako hanggang alas 3 ng umaga
"Thank you guys sa paghihintay at pagsama at pagtyatyaga sa akin, so pano good night na babye, tulog na din kayo, bye" at pinatay ko na din ang camera na nakatutok sa akin, natapos na din kasi ang kanina ko pang nilalaro.
Nag set muna ako ng alarm at tiyaka ako nahiga.
Nagpray muna ako at tiyaka na ako natulog antok na ako eh
*****
"Why are you late rhen, nakakatampo ka birthday na birthday ko, ikaw lang kaibigan ko late kapa?"
Im here at annber house, napakamot nalang ako sa ulo ko, muka ngang tampong tampo
"Sorry na nalate lang ako ng gising basta ang importante nandito na ako"
"Ok ok pero nasaan ang gift ko"
"Ito oh Happy Birthday my girl" at inabot ko sa kanya ang isang paper bag, laman nito ang gift ko sa kanya
"Hmm ano ba ito"
"Secret mamaya mo na yan buksan kapag nakauwi na ako"
"Tara pasok na nga tayo sa loob at nang makakain kana din"
Lumakad na kami papasok sa bahay nya, pagpasok namin naabotan ko ang mga bisita ng friend ko, madami din pala syang inimbita. Hindi ko kilala ang mga ito baka mga relatives at family friend ni annber.
"Annber halika ka muna gusto ka makausap ng mga tito mo" tawag sa kanya ng mama nya
Humarap sa akin si annber "Maiwan na muna kita dito, kumain ka ha"
"Hihiramin ko muna itong anak ko rhen ha, mamaya na lang ulit kayo magbonding" nakangiti pa si tita sa akin ng sabihin nya iyon
"Ay naku tita ok lang po, iyong iyo naman po yan, sige po punta na po kayo don"
Umalis na nga sila sa harap ko at ako naman kumuha ng plato, spoon and fork tiyaka ako sumandok ng kanin, kumuha ng menudo at imbutido tapos kaunting lechon tiyaka ako naghanap ng bakanteng table
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may umupo sa harap ko na babae, siguro mga kaedadan ko lang ito
"Hello?" Ako ba kinakausap nito, nakatingin sya sa akin
"Hello" so sumagot ako baka isipin nya snob ako
"Bakit ka napatawag, nandito ako sa birthday party"
Napatungo nalang ako at nagsubo na lang ng pagkain ko, nahiya ako mga bente doon ah, akala ko ako kausap
"Yeah i will but i have some important to do" sabi ng babae sa harap ko
Napansin ko ang chismosa ko, tinapos ko na ang pagkain ko
"Kapag nga naman si tadhana ang gumawa ng paraan, hindi ko alam na dito pa kita mahaharap"
"Ako ba kausap mo?" Nagtanong na ako baka hindi na naman ako kausap nito
"Yeh ikaw nga"
"What do you mean sa sinabi mo?"
"Coz ilang beses na akong nagtangkang kausapin ka pero hindi lagi natutuloy"
"Do you know me personally?"
"Yeah sa social media kita unang nakilala especially sa pag oonline streaming mo, and na shock ako when i saw you sa school na pinapasukan ko, doon ka din pala pumapasok, sa isang event kita nakita non nasa stage ka kumakanta, pinabelieve mo ako, nag kacrush pa nga ako sayo dahil sa ganda ng boses mo"
"Ang straightforward mo naman"
"Baka kasi sa susunod hindi na ako magkaroon ng chance na masabi ko sayo ang mga sinabi ko"
"Salamat nalang sa appreciation mo"
"Wala bang crush back dyan"
Napatawa ako sa sinabi nya ang daldal nya masyado, ang lakas ng confidence nya para sabihin ang mga iyon.
"Ayos ba ang bonding natin dyan" naagaw ang attention ko sa nagsalita si annber pala " hinahanap kana ng mommy mo, nandon sya sa may terrace, uuwi na daw kayo" sabi nya sa babaeng nasa harap ko,
Tumayo na ito at saka lumapit sa tabi ko
"Pano ba yan crush uuwi na ako bye"
Mabilis syang umalis pagkatapos nyang humalik sa pisnge ko, magnanakaw ng halik
"Ikaw ha pati babae nagkakagusto sayo, anak pa ng friend ni mama" tukso sa akin ni annber
"Sino ba yon?" Tanong ko sa kanya
"Hala na inlove sya, tinatanong kung sino"
"Sira, kakasuhan ko sya" magnanakaw ng halik
"Ano naman ikakaso mo KISSNAPER"
"Naku kung hindi mo lang birthday kanina pa kita nabogbog"
"Sos, Support ako sa umu-usbong mong lovelife"
"Im not into girls annber"