RHEN POV
Sa pagmulat ko, napagtanto ko na nasa hindi ako familiar na kwarto, kanino namang kwarto ito kay de kaa ba o kay chunli pero impossible naman na sa kanila ito
Bumangon ako sa pagkakahiga ko, hinanap ko ang mga gamit ko at thanks god kompleto naman sila
Isinakbit ko sa katawan ko ang mga bag na dala ko at saka ako lumabas ng silid
Nilibot ko ang aking paningin para hanapin kong nasaan ang pinto palabas
Mukang galante ang may-ari nitong bahay dahil ang ganda ng mga gamit dito
Nang mahanap ko ang pinto na sa tingin ko ay ito ang pinto palabas, naglakad ako papunta doon
"Saan ka pupunta?" Halos lumabas ang puso ko sa sobrang pagkagulat
Napatigil ako sa paglalakad palabas, naririnig ko ang mga yabag nya papalapit sa akin, dahan-dahan akong bumaling kung nasaan ang taong ito
"Aalis ka nalang ba nang hindi man lang nagpapaalam, at once na lumabas ka dyan hindi ko alam ang gagawin nila sayo"
Kung sya ang may-ari nitong bahay paano ako napunta dito?
Dito na nya ba ako papatayin?
"Paano ako napunta dito?" Kailangan masagot ang tumatakbo sa utak ko, hindi iyon masasagot kung hindi ko itatanong
"Inuwi kita"
"Bakit? Dito mo ba ako papatayin?"
Napansin ko na biglang kumunot ang noo nito
"Oo, dito kita papatayin"
"Papatayin mo din naman pala ako, sana doon mo nalang ako pinatay sa gubat bakit kailangan mo pa akong iuwi"
"Walang thrill kung papatayin kita habang tulog ka" lumapit sya sa akin hanggang sa ilang inches nalang ang lapit ng muka nya sa muka ko "Gusto ko alam mo at nararamdaman mo kung ano ang gagawin ko sayo"
Halos manigas ako ng ibinulong nya sa akin malapit sa tainga ko ang huli nyang sinabi bakit ang seductive ng tuno nya
Lumayo na sya sa akin pagkatapos nyang gawin ang pagbulong sa akin
"Kaya huwag na huwag kang lalabas dahil ayukong sila ang papatay sayo dapat nasa akin ang huling halakhak"
Pinigilan ko na hindi matawa may pagka-comedy din pala ito
"Goal mo pala na ikaw ang makapatay sa akin, bakit hindi pa natin gawin ngayon?"
Mabilis kong itinutok sa kanya ang dala kong armas
Tinitingnan nya lang ako ng seryuso at parang sinusuri nya pa kung kaya ko nga ba syang patayin
"Nagalit sa akin si Rama dahil tinulungan pa kita, siguro papatawadin na nya ako kapag napatay kita"
"Hahaha kung mapapatay mo ako"
Hindi ko inasahan ang gagawin nya
Ginamit nya ang powers nya sa akin, hindi naman rekta sa akin kundi sa hawak kong b***l kaya nabitawan ko ito dahil gawa sa steel ang b***l dumaloy dito ang kuryente galing kay asnee, naramdaman ko ang kuryente hanggang sa braso ko kaya nabitawan ko ang b***l na hawak ko
"Huwag kang aalis o tatakas dahil kapag ginawa mo iyon mas grabe ang parusang gagawin ko kesa sa kayang gawin ng tatlong kaibigan ko"
"Bakit ba kasi hindi mo nalang ako patayin"
"Masyado kang atat"
"Siguro kapag pinatay mo ako baka makauwi na ako sa totoong mundo ko"
"Ano bang pangalan mo? At wala akong paki kung saang lupalop kapa galing ang mahalaga nandito ka"
"Hindi mo na kailangan pang malaman papatayin mo din naman ako"
"Kailangan kong malaman para naman masabi ko kung sino ang napatay ko"
"Okey hindi naman masama kung makilala mo ako, Rhen, Rhenziel"
"Bakit ba parang okey lang sayo na mapatay ka"
"Hindi ko gusto ang mapatay, ine-expect ko nalang at tinatanggap ang mangyayari sa akin"
"Paano kung hindi kita patayin?"
"Ede i like you na"
Umismirk lang ito at saka tumalikod
"Huwag kang aalis magpe-prepare pa ako kung paano kita papatayin" pahabol na salita nito
Hindi ako pwede manatili dito mas lalo delikado ang magiging buhay ko dito
Habang wala sya ay pasimple akong lumabas, tiningnan ko pa ang paligid nang masure ko na walang ibang tao ay mabilis akong lumabas
Takbo, tago at tingin-tingin sa paligid ang ginawa ko
Bigla akong napatago ng biglang lumabas ang dalawa sa black squad sa hindi kalayuan
Nakikita ko pa sila na parang napatigil at parang pinapakiramdaman ang paligid, siguro nararamdaman nila na nandito ako sa teritoryo nila
Nagsimula na muli silang naglakad sa ibang direksyon kaya ito ako lumabas na muli sa pinagtataguan ko at nagsimula na muling nag takbo, tago at tingin-tingin
Babaling na sana ako pakanan ng mabilis akong napaatras dahil makakasalubong ko si Marco
Sa pagbalik ko nakita ko naman sina Adrianus at Luigi
Bigla akong naghanap nang matataguan
Shit hindi ko alam kung nakita ba nila ako, siguradong katapusan ko na talaga
Dahil sa sobra na akong kinakabahan napapikit na lang ako, iniintay ko kung sino ang unang makakakita sa akin si marco ba o sina Adrianus
"Ahh-" sa gulat ko napasigaw ako at tinakpan nya ang bunganga ko
Patay katapusan ko na talaga nahuli nila ako
"Sabi ko naman saiyo h'wag kang lalabas"
Napagtanto ko na hindi pala sina marco ang nakakita sa akin
At parang mas lalo akong kinabahan nang maalala ko kung ano ang sinabi nya kapag tatakas ako
___
"Mahirap bang intindihin na huwag kang lalabas"
Itinulak nya ako kaya napahiga ako sa kama nya hindi naman ako higang higa dahil nakatuon ang siko ko
"Bakit ba ayaw mo akong paalisin? Bakit ba ikinukulong mo ako dito?"
"Hindi ba sabi mo galit sayo si rama oh i hate that girl, so meaning pinaalis ka nya kaya ka sa gubat natutulog"
"Ano naman kung sa gubat na ako natutulog, buhay ko iyon wala kang pakialam kung mapapahamak ako"
"Pwede ba sumunod ka nalang"
Nabigla ako nang bigla syang pumaibabaw sa akin hindi naman sya nakalapat sa akin dahil nakatuon din ang kamay nya sa kama, nasa ibabaw ko lang talaga sya
"Bakit ba gusto mo akong mag stay dito?"
"Dahil sayo na ako at akin ka"
ito na ba iyong sinasabi nya na mas grabe ang gagawin nya kapag tumakas ako
"Huh?" Bigla akong napabangon dahil sa sinabi nya "Siraulo kaba kung ano-ano na ang pinagsasabi mo"
"Eh kung hindi mo naman ako hinalikan ede sana hindi iyon mangyayari"
"Halik? Aksidente yung nangyari"
"Kahit aksidente iyon o hindi, kailangan ikaw ang pakasalan ko dahil nagkiss tayo at tradisyon namin dito yon"
"What?" Sa pagkakatanda ko wala namang ganon sa larong clash of Colonian
At kung ganon ang gagawin dahil sa tradisyon nila paano iyon dahil sa pagkakatanda ko na sinabi sa akin dati ni rama na kiniss ko sya kaya nga pinarusahan pa nya ako eh
Pwede ba yon dito dalawa papakasalan ko
"Hindi mangyayari iyon dahil may nauna na nakahalik sa akin"
"Kailangan na may mamatay na isa sa amin, at kung sino man sya hindi ko hahayaan na mapatay nya ako at hindi ko magiging kasalanan kung mapapatay ko sya, kasalanan iyon ng makati mong labi"
"Hindi ako pwede magpakasal sa iyo dahil hindi nga ako taga dito"
"Sasama ako sa mundo mo kung iyon ang pinuproblema mo para lang pakasalan mo ako"
Legal ba same s*x marriage dito
"Hindi ako pwede dito lang mag-e-stay sa bahay mo"
"Okey sige, sasamahan kita na lumabas para sure na hindi ka makikita ng kaibigan ko"
"Oo na, may magagawa pa ba ako?"
Hay may pakakulit din pala ang isang ito
Pero namimiss ko na si Rama, galit pa din ba kaya sya sa akin, kung papatawadin na nya ako bibigyan ko talaga sya ng mahigpit na yakap
"Nagiisip ka nanaman ba kung paano ka tatakas" naputol ang pagiimagine ko ng umimik si Asnee
***************************************