PART 16

1385 Words
Sa loob ng mga araw na pansamantala kong pagtira dito sa bahay ni Asnee ay maganda naman ang pakikitungo nya sa akin, hindi ko akalain na ganito sya ka-caring sa akin akala ko ganoon na lang sya ka-bad o sa akin lang ba sya mabait Pero kahit na mabait sa akin si asnee hindi ko pa din tatraydorin sina Rama, sila pa din ang kateam ko at kaibigan ko na din Kapag araw lumalabas sya kasama ang kateam nya at naiiwan ako dito at mahigpit nya rin binilin na huwag akong aalis Kaya ang ginagawa ko nililinis nalang ang bahay nya, kung minsan natutulog lang ako Hindi naman sa ikinukulong nya ako, hanggat hindi pa ako pinapabalik nina rama, dumito daw muna ako sa bahay nya, hindi naman nya ako pipigilan na umalis basta may mauuwian ako Nakakapaghunting din naman ako kaya lang tuwing gabi, sinasamahan ako ni asnee pero sinasamahan nya lang talaga, hindi nya ako tinutulongan, sabi nya kaya ko naman daw mag-isa na patayin yung mga monsters, eh hindi ko naman kaya yong malalaking monster kaya yung mga silver at gold lang ang nakukuha ko Sa ngayon palabas na muli kami ni asnee sasamahan nya muli ako sa paghuhunt ko Sa totoo lang masaya ako ngayon dahil ibang iba na ang asnee na kilala ko noon kesa sa asnee na katabi ko ngayon Paano nga kung kami talaga ang magkatuluyan, magkakasundo na ba ang magkaiba naming team, mapuputol na ba ang galit sa isat-isa Paano nga kami ikakasal? Sino magkakasal sa amin? Yung konseho ba nila? "Im curious, paano ikinakasal ang mga tao dito at sino ang magkakasal?" "Sa totoo lang mali ang nasabi ko" So hindi totoo yung tradisyon, natutuwa naman ako hindi ako matatali agad, gusto ko kasi makasal lang ako sa taong mahal ko "Dito kapag nagkiss ang dalawang tao, kasal na sila" Ano daw kapag nagkiss? Automatic na kasal na, wala nang sermon-sermon ng pari, wala nang ceremony na magaganap "Bakit di mo agad sinabi? Potek wala pala akong kaalam-alam dalawa na asawa ko" "Gusto ko sure ako sa nararamdaman ko bago ko sabihin sayo" "Paano kung ayaw mo sa akin? paano mapapawalang-bisa ang kasal?" "Papatayin kita, kailangan kita patayin" "Ow" kaya pala gusto nya akong patayin pero nakakapagtaka na hindi pa nya ako pinapatay "May gusto ka ba sa akin kaya hinahayaan mo lang na nakasal ka sa akin?" Matapang na tanong ko sa kanya, anytime pwede nya akong pagtawanan dahil sa tanong ko Sa case ko ngayon dalawa ang asawa ko at what if may gusto sila sa akin pareho kailangang mamatay ang isa sa kanila, what if naman na hindi nila ako gusto pwede din na patayin nila ako para mawalang bisa ang nabuong kasal Ganon lang kasimple, magpapatayan lang naman kami "Paano kung sabihin kong mayroon anong gagawin mo? Susuklian mo ba kung ano ang nararamdaman ko para sayo?" "Hindi ba kung sino ang matitira matibay sa inyong dalawa ay sya ang magiging asawa ko" "Sige nga paano kapag yong taong mahal mo ang napatay at ayaw mo sa nanalo? Papatayin mo ba kung sino sa amin ni rama?" "Hindi ko alam pero Siguro tatanggapin ko nalang sya bilang asawa ko kesa sa patayin ko sya" Nag-iimagine lang ba ako o totoo syang pasimpleng ngumiti, sabi ko na nga eh gaganda sya lalo kapag ngumiti sya kahit saglit lang iyon "Salamat" "Huh? Paulit daw" "Ayuko ang bingi mo" "Okey lang naman kung hindi mo uulitin basta alam ko na marunong ka palang magpasalamat" Natawa ako ng tumingin sya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, akala nya siguro hindi ko narinig "Para saan naman yung pa thank you mo?" Bumuntong hininga muna sya bago magsalita "Gusto kong magthank you dahil sa maraming beses mong pagligtas sa buhay ko" "Okey lang yon" Last time kasi na hindi ako tumulong sinumpa ako kaya siguro nandito ako sa laro Habang naglalakad kami hindi ko inaasahan ang aming makikita RAMA POV Ilang araw na ang lumipas at ilang araw na din na wala si rhen Sobra na akong nagsisisi, hindi ko pala kaya na hindi sya nakikita Pinangunahan lang talaga ako ng galit ko Ilang araw ko na din syang hinahanap kung saan-saan, tinutulongan na din ako nina chunli at de kaa sa paghahanap Labis na akong nag-aalala, baka kasi napahamak na sya, hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan nya pero delikado parin ang mag-isa lalo na kapag nasa hunting areas Sana hindi nya dinamdam ang mga pinagsasabi ko sa kanya Namimiss ko na ang asawa ko Ayuko na naman maranasan ang mawalan ng asawa, sobrang sakit nang mawala sa akin si Titus noon At ayukong pati si Rhen mawawala sa akin ngayon, kapag nakita ko sya hindi ko na hahayaan na mawawala sya muli, hindi ko din hahayaan na mapunta sya sa iba hindi ako papayag Naabutan na naman ako ng dilim sa paghahanap pero hindi ko pa din sya nakikita Tumigil muna ako saglit atsaka tumingala sa langit Nasaan kana ba Rhen? Pinikit ko ang akin mata, humihiling ako na makita ko na sya Napamulat ako dahil sa mga naririnig kong yabag na nagmumula iyon sa likudan ko Humarap ako kung saan ko naririnig ang mga yabag Nagulat ako sa nakita ko "Rama!" Oh Bathala ang bilis mo naman tinupad ang hiling ko RHEN POV Hindi talaga ako makapaniwala na nandito si Rama sa harap ko, totoo ba sya o nagha-hallucinate lang ako Hindi ako makakibo nang lumapit sya sa akin at mahigpit nya akong niyakap "Sorry sa nasabi ko, patawarin mo ako" Sabi ni rama sa akin habang nakayakap sya "Hindi mo na kailangan humingi ng tawad" Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin At hinawakan nya ang kamay ko "Tara na umuwi na tayo, miss ka na din nina popo at nunu" Ay oo nga nawala sa isip ko yong dalawa, ang bad ko naman na owner Hinila nya ako paalis ngunit may humawak naman sa isa ko pang kamay kaya napatigil kami "Iiwan mo na lang ba ako ng ganon-ganon lang, baka nakakalimutan mo asawa mo ako rhen" "Asawa nya rin ako at mas nauna ako kesa sayo tyaka sa teritoryo namin sa nakatira" "Akala ko ba papayagan mo na akong umuwi kapag pinapabalik na ako sa bahay ko?" Sabi ko kay Asnee "Oo sinabi ko iyon pero nakita ko kasi itong isa mong ASAWA kaya nagbago ang isip ko" Nakakastress pala kapag pinag-aagawan ng dalawang masungit na babae At mukang magpapatayan na sila ngayon "Wait wag muna kayong magpatayan oh, nai-stress ako sa inyo" "May iba ka bang suggestions para hindi kami magpatayan dito?" "I know na gago itong suggestions ko pero what if wala ng magpapatayan dahil dalawa ko na lang kayong asawa pwede naman yon usong-uso nga yon sa mundo ko" baka naman nga kasi pwede ang dalawa asawa dito para wala ng magpapatayan "Ayaw ko nang may kahati/ Sa akin ka lang" halos sabay nilang wika "Okey" itinutok ko sa b***l ko sa sarili ko "Ako ang may kakagawan nito kaya tatapusin ko nalang sa pamamagitan ng pagkitil ko sa sarili ko" Kung hindi ko naman sila nahalikan ede sana hindi nila ako pagaagawan hirap talaga maging maganda tsk tsk "Huwag mong gawin yan! Sige! Payag na ako" sagot ni rama na napilitan pa sa sagot nya "Ako din payag na ako pero uuwi ka din sa bahay ko" sagot naman ni Asnee "No! Delikado si Rhen sa bahay mo lalo na at nandoon ang mga ka squad mo" "Nakatira na nga sya ng ilang araw eh, eh wala naman nangyari sa kanya" "Kahit pa" "Ede sa bahay ni rhen ako titira, nagsuggest na ako kahit ako naman ang delikado sa mga kateam mo" "Titira ka talaga sa bahay ng dati mong pinatay, nasaan ang konsensya mo?" "Sorry na kung aksidente kong napatay ang dati mong asawa" "Dating asawa? Si Titus?" Tanong ko sa kanila "Ops hindi mo ba alam mahal kong asawa?" Sagot ni Asnee sa akin tapos tumingin siya kay Rama sabay taas ng kilay. Tiningnan ko si rama at parang ang lungkot ng muka nya, kaya pala, minahal nya talaga si Titus "Sige papayag ako na tumira ka sa bahay ni rhen pero nandoon din ako dapat" "Sige, deal" So sila na, hindi na ako kasali sa usapan Rhen left the group ***************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD