KILLER 3

905 Words
KILLER 3 ༻─────── ·☠· ───────༺ Seryoso ang aking mukha habang may iginuguhit, sinusubukan kong idrawing ang lalaking killer na nakita ko kahit pa hindi masyadong maganda. Nakakatakot lalo't 'yong mga babaeng war freak noong nakaraan ay bigla na lang nawala. Hindi na sila pumasok ulit. Ano kayang nangyari sa kanila? Nasa gano'n akong posisyon nang may umupo sa tabi ko at harapan. Napanguso ako nang makitang sila Luther iyon, may dalang pizza sila Harold at inumin. Naramdaman ko ang kamay ni Luther sa aking likod animong tinitingnan niya kung basa iyon. "Bakit nandito kayo? Hindi ba may pasok kayo? Nagka-cutting kayo?" Kunot-noong tanong ko. Napanguso si Luther. "No, wife. We're good students. Hindi namin alam ang salitang iyan, wala lang 'yong Professor namin." Humagikgik ang dalawa habang kumakain. Pinaningkitan ko sila ng mata, kinuha naman ni Luther ang ginagawa ko. Sinipat niya iyon, kumunot pa ang kanyang noo. "What is this, wife?" "A-Ah, 'yong killer 'yan. Sinusubukan kong idrawing. Hehe." Napakamot ako ng ulo nang pag-agawan iyon ni Harold at Tristan para tingnan. Nagkatinginan sila bago humagalpak ng tawa, napasimangot ako dahil doon. Anong nakakatawa? Pinaghirapan ko iyan, buong breaktime ko ay diyan ko inubos. Nilingon ko si Luther, kagat niya ang ibabang labi animong pinipigilan matawa. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya tumikhim siya at inagaw sa mga kaibigan ang drawing ko. "You're so talented, wife. B-But ahm... don't you think this is kinda uh . . . creepy?" Dahan-dahan sabi niya animong nag-iingat sa mga sasabihin. Tinaasan ko sila ng kilay. "Creepy talaga kasi killer siya! Alangan naman cute!" desperadang paliwang ko para sa aking drawing. Nagtawanan pa rin sila Harold at Tristan, kumamot sa ulo si Luther. "Oo nga! Tama ka diyan, April. Siguro nga panget 'yong killer." Natatawang sabi ni Tristan sabay kagat ng pizza. Tumikhim si Luther. "Wife, add some muscles here." Turo ni Luther sa bandang braso. Ngumuso ako. "H-Hindi ko naman nakita kung may muscle siya diyan, naka-jacket kasi 'di ba?" Sandali akong tinitigan ni Luther bago ako abutan ng isang slice ng pizza. "Kumain ka na lang para tumaba ka," aniya. Ngumisi ako bago kumain na rin bago pa maubos ng dalawa. Sa susunod na makita ko ang killer, sisiguraduhin kong mahuhuli na siya. *** Nang matapos sa klase ay hindi na kami nakapagkita nila Luther dahil madami rin silang ginagawa, tinext ko na lang siya na uuwi na ako dahil may mga tinatapos din akong portfolio. Pagkagaling ko sa apartment para magbihis ay umalis na ulit ako para pumunta sa isan computer shop para magpa-print para sa proyekto namin, wala naman kasi akong printer. Halos dalawang oras din ang ginugol ko roon. Hindi ko namalayan na alas-nuwebe na nang matapos ako, bahagya ng kumukulo ang aking tiyan. Hubby ♡ Wife where are you? Ako: Nasa com. shop po may assignment kasi kami. Hubby ♡ Anong oras na babae? Tamang uwi ba 'yan? Ako: Wala bang orasan dyan? 9:23 pm na hubby. Hubby ♡ Tingin mo nakakatawa, April? Sino bang kasama mo? Ako: Ako lang, hubby patapos na ito. :) Hubby ♡ Anong suot mo? Ako: Wala akong suot. HAHAHA. Hubby ♡ Seriously, baby? Where's that f*****g shop? Ako: Don't say badwords hubby. Sa may tabi ng seven eleven, Hubby. Hubby ♡ Don't go anywhere. Stay there! Hindi na ako nagreply, luh bahala siya. Nang matapos akong magpa-print ay lumabas na ako ng computer shop. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang isang lalaking nakasandal sa kotse sa labas ng computer shop. Lumapit siya sa akin at sinuotan ako ng jacket habang blanko ang mukha nito. "Pinayagan ba kitang lumabas ng ganyan ang suot?" iritang usal niya habang sinasara ang zipper ng jacket niya na isinuot sa'kin. Inirapan ko siya. "May problema ba sa suot ko, Luther? Ha?" matapang na sabi ko. Hindi siya nagsalita, inayos niya ang buhok ko. Pagod ako tapos ganyan pa, ilang beses ko ng sinabi sa kanya ayokong pinapakielamanan ang sinusuot ko. Ano bang problema, kailangan ba naka-gown pa ako? Dito lang naman ako sa computer shop. Binuksan niya ang kotse, imbes na sumakay ay nilagpasan ko siya. Hah! Bahala siya diyan. "April!" rinig kong tawag niya pero hindi ako huminto sa paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo masiyado ay may pumigil na sa aking kamay. Hindi ko siya nilingon, pinisil niya ang aking kamay. Narinig ko ang malakas na buntonghininga niya. "Sinabi ko na noon pa, ayoko pinapakialamanan mo ang suot ko." "Sorry na." Hindi ako sumagot pero nilingon ko siya, nagtama naman ang aming mata. Seryoso ang sa kanya, nakipagtitigan ako. Hindi naman dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong niya kung hindi gustong-gusto ko nakikita na naiinis siya. Ang cute kasi kapag nagsasalubong ang makapal niyang kilay. Maya-maya ay tumawa na ito. "Pffft. You're cute, stop staring wife," aniya at niyakap ako. Kinurot niya ang pisngi ko. "Sorry na, hindi ko lang mapigilan magselos." "Kanina ka naman magseselos? Luther hindi naman ako gano'n kaganda para pag-agawan ikaw lang 'tong patay na patay sa akin." Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Handa rin pumatay para sa'yo," biro niya, sinapak ko siya sa braso. Baliw na talaga 'to. Kumalas na kami sa pagyakap masiyado na kasing PDA. Nagulat ako nang bigla niyang tingnan ang mga nakatambay sa kabilang gilid ng daan. "Don't you dare stare at her legs or else I will get your f*****g eyeballs out," madiin sabi niya, nagtakbuhan naman ang mga totoy paalis. ________________ SaviorKitty
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD