KILLER 4
༻─────── ·☠· ───────༺
Isang umaga ay maaga akong pumasok para tapusin ang report ko, hindi ko iyon natapos kagabi paano ba naman, sabi ko pipikit lang ako sandali pagkagising ko ay umaga na.
Balak ko sanang kunin ang ilang libro ko sa locker pero kumunot ang aking noo nang buksan ko iyon ay umalingasaw ang nakakasulasok na amoy.
Halos masuka ako sa sobrang baho no'n.
Parang bumaligtad ang aking sikmura, kaagad kong naitakip ang aking palad sa aking ilong, dahan-dahan ko pang mas binuksan ang pintuan ng aking locker.
Napa-atras ako nang makita ang ulo ng isang daga, inuuod na iyon.
Kailan pa 'to nandito? Imposibleng pumasok ang daga, saka bakit putol ang ulo?
Palakas nang palakas ang kabog ng aking dibdib. Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumapik sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo diyan, April—s**t, ang baho!" ani Madel.
Nanlalaking matang napalingob ako sa kaniya, kasama niya si Yuri. Halos masuka-suka rin sila, mabilis nila akong hinila palayo roon.
"A-Ano 'yon?" halatang kabadong tanong ni Yuri.
"Hindi ko alam, hindi ko alam sino ang gagawa nito," kinakabahang usal ko.
Mabilis kong kinuha ang aking telepono upang ipaalam iyon kay Luther, sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang kanyang phone. s**t! Nasaan na ba siya?
"Sabihin natin sa office!" suwestyon ni Mabel, mabilis na tumango si Yuri.
Gano'n nga ang ginawa namin, sinabi namin sa isa sa mga guro na nandoon. Isang matandang babae na hindi ko pa nagiging guro, si Yuri ang kumausap sa kanya habang ako ay nakikinig lang.
"Baka naman napagtripan ka lang, marami talagang siraulo rito," sabi niya.
Napamaang ako sa kanyang sinabi. "G-Gano'n lang po iyon? Papalagpasin ko na lang?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Hindi kasi sa kanila nangyari kaya hindi niya maintindihan, natatakot ako lalo na't iba ang pakiramdam ko sa putol na ulo ng daga na iyon, parang may pinapahiwatig.
"What do you want to do, Miss? Sa mga nangyari sa loob ng paaralan na ito, walang-wala iyan sa nangyare sa iba."
"K-Kaya nga po, para maaksyunan b-baka—" baka ako na ang susunod.
Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil mukhang wala talaga silang pakielam, mukhang nagsasayang lang kami ng oras.
"Tara na, Yuri, Mabel," aya ko sa dalawa.
Hinawakan ko ang kanilang braso upang umalis sa roon, bago pa ako lumabas ay nagsalita ang matanda kaya nilingon ko siya. "Trust no one."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya habang nasa libro niya ang kanyang atensyon, hinila na ako nila Mabel paalis doon. Nababaliw na sila.
Hindi na ako magtataka kung tuluyan mawala na ang mga estudyante rito.
"Nakakainis! Nakita niyo ba 'yon? Dapat diyan nirereklamo e! Para matanggalan sila ng lisensya!" inis na sabi ko nang makarating kami sa field.
Tinapik ni Mabel ang braso ko.
"Ayos lang iyan, April. W-Wala naman sigurong mangyayaring masama saka boyfriend mo si Luther . . . hindi ba Ninong niya ang may-ari nito? Baka pwede ka niyang tulungan," suwestyon niya.
Tumango si Yuri. "Tama April, bakit hindi ka humingi ng tulong kay Luther? Wala ka bang kilala na maaaring gumawa nito?"
Mabilis akong umiling saka nameywang. Anong magagawa ni Luther dito? Iyon ngang nasa mga taas nagbubulag-bulagan lang, paano pa kaya kaming estudyante lang.
"Wife..."
Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa nagsalita, nandoon si Luther na seryoso ang mukha habang nakapamulsa, pinasadahan niya ng tingin ang dalawang kasama ko.
"A-Ah, April una na kami," paalam ni Mabel, tumango ako sa kanila at pinanuod ko silang mabilis na umalis ni Yuri.
Tuluyan naman lumapit si Luther sa akin habang nasa dalawa ang tingin.
"Kaibigan mo?" tanong niya.
Umiling ako. "K-Kaklase ko lang, Luther. Saan ka ba galing? Alam mo kanina may daga sa locker ko!" Mukhang hindi siya nagulat sa sinabi ko, itinuliy ko ang kwento ko. "Tapos nagsumbong kami sa office, aba'y mukhang walang pakielam! Maganda sana ang pagtuturo sa school na 'to pero ang panget ng pamamalakad, sa dalawang taon ko rito ngayon ko lang 'to nalaman," tuloy-tuloy na wika ko.
Sa kaniya ko lang nailalabas ang sama ng loob ko na hindi mo mailabas sa iba.
"Next time don't ask them to help you," aniya sa seryosong boses saka mas lumapit sa akin.
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Bakit hindi? Karapatan ko naman iyon Luther! Oblisgasyon nila ang kaligtasan ng estudyante nila."
Bumuntonghininga siya saka hinawakan ang kamay ko, bahagya akong kumalma dahil doon.
"Basta huwag, sa susunod ay huwag ka na lang magsalita, huwag mo ng ilapit sa itaas," malamig na sabi niya.
Napamaang ako at binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
"Bakit naduduwag ka ba, Luther? Dalawang taon na ako rito, ngayon taon lang nagkaganito, hindi ba kayo natatakot ha? T-Tapos 'yong mga patay noong nakaraan parang wala lang at—"
"The investigations are done, wife. Yesterday they announced that it was an accident. Lahat, aksidente." Bahagya niyang pinisil ang kamay ko.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya saka pagak akong tumawa.
"Aksidente, Luther? Buang na ba sila? Kitang-kita ko mismo! Sa mismong mata ko na nakita ko 'yong Killer! Anong klasing inbestigasyon 'yan?!" histerikal na sigaw ko, walang pakielam kahit pinagtitinginan na kami ng ibang dumadaan.
"I believe you, wife."
Huminga ako ng malalim, dapat matapos na 'to.
"Aabangan ko 'yong killer mamaya, masasamahan mo ba ako? Hindi tayo uuwi, may naisip akong plano," pursigidong sabi ko saka niyugyog ang kaniyang balikat.
Bahagyang tumabingi ang ulo niya, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago ngumiti.
"All right wife, let's do that. So . . . what's the plan?"
Napangiti ako sa sinabi niya bago sabihin sa kaniya ang aking plano.
____________________
SaviorKitty