K I L L E R 5
༻─────── ·☠· ───────༺
Inabutan ako ni Luther ng softdrink na mabilis ko naman hinigop. Nakakagutom pala mang-hunting ng killer, kasalukuyan kaming nasa rooftop ni Luther at hinihintay pang mas gumabi.
Mag-aalas-sais pa lang at paniguradong magra-round check ang guard mamaya kaya naman nagtatago muna kami para hindi kami palabasin.
Siguradong babalik ulit ang naglagay ng daga sa locker ko, sigurado akong ang killer din iyon. Siguro dahil nakita ko siya noon nakaraan kaya tinatakot niya ako? Hindi ko alam, siya lang naman ang naiisip kong maaaring gumawa nito sa akin.
"Dahan-dahan lang," sabi ni Luther.
Doon ko napansin na nangigigil na ako sa pagnguya ng fries. Nginisian niya ako bago ngumanga, sinubuan ko siya kaagad.
"Akala ko ba ayaw mo? Pinapabili kita ng sa'yo kanina 'di ba? Tapos ngayon nakiki-share—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang halikan niya ako nang mabilis sa labi.
"Eat more," bulong niya bago tumingin ulit sa pintuan ng rooftop dahil nagtatago kami sa likod ng mga sirang upuan.
Napanguso ako saka tinapos ang kinakain ko, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi pa rin nagbabago, kung paano ito tumibok simula nang makilala ko siya ay gano'n pa rin hanggang ngayon.
Mahal na mahal ko pa rin siya at pakiramdam ko ay walang ano man na dahilan na makakapagtibag no'n.
Nilingon ko siya nang sumandal siya sa balikat ko. Tinuro niya ang langit gamit ang kanyang labi, hindi ko maiwasan mapangiti nang makita ang tinuturo niya. Papalubog na ang araw, nagtatalo na ang kulay itim at kahel sa langit.
"Ang ganda," manghang sabi ko.
Pinagsaklob niya ang aming mga kamay. "Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko," mahinang aniya.
Napasinghap ako dahil doon, ano ba naman 'tong sinasabi niya. "U-Uy pinapakilig mo ako ha!" mahinang biro ko para alisin ang kaba.
Dinala niya ang aming kamay sa kanyang labi at hinalikan iyon, parang may humaplos sa puso ko.
"Minsan iniisip kong nasa hindi ka na lang lumipat sa school na 'to, pero naisip ko rin na kung hindi mo ginawa 'yon ay hindi kita nakilala," mahinang aniya.
"B-Bakit mo naman naisip 'yan?" takang tanong ko.
Sasagot pa sana siya pero narinig namin ang pagbukas ng pintuan sa rooftop, parehas kaming naging alerto.
"May tao ba diyan?" sigaw ng matabang guard.
Sinenyasan ako ni Luther na huwag gumawa ng ingay, tumango ako. Mula sa maliit na butas sa mga pagitan ng mga sirang upuan ay sumilip ako, nakita kong may hawak na flashlight ang guard, nililibot niya ang buong rooftop.
Napakapit ako sa braso ni Luther nang pinasadahan niya ng flashlight ang pwesto namin saka naglakad papalapit. Pinigilan kong suminghap sa sobrang kaba.
"May tao ba diyan?" ulit niya.
Ramdam kong malapit na malapit na siya, nanlaki ang aking mata nang kumindat si Luther sa akin. Kasunod no'n ay malakas na busina sa parking lot, malayo pero rinig na rining namin.
Sunod-sunod ang mura ng guard bago mabilis na umalis, nang marinig ko ang pagsara at bukas ng pintuan ay roon lang ako nakahinga nang maluwag.
Mabilis kinuha ni Luther ang phone niya at may tinawagan. "He's coming there. Okay," aniya saka pinatay ang tawag.
"S-Sino 'yon?"
"Harold and Tristan."
Nakahinga nang maluwag, inalalayan niya akong tumayo, kaagad ko sa kaniyang ipinakita ang bagong drawing ko, mas maganda na iyon kaysa sa nauna.
"Luther tingnan mo, ganito ang—nakikibig ka ba?"
"What did you call me?"
"Luther—"
"Why you didn't call me hubby or mahal? What happened?" Kunot-noong tanong niya.
Naitirik ko ang aking mata. "Luther naman, syempre nagmamadali tayo at—"
"Kahit nagmamadali ako, you're still my wife and don't rolled your eyes on me."
"Fine, Hubby, tingnan mo 'to," sarkastikong nilambingan ko pa ang boses ko.
Inakbayan niya ako saka kinuha ang pinapakita ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya saka binabaliktad-baliktad ang papel.
"What the f**k is this?"
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya natawa siya.
"Umayos ka nga! Iyan 'yong upgrade na itsura ng killer."
"Upgrade huh?"
"Oo! Nanuod pa ako sa youtube paano tama pagshades diyan, basta ganyan itsura niya."
Sandali niyang tinitigan iyon bago ilahad ang kamay. Napapantastikuhang nilingon ko siya dahil hindi ko alam kung ano bang ibig niyang sabihin.
"Pencil?" aniya.
Mabilis kong kinuha sa pouch na dala ko ang lapis at ini-abot sa kanya.
Pinanuod ko siyang dagdagan ng details ang drawing ko.
"Here, let's put some hair here... then a little bit eyebrows, pointed nose, thin kissable lips," bulong niya habang inaayos ang drawing ko.
Napakurap-kurap ako nang matapos niya iyon.
"Charan! Look wife!" masayang pahayag niya.
Napanguso ako dahil pinakialamanan niya ang gawa ko, nagmamagaling na naman 'to, akala mo naman nakita niya 'yong killer e.
"Bakit naging gwapo?! Parang hindi naman ganito 'yon e," hindi ko pagsang-ayon.
Napailing na lang siya saka tumingin sa orasan niya sa may pulsuhan.
"We have one hour before the next round check, let's go?" Naglahad siya ng kamay sa akin.
Nakangiting tinanggap ko iyon.
"Lagot sa akin 'yang gumagawa ng mga 'yan," buong tapang na wika ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako, kung wala rito si Luther ay hindi ko ito magagawa.
Hawak kamay kaming bumaba, ang plano namin ay pupunta kami sa security room at iche-check muna namin. Tapos pupunta kami malapit sa locker room at aabangan ang killer.
Kapag nahuli namin ay lagot talaga siya sa akin. Hah!
Nasa paliko na kaming pasilyo nang parehas kaming natigil ni Luther sa paglakad. Sa dulo ng hallway ay nakatayo roon ang lalaking naka-hood, deretsyong nakatingin sa amin ngunit hindi ko makita ang mukha.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Luther.
"L-Luther..."
"Run wife."
__________________
SaviorKitty