K I L L E R 6
༻─────── ·☠· ───────༺
"H-Hindi." Mabilis akong umiling sa sinabi niya, hindi ko siya iiwan dito. Nababaliw na ba siya?
Hinila ko ang kamay niya. "T-Tara na Luther!" sigaw ko.
Hindi siya kumilos, nakatingin lang din siya sa nakatayo na naka-jacket, mukhang nagulat nang makita kami. Hindi ito ang plano ko, wala ito sa plano. Paano kung may dala siyang patalim at sugurin kami?
Luther can't fight like that.
Napasinghap ako nang bitawan ni Luther ang aking kamay at seryoso akong tiningnan. "Back to the rooftop, I'll go there. Go!" mabilis na sabi niya sa mahinang boses.
Kahit ayaw ko siyang iwan ay parang natuod ako sa awtoridad ng kanyang boses. Sobrang laki ng tiwala ko kay Luther kaya alam kong hindi niya ako papagawain ng bagay na ikakapahamak ko.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa itaas, nananalangin na sana ay maging maayos lang siya.
Halos hindi ko na alam paano ko naihakbang ang paa ko sa sobrang takot, akala ko kaya ko ng humarap pero ito ako, tumatakbo palayo.
Mariin akong pumikit sa isipin na ipinahamak ko pa si Luther.
Bigla akong napatigil sa pagtakbo nang malapit na ako sa sa hagdanan nang makita ko ang guard na kakalabasan lang sa banyo sa gilid. Napasinghap ako at nagtago sa ilalim ng hagdanan.
Kumakanta-kanta pa siya habang naglalakad palayo, iniisip kong habulin siya at sabihin ang nangyayari pero baka hindi siya maniwala, mas nakakatakot dahil baka baliktarin nila ako.
Baka akalain nila ako ang killer, mas lalo iyon problema. Mabuti na lang at doon siya naglakad papunta kung nasaan si Luther, sana makita niya ang totoong killer.
Tahimik akong nagdasal habang nandoon, nang pakiramdam ko ay tuluyan na siyang nakalayo ay lumabas na ako. Palinga-linga ako sa dilim habang naglalakad, sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Pakiramdam ko ay nanlalamig na rin ang aking palad.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa rooftop bago ko napagpasyahan bumaba at sumilip ulit. Bakit wala pa si Luther? Ang tagal naman niya?
Gusto ko nang maiyak dahil kung ano-ano ng naiisip kong nangyari sa kaniya, paano kung sinaktan na siya ng killer? Wala man lang siyang kalaban-laban.
Nang makababa ako ay mas lalo akong kinabahan nang marinig ang takbuhan at sigaw ng guard.
"Hoy! Tumigil ka!" sigaw niya, hindi lang siya nag-iisa, sa tingin ko ay may kasama pa siya dahil sa tunog ng sapatos.
Hindi ko alam kung saan ako liliko, pakiramdam ko ay mayroon sa kaliwa ko at sa kanan. Kapag nahuli ako siguradong lagot ako, nasaan na ba kasi si Luther?
"Nandito lang 'yon!" Mas lumapit ang boses.
Tatakbo na sana ako nang biglang may nagtakip ng bibig ko sabay hila sa akin papasok sa isang bakanteng kwarto, pinilit kong sumigaw pero mas hinigpitan niya ang takip sa aking bibig.
Hinila niya ako papasok sa aparador doon, akala ko ay ikukulong niya ako, nagulat ako nang itulak niya ang likod ng lumang aparador at bumukas iyon. Pinasok niya ako kasama siya.
Nanatili siyang nasa likuran ko nang isara niya ulit iyon. Sobrang dilim, wala ni isa mang ilaw roon pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga.
Ramdam ko ang mainit niya katawan sa aking likod, nanginig ako sa takot lalo't nakarinig ako nang bukas at sara ng pinto sa labas at paglayo ng mga yabag.
Tumikhim siya. "Shout and I'll cut your neck," bulong ng isang malalim na boses, paos na paos iyon.
Napatango ako, ayoko pang mamatay. Jusko.
Unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko, suminghap ako para amuyin siya kahit pa nasa likuran ko siya dahil alam kong magaling ako sa pang-amoy pero kakaiba ang amoy niya, amoy pintura.
Ramdam ko ang hininga niya sa aking batok at balikat, mariin akong napapikit nang maramdaman ang matalim na bagay sa aking leeg.
Kinilabutan ako roon, ang una kong naisip ay si Luther.
Hindi ko siya gustong iwan ng ganito, ano na lang ang mararamdaman niya kung makita niya akong walang buhay na? Hindi niya kakayanin iyon, hindi ko siya kayang saktan ng gano'n.
"H-Huwag mo akong p-patayin." Lumabas sa bibig ko.
Narinig ko ang malalim na buntonghininga niya.
"Then stop meddling," mahinang aniya.
Napatango ako. Pinilit kong kumalma kahit pakiramdam ko ay animang oras ay maiihi na ako.
"I-Ikaw ba ang naglagay ng daga sa l-locker ko? B-Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang kasalanan ko? S-Sino ka?" sunod-sunod na tanong ko.
Napalunok ako nang mas dumiin ang kutsilyo sa akin leeg ngunit hindi dumadapo sa aking balat.
"What if I am? Huh?"
Kinilabutan ako nang maramdaman ang labi niya sa aking balikat, napatayo ako ng tuwid at napalayo sa kaniya.
"M-May boyfriend ako..." iyon ang una kong nasabi.
Hindi siya nakapagsalita, inalis niya ang patalim sa aking leeg kaya kahit papaano ay kumalma ako, pinag-aralan ko at pilit inaalala ang amoy at kanyang boses.
"I will kill your boyfriend," banta niya.
Nanlaki ang aking mata, gusto ko siyang harapin pero masiyadong masikip kung nasaan kami, sapat lang para manatili kami sa aming pwesto.
Naikuyom ko ang aking kamao nang lumapat ulit ang labi niya sa aking leeg sa pagkakataon na ito ay bahagya niyang hinawi ang ilang buhok ko roon.
Napalunok ako nang maramdaman ang kanyang dila doon, bahagya niyang kinagat at alam kong magmamarka iyon, kinagat ko ang aking ibabang labi dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Luther.
Suminghap ako pagkatapos niya akong lagyan ng marka roon.
"You're mine," aniya kasunod no'n ay ang paghawak niya nang madiin sa aking leeg, unti-unti ay nawalan na ako ng malay, ang huli kong naaalala ay ang yakap sa akin ng killer upang hindi ako tuluyan matumba.
____________________
SaviorKitty