SPECIAL CHAPTER #1: "Hi, good evening Ma'am. Ano pong pangalan ang ilalagay namin sa reservation sa restaurant?" tanong ng babae sa kabilang linya. "Put Mrs. Apple Gray and Mr. Lurcan Gray," sabi niya sa babae. May sinabi pa ang babae bago patayin ang tawag. Labing isang taon ng kasal si Luther at April o mas magandang sabihin ni Apple at Lurcan. They changed their identity. Patay na si Luther at April. Matagal na silang patay kasama ng paaralan at ibang estudyante dahil sa sa isang aksidente habang ginaganap ang party. Lahat ng estudyanteng dumalo ay namatay, walang nakaligtas. Iyon ang kumalat sa balita. Napailing si Apple nang maalala iyon. Malalaki ang hakbang niya papunta sa sala kung nasaan ang mga anak. Tatlong anak. "Mommy ayos ka lang?" tanong sa kaniya ni Liana isa sa ka

