The first meet: Kaka-transfer lang ni April sa isang University kaya naman wala pa siyang gaanong kaibigan. Isang linggo pa lang simula ng mag-umpisa ng klase. Palipat-lipat kasi sila ng bahay ng magulang niya dahil sa mga trabaho ng mga ito. Alas-singko na ng hapon at oras ng uwian. Palabas na sana siya at nasa parking lot na ng napahinto siya sa paglalakad nang makita ang gulo sa parking lot. Napalunok siya sa nasaksihan. May higit sa walong lalaki ang pinag tutulungan ang isang lalaki. Mano-mano silang nagsusuntukan pero dahil mag-isa lang ang isa ay halatang pagod na ito sa dami ng kasuntukan. Hindi siya makagalaw gusto niyang tumalikod na lang at magkunwaring walang nakita pero mayroon sa loob niya na gustong tulungan ang lalaki. Nagpalinga-linga siya para humingi ng tulong p

